Pagdating namin sa resort ay konti lang ang tao.Medyo malamig pa kasi at maulan kaya siguro wala masyadong tao.
Mabuti nalang at medyo maaraw na kaya nakapunta pa kami.Niyaya ako ni Blake na maglakad lakad sa shore.
Habang naglalakad ay may inabot siya saking itim na box.
"Open it."
Binuksan ko at nakitang may isang bracelet na may charm na letter B.
"Wear it."
Sinunod ko ang utos niya at nakita kong saktong sakto ito sa kamay ko.
Pinakita niya ang kanyang panlalaking bracelet na may nakalagay na F.
BF?
"Bestfriend." sabi niya nang nakita ang pagtataka sa mga mata ko.
Tumango ako at ngumiti.
Ang cute!Tinapat namin yung mga kamay namin sa shore at pinicturan.
3 pictures na!Pag angat ko ng tingin naabutan ko siyang nakatitig nanaman sakin.
Hindi pa ako nakakapagsalita nilapit niya na ang mukha niya sakin.
Agad akong lumayo pero hinila niya ang baywang ko palapit sa kaniya.
"Ang ganda mo pala." ngumisi siya at inalis ang kamay niya sa baywang ko.
Nag init ang pisngi ko kaya agad akong tumalikod sakanya at naglakad palayo.
Hindi pa ako nakakalayo nang narinig ko ang mahinang tawa niya.
Damn! Ano yun?
Nakakahiya!
Naglakad lakad lang kami habang pinapanood ang unti unting paglubog ng araw.
Napagpasyahan kong lumangoy kaya agad akong bumalik sa nirentahan naming villa para magbihis.
Nagbihis ako ng panglangoy at naabutan ko si Blake na nakaitim na sando at shorts na din.
"Akala ko mag siswimming na tayo?" tanong ko nang nakitang dala niya ang camera niya.
"One last." ngiti niya.
Nagsulat siya sa bubangin ng FRIENDS at nakitang may naglalakad sa shore.
"Zarrine!" Kumaway sakin si Janine, kaklase ko.
Nginitian ko siya.
Lumapit sila samin at nagyaya na sila na lang ang magpicture.
"Need help?" tanong niya.
"Please." ngumiti si Blake sakanila.
Mukhang kaibigan din ni Blake yung lalaki kasi nagtanguan din sila.
Humiga kaming dalawa sa buhangin habang inaayos ni Jace,yung kasama ni Janine na lalaki yung camera.
Lumuhod sa tabi ko si Janine para ayusin yung buhok ko.
Kumuha sila ng tatlong shots na iba iba ang pose namin.
"Thank you!" ngumiti ako sakanila.
"No problem! Friends lang ba talaga?" ngumisi siya kaya uminit yung pisngi ko at narinig ko ang tawa ni Blake sa likod.
Umalis silang dalawa ng nakangiti.
Nag angat ako ng tingin at nakitang nakatitig nanaman sakin si Blake.
Bakit ang hilig tumitig ng isang to?
"Swimming na ko." sabi ko at umalis na sa harap niya para lumangoy.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Teen FictionZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...