Paggising ko ng Sunday ay agad bumungad sakin ang isang message na galing kay Blake.Blake:
"Tss. Bakit kasama mo siya? At hindi mo man lang sinabi sakin?"Luh? Ang bossy!
Ako:
"Bestfriend ko siya eh! At bakit naman kailangan mong malaman?"Wala pang isang minuto nagreply na agad siya.
Blake:
"Tss. Nevermind. Go down now."Luh? Problema nito? Pero ano daw? Down? Hindi ko alam pero bumaba nga ako.
Nag uunat pa ako habang pababa sa stairs. 8 am palang kaya inaantok parin ako.
Pagtingin ko sa sofa may nakaupong gwapong lalaking nagngangalang Blake.
Wait! Anong ginagawa niyang dito?!
Automatic akong tumakbo pabalik sa taas. Hindi pa ako nakakaligo! Kahit pagsuklay ng buhok hindi ko pa nagagawa!
Nag ayos ako at mabilis na naligo.Pagbaba ko ay nandun parin si Blake.
Magtatanong na sana ako nang lumabas si mommy galing sa kitchen.
"Oh? Gising ka na pala nak.."
"Uh. Opo ma..May lakad lang po kami.Di na ko magbebreakfast. Bye ma! Pasabi nalang kay daddy! Bye!"
ngumiti lang si mommy at hinila ko na palabas si Blake."Hoy! Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka nagsasabi? At anong ibig sabihin mo sa message mo kanina? Anong oras ka pa nandito? Nagbreakfast ka na b-" natigil ako sa pagsasalita nang ilapit niya ang mukha niya sakin.
"Ang ganda mo." ngumisi siya.
Namula ang pisngi ko at tumalikod sa kahihiyan. Argh! Ayan nanaman siya!Hinarap niya ulit ako.
"Ano ka ba? Bakit ka nahihiya? Ako lang naman to." natatawang tanong niya.Bumuntong hininga ako.
"Okay. So ano ngang ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Hmm. It's my turn." sagot niya.
Turn? Saan?
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Fiksi RemajaZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...