Pumayag nalang ako sa gusto niya para tumigil sa pangungulit.
Nagbihis agad ako at nagpaalam sa parents.
Tumigil muna kami sa starbucks para bumili.
"Dalawang chocolate chip cream,Venti." sabi niya sabay abot ng isang libo.Masyadong mayaman!
"Teka. Pano mo nalaman kung anong gusto ko?" Eh hindi niya rin naman kasi ako tinanong. Diresto lang siyang pumasok at umorder agad.He just smirked.
Tss.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa byahe. Nagising ako dahil hinawakan niya ang baba ko.
Minulat ko ang mga mata ko at natagpuan ko agad ang kanyang titig.
Agad siyang ngumiti."Andito na tayo."
Bumaba ako sa sasakyan niya at naamoy ko agad ang dagat dito sa Nasugbu, Batangas.
Mahaba ang byahe pero worth it naman.
Inakbayan ako ni Blake at naglakad na siya pero napatigil siya nang nanatili akong nakatayo doon.
Nilingon niya ako ng nakakunot ang noo. "What's wrong?"
Pinagtaasan ko siya ng kilay."Ito! Ano yan?" tanong ko sabay turo sa kamay niya sa balikat ko.
"Sino may sabi na pwede kang umakbay sakin? Boyfriend ko lang pwedeng gumawa niyan." mataray kong sabi.
"May boyfriend ka ba?" pang-aasar niya.
Kainis! Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin! Lagi niyang pinapamukha sakin na wala akong boyfriend eh wala rin naman siyang girlfriend.
Habang naglalakad ako papuntang shore ay sumabay siya sakin.
Tinarayan ko siya kahit hindi niya naman kita. Habang naglalakad naramdaman ko ang kamay niyang unti unting humawak sa baywang ko."Hep!" sigaw ko at pinalo ang kamay niya.
"Anuba! Di pa pwede!" sabi ko.
"P-pa? So posible?" biglang nag iba ang ekspresyon niya at nakita ko ang seryoso niyang mata.
Nag iwas ako ng tingin at naglakad nalang ulit.
Umupo ako sa buhangin at binasa ang mga paa ko.
Pinulot ko yung nakita kong stick at nagsulat ng kung ano.
Blake. Yan ang hindi ko napansing nasulat ko na pala.
Tahimik siyang umupo sa tabi ko.
"Ano yan?" tanong niya.
"Ha? Ah. Ano. Wala."
Dinugtungan ko nalang para wala na siyang masabi.
Blake- taong walang pakialam sa lahat ng bagay.
Nabura agad yun ng tubig galing sa dagat.
"Anong wala? May pakialam ako sayo no."
Hindi ako nagsalita.
Shit! Crush ko na ata siya!? Hindi ko alam! Ang alam ko lang masaya ako pag nandyan siya.
"Paano mo napapayag parents ko na dalhin ako sa ganito kalayong lugar?" tanong ko.
Hindi kasi ako pinapayagan umalis ng ganito kalayo eh. Nakakapagtaka lang na lalaki pa siya at siya ang kasama ko dito ng kaming dalawa lang.
"Kinausap ko lang.." sagot niya.
Sumimangot ako."Paano nga? Anong sinabi mo?" pangungulit ko.
"Sasabihin ko sayo sa ibang araw.." mahina niyang sinabi at tumayo.
"Tara? Kain tayo." sabi niya at naglahad ng kamay.
Tinanggap ko yon.
Naramdaman ko nanaman ang kuryente pero hindi na ako bumitaw ngayon.
Pinagsaklop niya ang mga daliri namin kaya napaangat ako ng tingin sakanya. Naabutan ko siyang nakatitig sa suot kong bracelet na bigay niya.
Ngumiti siya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
Pero ano kaya yung pinagusapan nila?
Bakit hindi niya pa sabihin ngayon? Bakit alam ng parents ko ako hindi?
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Fiksi RemajaZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...