CHAPTER 1 (R+18)

21.6K 178 5
                                    


Magii-start po yung plot eight years ago. Nung time na nasa Amerika pa si Alex para mag-aral.
Ayon.. basta 'di ko na ie-explain!

Love you all! Sana magustuhan niyo!

~♡~

MAG-ISANG nagmumukmok si Yuki sa kanyang maliit na kwarto. Mag-iisang linggo na rin kasi simula nang lumipad si Alex patungong Amerika para sa Internship nito.

Gano'n pala pag Culinary ang course? Two years lang dito sa pinas nag-aral tapos two years pa ulit sa ibang bansa, pwede din naman dito sa Pinas mag intern pero mas gusto raw ni Alex abroad. Tindi rin netong si Alex eh... akalain mo nakaipon ng malaking pera para lang makapag-aral abroad. Pangmalakasan si Bakla! Napapaisip na nga siya minsan kung kumakain pa ba ang lokaret dahil sobrang tipid nito kung gumastos.

Ako kaya? Kailan ulit makakapag aral?

"Makakapag aral din ako 'no!" Pangungumbinsi niya sa sarili. Gusto niya kasing makatapos ng pag-aaral, para naman maitaguyod niya ang buhay nilang magkapatid.

"Ate Yuki, kinakausap mo na naman ang sarili mo. Pacheck up na kaya kita?" Anang kapatid niyang si Corazon, Cora for short. Half spanish ang gagita samantalang half japanese naman siya. Eh sa mahilig ang nanay niya sa imported eh, kaya ayon pang International ang beauty nilang magkapatid.

"Hindi ka pa nasanay sakin. Anong magagawa ko kung sarili ko lang ang nakakaintindi sakin.. teka ano?" Napakunot noo ang kanyang kapatid, maging siya ay nalito na rin sa kanyang sinabi.

"Tignan mo, Ate. Malala ka na." Pailing iling pa ito habang nagwawalis gamit ang tambo at dustpan.

"Heh!" Tinarayan niya ito saka nahiga sa kanyang kama.

Dalawa na lang sila ni Cora ang magkasama sa buhay. Ang mga Tatay nila ay nasa kani-kanilang bansa, ang nanay naman nila ay nakabilanggo dahil sa kaso nitong pagbebenta ng droga. Nagtatrabaho siya ngayon sa isang Salon malapit sa eskwelahang gusto niya sanang pasukan. Pero dahil nga kulang siya sa kakayahang pinansyal, huminto muna siya sa pag aaral at pinapaunang makatapos muna ang nakababatang kapatid na nasa Grade 11 na ngayon.

Kahit naman kasi may pagka-lokaret 'tong kapatid niya ay 'di maipagkakailang may utak ito. Laging nasa top achievers at laging may medalyo at tropeyong inuuwi, 'di tulad niya na hanggang Complete attendance lang ang award.

Siguro papagtapusin niya muna si Cora sa gusto nitong kurso na secondary education, saka na siya mag aaral. After four or five years.. mabilis lang 'yon!

"Ate, 'di ba walang kang pasok bukas?" Tanong nito. Tumango naman siya bilang sagot dito. "Sa'n ka tatambay? Wala na si Ate Alex sa karinderya.. 'wag kang gagawa ng kalokohan ate ha. Buong araw din akong mawawala, walang magbabantay sa'yo."

"Oo na, oo na! Makabilin ka naman, parang ikaw pa ang mas matanda sakin!" Patili niyang reklamo dito.

Day off niya nga bukas. Siguradong mayayamot lang siyang mag-isa dahil nga wala si Alex, wala siyang maiistorbo. Si Tita Lorna naman busy sa karinderya, baka hampasin lang siya no'n ng sandok at kaldero. Baka mabaliw naman siya pag nag-stay siya sa bahay mag-isa, maghapon na naman niyang kakausapin ang sarili niya.

Hmmm.. sige. Hindi na lang siya gagawa ng kalokohan... katarantaduhan lang.

---

Kinabukasan, nagising si Yuki na wala na ang bruha niyang kapatid. At dahil nga 'bored' siya, ay naisipan niyang mag-laba at maglinis ng bahay. Pero no'ng matapos na lahat ng gawaing bahay, nabored ulit siya.

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon