Chapter 9: Time for bestfriend

7 1 0
                                    


Umaga palang ay ready na ako para sa gala namin ni Ryle. Sinabi ko sakanyang gumala kami ngayon dahil halos hindi ko na siya nakakasama dahil sa project namin ni Blake.

Nagsuot ako ng oversized shirt at shorts.

Bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Ryle pagpasok ko sa kotse niya.

"Huy! Namiss kita!!" sabi ko sakanya at tumawa.
"Ako din!" tumawa siya.

"Saan tayo?" tanong ko.
"Tagaytay."

Niyaya niya akong kumain muna pagdating doon. Medyo matagal din kasi ang byahe namin dahil sa traffic.

Pagkatapos kumain ay bumili kami ng ice cream.

Ilang sandali ay nagyaya na siyang magvikings sa sky ranch.

"Pero kakatapos palang nating kumai-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinigit niya na agad ako.

Hinihingal pa ako sa ginawang pagtakbo. Lakas makahigit nito ah?

"Ha....teka lang..Dyaan?! Ang taas!"
sabi ko.

"Hindi yan! Tara!" at hinigit niya nanaman ako para pumila.

"Pag ako nahulog mumultuhin kita!"

Tumawa lang siya.

Nang umandar na ay di ko mapigilang sumigaw.
Hindi pa masyadong mataas sumisigaw na ako.

Sumisigaw lang ako habang si Ryle ay enjoy na enjoy at tumatawa pa habang pinapanood ako.

"Zarrine?" tawag ng kung sino sa likod ko.

Pinilit kong lumingon at nakita ko si Alex, kaklase ko.

"Uy hi!" pinilit kong ngumiti kahit takot na takot na ako.

"Sino kasama mo?" tanong niya.

"Si Ryle!" napasigaw ako dahil sobrang taas na.

Paano nila toh nakakaya?!

Nang hindi ko na kaya ay pumikit nalang ako at naramdaman kong inakbayan ako ni Ryle at sinandal sa balikat niya.

Imbes na mahilo ako sa pagkakasandal sakanya ay mas umayos pa ang pakiramdam ko.

"Tubig!" sabi ko pagbaba.

Bumili agad siya at inabot sakin ito habang tumatawa.

"Parang hindi ka naman takot, uhaw lang!" humagalpak siya.

Luh! Nakakatakot kaya!

Naggala pa kami hanggang sa mapagod kami.

Acutally siya lang yung napagod kasi nag eenjoy naman ako eh.

"Thank you! Nag enjoy ako!" sabi ko bago bumaba sa sasakyan niya.

Ngumiti siya at umalis na rin agad.

Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa kama at nagcellphone.

Binuksan ko ang instagram at nakita ang notification na finollow ako ni Blake. Finollow back ko siya at bumungad kaagad sakin ang post ni Blake na picture namin sa may puno.

Bakit niya pinost to?

Tiningnan ko ang mga stories at nakita ko kay Ryle ang selfie naming dalawa.

Binuksan ko naman ang facebook at bumungad sakin ang picture namin ni Ryle!

Pinost ito ni Alex 2 hours ago!

Ang caption ay, "Nilalanggam na ko dito."

Shit! Nakakahiya! Nakatag pa kami ni Ryle! Baka makita ni Blake!

Pero wait. Bakit ko naman iniisip si Blake? Ano namang kinalaman niya dito?

Argh! Bakit ba ko nagkakaganito?

Destiny Will Take PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon