Chapter 20: Girlfriend

6 2 0
                                    

Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan niya ang noo ko.
Hindi parin kami tumitigil sa pag iyak.
Kumalas ako at nagpunas ng luha.

Tumalikod ako at lumabas ng bahay niya.
Naglakad ako papunta sa kanto.

Ang sakit sakit parin. Hindi ko siya kayang layuan.
Parang iniwan ko na din yung dahilan kung bakit ako masaya.

Tumigil ako. Hindi ko kaya.

Tumakbo ako pabalik sakanya.

Nakita ko siyang nakasandal sa gate at nakapikit.

Tinitigan ko siya.
Nang narinig niya ang mga hikbi ko agad siyang dumilat at niyakap ako.

"I'm sorry." bulong niya.

Ngayon ko napagtanto na mahal na mahal ko na siya.

Nagising ako ng maaga dahil sa tawag ni Blake.

"Hello?"

"Good morning..Pwede ba ako pumunta diyan? Nilutuan kita." napapaos niyang sabi.

"Pwede bang ako nalang ang pumunta dyan?" tanong ko.

"Sure."

Niyakap niya agad ako pagdating.

"Bakit ka nakabihis? May pupuntahan ka?" tanong ko.

"May pupuntahan TAYO..Hindi na ako aalis mag-isa. Dapat lagi kang kasama."

Binaba ko ang bintana ng kotse niya.
Ang lamig!

Natulog ako at nagising nang nandoon na kami sa resort.

Inakbayan niya ako habang naglalakad kami.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng pangligo.

Naliligo na kaming dalawa sa dagat at naramdaman kong hinawakan niya ang kamay kong nasa ilalim ng tubig.

Hindi ako makalangoy ng maayos dahil naaasiwa ako sakanya. Damn those abs!

Sabay kaming lumangoy papunta sa malalim na parte.

Bumitaw siya sa kamay ko at nakitang mas lumangoy pa siya papailalim.

Umangat ako para kumuha ng hangin pero hindi pa siya nakakaangat.

"Blake?" tanong ko.

May biglang lumutang na maliit na box.

Binuksan ko ito at nakitang may letter B na necklace sa loob.

Umangat siya at hinila ako papalapit sakanya.

"Pwede ka na bang maging akin? Itatama ko yung mga pagkakamali ko at hihigitan ko yung mga pagkukulang ko...hanggang ikasal tayo..Ganun kita kamahal." ngumiti siya at niyakap ako.

Niyakap ko siya pabalik.
"Yes!" sabi ko.
"Yes?" paninigurado niya.

"Oo na!" sigaw ko.
"Yes!" sigaw niya.

Destiny Will Take PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon