Chapter 1: Partner for the quarter

16 0 0
                                    


Wala kaming masyadong ginawa this week kundi puro introduce yourself na hindi ko naman pinapakinggan.

Kilala ko na rin naman halos lahat dahil sila din ang mga kaklase ko last year.

"In this quarter marami tayong activities.. You will need a partner..I'll give you the freedom to choose. Just make sure na may magagawa kayong matino."

Argh! First week pa lang may gagawin na?

"Kailangan niyong kilalanin ang partner niyo para mas maging komportable kayong kasama siya."

Tiningnan ko silang nagkakagulo para mahila ang kaibigan nila habang nakaupo lang ako dito.

Malas! Bakit hindi ko pa naging kaklase si Ryle!

"Sino pa ang wala?" tanong ng teacher.

Nagtaas ako ng kamay.

"Hala! Bakit hindi ka nagsabi?" sabi ng isang close friend ko na may kapareha na.

Hindi pa ako nakakasagot nagsalita na ulit ang teacher.

"Fajarillo." tawag niya sa lalaking kaklase ko.
Tumingin siya sakin at tinuro sakin ang lalaking walang pakialam sa buhay.

Magproprotesta pa sana ako pero tinitigan ako ng matalim nung teacher na yun.

Ano bayan! Paano ako gagawa nito ng maayos eh hindi kami close!

Dumating ang wednesday at may pinagawa samin si miss samin na by pair.

"Kailangan niyong kumuha ng pictures about friendship. Pwedeng isa ang kukuha ng pictures at isa lang ang pipicturan. Pwede ring pareho kayong picturan. Then kailangan ipresent at magbigay ng 5 facts about your partner. Para alam ko kung may mga kailangan akong paghiwalayin." mahabang explanation ng teacher.

Nagkatinginan kami ng partner ko.
Hindi ko nga alam pangalan niyan eh kasi hindi ako nakikinig tapos friendship pa yung topic?

Huminga ako ng malalim.
This is going to be hard. Huhu.

Pero para sa grades..Kaya yan!

Destiny Will Take PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon