PROLOGUE

29.3K 213 5
                                    

MABIBIGAT ang bawat hakbang na naglakad si Yuki palayo sa dalawang linta na inaway niya kani-kanina lang. Taas noo siya habang patagong pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.

Nasaktan lang naman siya sa nakita niya sa condo unit ng kanyang boyfriend. Ang magaling kasi niyang boyfriend na si Kevin, ayon! Kasama lang naman ang plastic niyang kaibigan na si Liza sa kama, parehas hubo't hubad at pawisan.

At hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang ginawa ng mga ito. Ang malanding Liza na 'yon ay nagawa pang tawanan siya kanina kaya naubos ang pagtitimpi niya.

Dumugo lang naman ang ulo nito matapos niyang batuhin ng lampshade. Sa kanya pa talaga nagalit ang boyfrie-- este 'ex'-boyfriend niya! Ang kakapal ng mga mukha!

Aba, siya lang ang may karapatang magalit 'no?! Arghh! Mga bwisit!

"Kung pwede lang pumatay, jusko. Papatayin ko talaga lahat ng makita kong langaw tapos papakain ko sa kanila!" Sigaw niya sa gitna ng daan. Napapahinto at napapatingin ang mga taong nakapaligid sa kanya pero wala siyang pakialam. Tuloy lang siya sa kadadada.

Napag-desisyunan niyang kumain muna sa isang fast food restaurant. Nakakagutom din pala umiyak 'no? Padabog siyang naglakad palapit sa counter saka nakahalukipkip na umorder ng pagkain. Lukot ang mukha niya habang hinihintay ang pagkain. Nang iabot sa kanya ng cashier ang tray kung saan nakalagay ang order niya ay agad niyang dinala iyon sa isang bakanteng table.

Pabagsak niya iyong inilapag sa mesa saka nagdadabog na umupo. Gumawa iyon ng malakas na ingay dahilan para mapatingin sa kanya ang mga tao.

Pero di alintana ni Yuki iyon, pakialam ba nila?

"Miss? May problema ka ba?" Napapitlag siya nang marinig ang mababang baritonong boses na iyon. Awtomatiko siyang napalingon sa lalaking ubod ng gwapo na nakaupo kasama ng isang 'di kagandahang babae, sa tabi ng kinauupuan niyang table.

Ehem... gwapo means gago on her vocubolary.

Gwapo nga shonga-shonga naman.

Nagkibit balikat lang siya saka inirapan ito. Hindi pa ba halata na may problema siya? Hello, maga na nga ang mga mata niya kakaiyak 'no! Oo, pogi itong lalaking nakaharap sa kanya at talaga namang nakakalaglag ng panty ang titig nito pero 'di pa rin nito maalis ang pagka-bwisit na nararamdaman niya.

"Excuse me, miss. Pero kung bubulong-bulong ka rin naman, siguraduhin mong di namin maririnig." Anito na nagpakaba sa kanyang dibdib. Nasabi niya ang laman ng utak niya. Shit! Nakakahiya naman.

"Sorry, pogi ha. Bad trip lang kasi talaga ako ngayon. 'Wag mo na lang akong pansinin." Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Kinuha na niya ang inorder niyang burger saka kumagat ng malaki doon.

Stress eating.. totoo pala 'yon? Pagkain talaga ang sagot sa lahat ng problema.

Natatawang napailing-iling na lang ang lalaki sa inasta niya. Hindi na niya ito pinansin at nagmadali na sa pagnguya ng kanyang pagkain. Nakakahiya naman kung magii-stay pa siya do'n nang matagal 'di ba?
 
  
 
PAGKARAAN ng ilang minuto ay natagpuan na lamang niya ang sarili sa karinderya ni Tita Lorna, Tiyahin ng kaibigan niyang si Alex.

"Bakit namamaga 'yang mata mo?!" Eskandalosang pasigaw na tanong ni Tita Lorna. Sobrang lakas ng boses nito pero nanatili namang walang pakialam ang mga tao na kumakain sa karinderya, sanay na siguro ang mga ito sa ingay ni Tita Lorna.

"Nako, Tita. Broken siguro 'yan." Singit ni Alex. Lihim siyang napairap. Hanggang dito ba naman may pupuna sa mood niya.

"Eh isa ka pa! May pa-broken broken pa kayong nalalaman! Hindi pa nga ata kayo nireregla puro na kayo landi!" Sigaw ni Tita Lorna habang binabalutan ng ulam ang isang customer. Nagtawanan ang mga customer, hindi rin nakatakas sa paningin niya ang pag-nginig ng balikat ng lalaking inaabutan ni Tita Lorna ng ulam, palatandaan na tumatawa ito.

"Hoy, kuya! Nakakatawa 'yon? Bakit nakikitawa ka?" Walang hiya hiyang tanong ni Yuki.

Lumingon naman ang lalaki at halos malipat ang kilay niya sa kanyang ulo dahil sa sobrang pagtaas niyon. Ito rin kasi ang lalaking naencounter niya sa fast food kanina. Aba't nananadya ba 'to?

"Sorry, miss. Natawa lang ako." Kinuha nito ang ulam saka tuloy tuloy na lumabas ng karinderya habang nakangisi sa kanya.

Pero bago pa man ito tuluyang makalayo ay sumigaw na siya. "Hoy! Nireregla na ako 'no! Pwede na ako magboypren! Wag mo 'kong tawanan." Nagsi-tawanan ang mga tao na kumakain sa karinderya, may nabilaukan pa sa katatawa.

Inis na umupo siya sa tapat ng kinauupuan ni Alex. Yuki being her usual self, flipped her hair while she sits pretty as if nothing hillarious happened.

"Bakla, mag move on ka na dyan sa kenneth--."

"Kevin." Pagtatama niya dito.

"Whatever. Basta kalimutan mo na siya. Tulad nga ng lagi mong sinasabi sakin tuwing naaalala ko si Zac... Ang boyfriend saglit lang...

"... hanggang kanto lang, hanggang ma-expire ang load, hanggang sa matapos ang school year. In short, bubbles." Pagpapatuloy ni Yuki sa iba pang sasabihin ni Alex.

"Oh, bakit bubbles na? 'Di ba Ice cream 'yon?" Takang tanong nito.

Bumuntong hininga siya. "Pinalitan ko na. Mas mabilis mawala ang bula kesa ice cream." Inilabas niya ang kanyang maliit na note pad saka iniabot 'yon kay Alex.

"Oh, ano na naman 'to?" Saglit na binasa ng kaibigan niya ang nakasulat sa unang pahina ng kanyang notepad. Pagkaraan ng ilang sandali ay naging maasim na ang mukha nito. "Gaga! 'Wag mo 'kong idadamay sa mga katarantaduhang naiisip mo ha!" Hinagis nito pabalik sa kanya ang kuwaderno.

Napahagikgik naman siya sa naging reaksyon ni Alex. "Hindi naman kita idadamay. Pinapaalam ko lang sa'yo para kung sakaling bigla akong nawala, may ideya ka na kung sa'n ako nagpunta."

"Gaga!" Hinablot nitong muli ang notepad mula sa kanya saka binasa iyon ng malakas.

Yuki's Bucket List

》Makapunta ng Japan at masapak ang magaling kong Tatay.

》Matuto kung paano magluto.

》Sipain sa bayag si Kevin at sunugin ang kilay ni Liza.

》Makakain ng Magnum.

》Makipag-sex sa isang stranger.

》Magpaputok ng baril.

》Manood ng p*rn.

》Yumaman.

  
"Galing 'di ba?" Ngiting aso na tanong niya sa kaibigan.

Humugot ito ng malalim na hininga saka sumeryoso ang mukha. "Bakla, lilipad na ako papuntang Amerika. Pakiusap naman, 'wag kang gumawa ng kalokohan."

Nakangiting sumaludo siya na parang isang sundalo. "Ser, yez, ser!"

Hindi talaga siya gagawa ng kalokohan promise...

Hindi pa ngayon.

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon