Friday na at ito ang una naming araw ni Blake hindi bilang mag partner, pero bilang isang couple.November 7.
Sinundo niya ako sa bahay at pumunta na kaming school.
Pinark niya ang sasakyan at tumingin sakin.
"Saya ko." sabi niya at hinalikan ang kamay ko.
Habang naglalakad ay hinawakan niya ang baywang ko.
Kitang kita ko ang paglingon ng mga tao samin. Tinakpan ko na lang ang mukha ko.
Lalo na tuwing sinasabihan ko siyang wag PDA pero ayaw niyang makinig.
Pagdating namin sa squad niya ay naglingunan agad sila samin.
"Hep!! Ano yan?" tanong ni Jace sabay turo niya sa kamay ni Blake sa baywang ko.
Inalis niya ang kamay niya sa baywang ko at hinawakan ang kamay ko.
Tinaas niya yun.
"Congrats! HAHAHAHA!" tumawa si Jace at nakipag-high five kay Blake.
Ngumiti sakin si Vanessa at Allison.
"Sabi na nga ba!" sabi nila.Nung breaktime ay nakasalubong ko si Ryle.
"Balita ko kayo na?" ngumiti siya.
"Oo eh. Sorry hindi ko agad nasabi sayo." ngumuso ako."Ok lang yun. Masaya ako para sayo."
"Thank you Ryle!" ngumiti ako.Umupo ako sa isang table habang bumibili si Blake ng pagkain namin.
Habang nag iintay ako may lumapit saking teacher.
"Zarrine?"
"Yes Miss?" tanong ko."I-iinvite lang sana kita sa leadership training..3 days. Sa batangas."
"Kailan po?"
"November 10-12. Ok lang ba?"
Malaki rin ang points nun sa grades ko.
"Okay Miss."
Nilapag ni Blake ang pagkain at umupo.
"Blake..may training ako sa Batangas next week. Pumayag na ako. Imemessage nalang kita palagi."
Ngumuso siya.
"LDR agad?"Tumawa ako.
"Wag kang mag alala. Imemessage kita lagi. Tsaka three days lang naman yun ah?""Fine. Wag kang didikit sa ibang lalaki ah? Pupuntahan talaga kita." ngumisi siya.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Teen FictionZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...