"Ok ka na?" natatawang tanong ko sakanya.
Tumango siya at ngumiti.
"Ay wait! May hindi pa ako nakakakain!" sabi niya at umalis.
Umiling ako at sinundan siya.
Tumigil siya kaya napatigil na rin ako.
"Dyan ka lang..Babalik ako. Mawawalan tayo ng upuan pag umalis ka." sabi niya sabay turo sa upuan.
"Okay." sagot ko at binigay sakanya ang wallet ko.
Bumalik siyang may dalang dalawang ice cream.
Inabot niya sakin ang isa.Pagkatapos kumain ay nagyaya siyang magrides.
Nagpadala ako sa hila niya at napadpad kami sa ferris wheel.Hindi pa kami nakakarating sa pinakataas ay tumalikod na siya sakin para tingnan ang buong lugar.
Ngumuso ako.
Bakit ka nakatalikod sakin? Mas maganda ang view kapag sakin ka nakatingin.Ihaharap ko na sana siya nang may naalala ako. Kinuha ko ang necklace at sinuot yun sakanya.
Pangalawang bigay ko na ito sakanya. Ang una ay letter B. Ito naman ay isang simpleng maliit na hugis puso.
Hinawakan niya ang necklace at humarap sakin.
"Thank you B!"Simula nun ay hindi na siya tumigil sa pagtitig sa kwintas. Bakit hindi ka dun sa nagbigay tumitig?
"Ang ganda talaga." sabi niya.
Zarrine's POV
"Gusto mo ng singsing? Mas maganda yun..para matali na rin kita sakin." tumatango pa niyang sinabi.
Tsk. Ayan nanaman siya. Ang babata pa namin. 18 lang ako at 20 lang siya.
Tinarayan ko na lang siya at tumawa siya.
Maya maya ay tumalikod ulit ako sakanya.
Niyakap niya ako galing sa likod at binaon ang mukha niya sa leeg ko."I love you." bulong niya.
Ngumiti ako at hinarap siya.
"Love you too."Inakbayan niya ako.
"Hmm..Sino boyfriend mo?""Si Ryle." tumawa ako.
"Ano?" inis na tanong niya at inalis ang kamay niya sa balikat ko."Ano ka ba? Syempre ikaw! Bakit nagtatanong ka pa?"
"Wala lang..Masaya lang ako dahil mahal din ako ng mahal ko."
Napangiti ako.
"Pero may tanong ako..bakit gusto mo B ang itawag ko sayo?" tanong ko.
Nilapit niya ang mukha niya sakin.
"Para pwedeng Blake..pwede ring Babe.." kindat niya.
Umiling ako at tumawa.
"I love you." sabi niya ulit.
Mahal na mahal ko talaga siya.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Teen FictionZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...