Niyaya niya akong sumabay na sakanyang kumain. Di ko alam pero pumayag ako.Nagpaalam ako kay Ryle na hindi muna ako makakasama sakanya at pumayag naman siya.
Lumabas kami ni Blake at pumunta sa tapat ng school kung saan maraming street food.
"Pwede natin tong picturan!" sabi ko.
Inayos ko ang camera at sabay kaming dalawa na ngumiti habang may hawak na pagkain.Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako makatingin kapag nakangiti siya.
Siguro dahil minsan lang siya ngumiti at tuwing magkasama pa kami.May something sa ngiti niya na nagpaparamdam sakin ng kakaiba.
"Ang cute niyo naman." ngiti nung nagtitinda ng streetfood.
"Thanks po!" tumawa ako at tumingin kay Blake na naabutan kong nakatitig saakin.
Shet! Wag kang tumitig!
"Ah..Tara na!" at hinila ko na siya palayo dun at pabalik sa school.
Mabilis na dumating ang saturday kaya naisipan kong ayusin ang mga pictures namin.
Dalawa palang ang nakukuha namin pero kailangan namin ng seven to ten pictures.May nagtext sakin kaya agad kong binasa yun.
Unknown:
"Hey. It's B. May gagawin ka ngayon?"B? As in Blake?
Ako:
"Wala naman. Bakit?"Blake:
"Pwede ka muna hiramin?...We'll go to the beach..To take some pics.."Napangiti ako.
Ako:
"Sure. Tamang-tama dalawang pictures palang nakukuha natin.."Blake:
"Ok. I'll fetch you. Address please. Save my number."Agad kong sinave ang number niya sa phone ko at tinype ang address namin para masundo niya ako.
Nagbihis lang ako ng plain white t-shirt at faded jeans.
Pagbaba ko ay nakita kong kumakain si mommy.
"Ah..ma may lakad lang po." paalam ko.
"Alright. Saan?" tanong niya.
"Sa..beach?" hindi siguradong sagot ko.
"With?"
"Just a friend ma.." sagot ko at tumango siya.
"Magbebeach ka tapos ganyan ang suot mo?" nagtatakang tanong ng ate ko na kakarating lang.
"Uh..Oo?"
Bumuntong hininga siya at umirap.
"Tara. Sunod ka sakin."
"Ate! Ang ikli!" reklamo ko.
Pinagsuot niya ako ng sleeveless na floral dress.
"Shh! Siyempre pupunta ka ng beach! Hayaan mo na, maganda naman!"
Umirap ako at bumaba na.
Paglabas ko ng bahay ay nandun na si B.
Well, he asked me to call him B..I don't know why..
Pinagbuksan niya ako ng pinto at tinitigan.
Nag iwas nalang ako ng tingin at sumakay.
Agad siyang umikot para makasakay na ng kotse.
Pinanood ko siyang may ngiti sa labi habang umuupo sa tabi ko."Paano ako hindi mahuhulog niyan?" bulong niya kaya agad akong tumingin sa bintana at hindi na nagsalita.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Ficção AdolescenteZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...