"Wag kang mag alala..
Di ko ipipilit sayo..
Kahit na lilipad..
Ang isip ko'y..
Torete sayo.."Tumigil siya sa paggitara at hinawakan ang pisngi ko.
Lumapit siya sakin at hinalikan ang noo ko.
Pumikit ako. Ganito pala talaga yung feeling. Sobrang saya.
"Thank you for everything." bulong niya.
Monday na at Wednesday ang birthday ko.
Kumakain ako ngayon kasama si Ryle dahil may klase pa si Blake.
Biglang may lumapit samin.
"Si Zarrine?" tanong niya.
"Bakit?" tanong ko.Inabot niya ang tatlong pirasong rosas.
"Ah sige..Thank you." sagot ko.
Tumango siya at umalis."Kanino galing yan?" tanong ni Allison.
"Kay Blake." sagot ko.
"Sweet naman..Kayo na ba?" kinikilig niyang sambit.
"Hindi pa." sagot ko.
Ngumiti nalang siya.
Pagkauwi ko may message na agad sakin si Blake.
Blake:
"Sorry hindi kita nakasabay ng breaktime at lunch..Babawi ako sayo..Sorry talaga. I miss you!"Napangiti ako. Di niya nakalimutan.
Pumasok ako ng maaga para makagala at makipagkwentuhan sa mga kaibigan ko pero laking gulat ko kasi nandun na si Blake.
Hindi niya kasi ako nasundo eh.
"Garden?" ngiti niya at nahawa naman ako nun.
"Anong meron? Bakit ang aga ng lahat?" tanong ko.
"Hmm. May event daw mamaya."
"Eh sino yung mga taga ibang school?" tanong ko ulit.
"Performers daw..I don't really know." sagot niya.
Humilig siya sa balikat ko at pumikit.
Nung nag bell na ay dumiretso na kaming lahat sa classroom.
Wala daw kaming klase ngayon dahil may event.
Pumunta na kami sa gymnasium para mapanood yung performance.
May isang grupo ng girls na sumasayaw.
Tumingin ako kay Blake at parang hindi siya mapakali at nakatingin lang siya sa baba.
"Huy. Ok ka lang?" tanong ko, nagtataka.
"Ha? Ah oo." sagot niya.
Bakit di ka nanonood? Ang galing nung naka black oh." sabay turo ko dun sa magandang babaeng nasa gitna.
"Ah..Kakain muna ako..May gusto ka sa cafeteria?"
"Wala. Ok lang ako.." sagot ko at binalik ang atensyon sa mga babaeng sumasayaw.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Teen FictionZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...