Chapter 6: Sing for you

6 0 0
                                    


Tiningnan ko ang ginagawa niya at tumabi sakanya.

"Filipino?" tumawa ako at kinuha yung notebook sakanya.

Pagkatapos kong sagutan ay may tumawag na sakin.

"Zarrine!" sigaw ni Ryle.
"Yup!" sigaw ko pabalik.
"Thanks!" narinig kong sabi ni Blake bago ako makalayo.

Habang naglalakad kami ni Ryle ay nakarinig ako ng bulungan.

"Ang gwapo ni Blake noh?"
"Oo nga! Bagay sila ni Zarrine!"
"True! Siya lang nakakapagpangiti sakanya eh!"

Napatingin ako sakanila at ngumiti sila sakin.
Ngumiti nalang rin ako. Pero ano daw? Bagay kami ni Blake?

Thursday na at meeting nanaman ng teachers. Yes! Pahinga!

Lumabas na ang mga kaklase ko at natira kaming dalawa ni Blake.

Lumapit siya sakin dala ang gitara niya.

"Garden?" yaya niya.
Ngumiti ako. May klase pa naman si Ryle kaya pumayag ako.

Umupo kami sa puno at nagsimula na siyang tumugtog sa dala niyang gitara at kumanta.

"Wise men say..
only fools rush in.."

Hindi ko maiwasan tumitig sakanya.
Tumitig rin siya pabalik.

"But I can't help falling inlove with you.."

Ang ganda ng boses niya..Ang sarap pakinggan.

Dismissal time na at niyaya ako ni Blake na ihatid sa bahay.

"Tapos niyo na yung pictures?" tanong ni Ryle.
Omg! Friday na ngayon! shet!

"Hala! Hindi pa!"

"Sino ba partner mo?" tanong niya.
"Si B."
"Huh?"
"Ay. A-ano..Blake pala."

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang may biglang umakbay sakin.

"Can I borrow her?" tanong ni Blake kay Ryle.
"Sorry Ryle..Di pa kasi kami tapos dun sa presentation eh." paliwanag ko.

Tumingin muna ulit siya kay Blake bago tumango.

Pinagtitinginan kami ni Blake habang naglalakad.
Bakit kaya?

Ay. Nakaakbay pa pala siya sakin.

Umupo kami sa isang table.

"Paano na yan? Di natin natapos?" tanong ko.

Ngumiti siya at pinakita sakin ang powerpoint presentation na lima lang ang pictures pero maganda.

Napangiti ako.
Buti nalang siya yung partner ko.

Destiny Will Take PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon