Sinuot ko na ang gown ko.
I'm wearing a pastel pink gown.
Ang buhok ko ay nakahalf ponytail at kulot sa dulo.Naghanda na kami ng escort ko para bumaba na sa hagdan.
Nginitian ko si Ryle.
"Thank you for being my escort, Ryle. Sorry kung minsan na lang ako nakakasama sa inyo." Ngumuso ako.
"It's okay..Ipapasyal kita ngayon." ngiti niya.
Bumaba kami sa stairs at narinig agad ang palakpakan ng mga tao.
"Ang wish ko sayo..ay sana maging successful ka sa life..magkaroon ka ng magandang trabaho at gwapong boyfriend! At least kahit wala ako nun meron ka diba?" tumatawang sinabi ni Allison.
Napangiti naman ako dun.
After ng 18 wishes ay dumiretso agad sa 18 roses.
First dance ko si Dad.
Kinakausap lang ako ni dad hanggang maiyak kami kaya binigay niya na ako kay kuya.Second dance ko siya.
"Happy Birthday sis! Pwede na magpaligaw basta galingan mo pumili ah? Kailangan kasing gwapo ko." kindat niya at hinalikan ako sa pisngi.Ang mga nakasayaw ko pa ay yung mga gradeschool friends ko at mga pinsan ko.
Last dance na kaya lumapit na sakin si Ryle dala ang isang rose.
"Happy Birthday Princess!" bati ni Ryle.
"Thank you Ryle!" ngumiti ako.
"Nandito lang ako lagi ah? Sabihin mo sakin pag sinaktan ka ni Blake." napatigil siya sa pagsasayaw dahil niyakap ko siya.
"Thank you talaga Ryle..ikaw ang pinakabest sa lahat ng best." sabi ko ng nakangiti. Swerte ko sa bestfriend ko.
Niyakap niya ko pabalik.
Pagkatapos ng party ay nagbihis lang ako ng dress at umalis na kami ni Ryle.
Dinala niya ako sa isang malaking garden na may isang table at puno ng lights ang paligid.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.
"Gusto lang kitang isayaw..malay mo huli na to..kasi baka magkaboyfriend ka na..may magseselos na." ngumuso siya.
"Ano ka ba? Hindi no. Baka ikaw? May nililigawan ka na ba?" tumawa ako.
Tumawa siya. Aba! Hindi sumagot! Baka meron nga! Basta masaya ako para sakanya.
Kumain kami saglit tapos nanood na kami ng fireworks.
"Ang ganda noh?" tanong ko.
"Sobra." nagbaba ako ng tingin at nakitang nakatingin siya sakin.
"Thank you Ryle ah..Lagi mo kong pinapasaya at lagi kang nandyan para sakin."
Hindi siya nagsalita at nilagay niya ang ulo ko sa kanyang balikat.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Teen FictionZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...