Laking gulat ko nang may pinindot siya sa powerpoint at lumabas ang isang picture namin na nakatayo siya sa likod ko habang ako ay nakaupo.
Siya ang gumagawa ng requirements ko at nakatingin lang ako sakanya.
Nanlaki ang mata ko.
Paano to nakuhanan?
"First fact about her..magaling siya sa filipino." ngumiti siya sakin habang ako ay gulat parin.
Sino ang kumuha nito?
Lumabas ang next picture.
Ako naman ang gumagawa ng requirements niya at nakahalukipkip lang siya at nakatitig sakin.
"Aww! Ang cute!" bulungan ng nga kaklase kong naririnig din naman dito sa harap.
"Mahilig din siya sa streetfood." sabi niya at pinakita na ang sunod na picture.
Naggigitara siya habang ako ay nakasandal sa puno at nakatingin sakanya.
Pati ito may picture?
"Bagay sila guys look!" sabi ng isang kaklase ko.
"Ang babaeng ito..nakakatulog kahit saan." natatawang sabi niya.
Umirap ako. Anong nakakatawa? Ang sarap kaya matulog.
Next picture, naglalakad kami at hawak niya yung bag ko. Seryoso siyang nakatingin sakin at nakatingin naman ako sa baba.
"Magaling din siyang magswimming." sabi niya.
Nagbubulungan parin ang mga kaklase ko.
At ang panghuling picture, nakaakbay siya sakin at nakatingin sa gilid pero nakangiti at ako naman ay sinisilip yung mukha niya.
"At ang pinakanagustuhan ko sakanya..magaling siyang magpasaya ng tao..mga simpleng bagay lang na ginagawa niya, mapapangiti ka nalang bigla. Tinuruan niya ako kung paano maging masaya ulit."
"Ang sweet!!" tili ng mga kaklase ko.
"Very good! Kitang kita ang improvement sa relationship niyo!" nakangiting sabi ni miss.
Nakatulala na lang ako sa mga sumunod pang klase.
Lagi ko siyang sinusulyapan at pag ginagawa ko yun, nahuhuli ko siyang nakatingin sakin na agad niya namang iniiwas.
Shit. Crush ko na ba siya? O..Nagugustuhan ko na ba siya? Bakit ang bilis?
Hindi imposible yun. Lalo na sa mga nararamdaman ko, yung bilis ng tibok ng puso ko..yung kuryente pag magkahawak kami.
Hindi pwede to.
Kailangan kong magfocus sa pag-aaral ko.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Take Place
Teen FictionZarrah Christine Verceles is a simple girl who focuses on nothing but studying. Siya ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamaganda sa kanyang batch. Pero saan kaya mababaling ang atensyon niya pag dumating ang isang lalaki na gugulo sa utak niya...
