Chapter 22: Leadership Training

9 2 0
                                        

Niyakap ako ni Blake.
"I'll message you okay?"

Tumango ako.
"Bye! Mamimiss kita!"

Napangiti siya sa sinabi ko.

Sumakay na ako sa bus at nakitang isa nalang ang seat.
Nag angat sakin ng tingin yung lalaking makakatabi ko.

"Jace?" nagtatakang tanong ko.
"What? Ayokong magklase eh." tumawa siya.

Umiling ako at umupo na sa tabi niya.

Nang nakarating kami ay nakita ko ang message ni Blake.

Blake:
"I miss you already."

Napangiti ako. Naiisip ko yung mukha niyang nakanguso..Shiz! Ang gwapo!

Nagreply na ako at agad na kaming tinawag para sa first activity.

Maglalaro kami ng volleyball at ang mananalo ay magkakaroon ng three points sa team.

Habang naglalaro ay tumunog ang phone kong nasa bench. Sinadya kong hindi yun i-silent para marinig ko pag nagmessage si Blake.

Tiningnan ko iyon at nakitang tumatawag si Blake.
Tumingin na ulit ako sa harap pero masyadong mabilis ang pangyayari at bigla akong natamaan ng bola.

Agad sumakit ang ulo ko at napahiga pero bago ako makahiga sa sahig nasalo ako ni Jace.

Nakapikit lang ako habang inaalalayan ako ni Jace papuntang clinic.

Nagising ako galing sa pagkakatulog at nakitang may message si Blake.

Ako:
"Dude! Stop calling! Your girl got hit by the ball! Tsk." sigurado akong si Jace ito.

Nagreply si Blake.
Blake:
"What? Ok lang ba siya? Bakit hindi mo binabantayan?"

Hindi na nagreply si Jace.

Ako:
"B! Ok na ko..Nakatulog na ako."

Wala pang isang minuto nagreply na agad siya.

Blake:
"Are you sure? Gusto mo sunduin na kita?"

Tumawa ako sa kanyang kakulitan.

Ako:
"Promise. Ok lang ako. I miss you."

Destiny Will Take PlaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon