Chapter 23: Accident

7 1 0
                                    

Nagkaroon pa kami ng maraming activities. Nag enjoy naman ako at maraming natutunan.

Lumipas ang mga araw at di ko namalayang 12 na pala.
Naghanda na kami para makauwi na.

Sumakay na ang mga schoolmates ko sa bus.

"Zarrine! Let's go!" sabi ni Jace.
Tumango ako.

Hindi kami magkatabi ngayon ni Jace. Nasa likod siya at pinili kong sa harap nalang umupo.

Tulog lang ang lahat sa byahe dala na rin siguro ng puyat at pagod.

Sobrang tahimik kaya natulog nalang din ako.

Nagising ako dahil may narinig akong ingay.
Hindi pa ako nakakamulat ay nauntog na agad ako sa bintana.

Fuck ang sakit! Minulat ko ang mata ko at hinawakan ang ulo ko.
Sobrang sakit at nakita kong may dugo iyon.

Luminga ako sa paligid at nakitang gising na din sila.
May iilang sugatan ang braso pero karamihan ay nakatayo na at tinitingnan ang pangyayari.

Sinandal ko ang ulo ko sa upuan. Shit! Naiiyak na ako sa sakit!

Sinubukan kong tumayo pero naramdaman kong naipit yung paa ko.

"Zarrine!" sigaw ni Jace na hindi nasugatan.

Hindi pa siya nakakalapit ay wala na akong nakita kundi itim at nawalan na ako ng malay.

Blake's POV

Tumunog ang phone ko at nakitang si Jace ang tumatawag. Tss. Wala yang kwenta.

Binuksan ko na lang ang tv at bumungad sakin ang news na may naaksidente.

"Isang bus ang aksidenteng nabangga sa isa pang bus sa Laguna.." sabi ng reporter.

Laguna? Diba ngayon ang alis nila Zarrine?

Imposible. Dapat aalis pa lang sila ngayon.

"Apat ang sugatan..habang isang babae naman ay nawalan ng malay. Sinugod ang mga pasahero sa pinakamalapit na ospital.."

May itinanong na isang lalaking pasahero rin.

JACE?!

"Tulog po kaming lahat nun." sabi niya, problemado.

Fuck?

Pinakita ang isang babaeng nakahiga at walang malay na ipinasok sa ambulansya.

Tinawagan ko si Jace habang nagdadrive.
"Sorry dude.." sabi niya.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa ospital kung nasaan sila.

Pagdating ko ay kasabay ng paglabas ng babae sa ambulansya.

Fuck! Nakita kong may sugat siya sa ulo at sa paa.

Damn! Umupo ako sa upuan pagpasok nila kay Zarrine sa emergency room.

Tumabi sakin si Jace.
Bumuntong hininga siya.
"Sorry Blake..Hindi ko siya nabantayan."

Hindi ako sumagot.

"Tangina. Wala akong kwenta. Pati pagsundo hindi ko man lang ginawa." nanghihina kong sinabi.

Destiny Will Take PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon