Chapter 12: Truth or Dare

4 1 2
                                    

Masaya ako nang nakauwi kami.

"Thanks ah! Nag enjoy ako!" sabi ko.
Ngumiti siya.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Namataan ko agad ang mga kaibigan ni Blake na nagkukumpulan. Anong meron?

Nakita ako ni Blake at tinawag.
"Zarrine!" tawag niya at sinenyasan akong lumapit doon.
Tiningnan ko ang pwesto ng grupo namin nila Ryle at nakitang wala pang tao doon.

Lumapit ako doon at niyaya nila agad akong maglaro.
"Uy! Sali ka Zarrine!" yaya nila.

Inikot nila yung bote at tumapat agad sakin yun.
"Truth or dare?" tanong ni Allison,isa sa mga close friends ko.

"Dare!" nakangiti kong sagot.
"Pumunta ka sa isang squad..tapos hmm..yumakap ka ng isa sakanila." sabi ni Jace, kaibigan ni Blake.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang kararating lang na grupo nila Ryle. HAAHAAHA. Madali lang to. Kahit sino sakanila pwede kong yakapin eh.

"Lalaki ah!" pahabol ni Jace.

"Dali lang pala eh. Si Ryle nalang." tumawa ako.

Tatayo na sana ako pero may kamay na pumigil sakin.

Nagtataka kong nilingon si Blake.
Nag iwas siya ng tingin.

"Tss. Give her another one." parang inis niyang sabi.

"Ay. Selos ka?" pang aasar ni Jace.
Hindi sumagot si Blake.

"Oh sige..ikaw nalang..Truth or dare?" tanong ni Vanessa.

"Truth." tipid na sagot niya.

Nilabas ko ang mga requirements ko at nagsimulang gumawa habang nakikinig parin sakanila.

"Hmm. Anong gusto mo sa isang babae?" tanong ni Jace, nakakaloko ang ngiti.

"Syempre mapagmahal at maalaga."

"Eh yung appearance or looks?" tanong ulit sakanya.

"Hindi na importante yun..Basta mahal ko at mahal ako, masaya na ko." nagkaroon ng sandaling katahimikan.

Shet! Bakit ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko? Hindi ko talaga alam kung bakit.

'Mahal ko at mahal ako.' Gusto ko na ba siya? Pero hindi! Masyadong mabilis! Pero wait halos anim na buwan ko na din siyang kasama eh!

Simula kasi nung naging kapartner ko siya, naging kaibigan ko na rin siya. Posible kayang gusto ko na siya?

Umiling ako.

Nag angat ako ng tingin at nakitang nakatingin na silang lahat sakin except kay Blake.

Tumingin ako sa baba, sakin na pala nakatapat yung bote.

Hindi pa ako nakakapagsalita may umakbay na sakin.

Destiny Will Take PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon