CHAPTER 25

7.2K 162 12
                                    

Take time to read this announcement

Ayun, matagal po akong nawala at sobrang sorry po. Lalo na po sa mga nag aabang ng update ng story nila Raver at Yuki.
Nagkasakit po kasi ako, nilagnat po ng ilang araw(pero okay na po ako ngayon). Medyo nagastusan po kami sa gamot kaya ayun 😅 nahiya na ko manghingi ng pang load.
Kaya humanap ako ng paraan. I've had an agreement sa isang estudyante. Gagawan ko sya ng short novel pero sa kanya yung credits. Kapalit ng load.
Okay lang naman sakin kasi namimiss ko na rin magka-load 😂 nahihiya ako manghingi kila mama at papa.
Ayon. 1 week ko tinapos yon at kahapon ko lang na recieve yung payment na load.

Sinasabi ko po ito kasi baka po mawala muna ako ng ilang linggo o baka isang buwan.
Pero magsusulat pa rin ako during that time. Di ko lang maia upload 😅

See you Culitz! I'll miss you all!

Enjoy reading!

SINABI niya sa sarili na kaya niyang magpatuloy sa buhay kahit wala si Raver. Sapat na sa kanya si Eyber. Pero bakit parang may kulang pa rin. Parang di pa rin siya kuntento? Ano bang nangyayari sa kanya?

Tanggap na niya na isang babaeng  madaling ikama lang ang tingin ni Raver sa kanya. Tanggap na niya na hanggang doon lang ang meron sila ng binata. Tanggap na niya iyon kahit pa hindi naman talaga iyon ang isinisigaw ng kanyang puso.

Kasalukuyan siyang nakahiga sa malawak niyang kama. Nakauwi na siya sa bahay. Hinatid siya ni Raver kinaumagahan matapos nang may nangyari sa kanila. Nakatulala lang siya sa kisame. Nagmumuni muni. Mag isa na naman kasi siya dahil nasa bahay ng lolo't lola niya si Eyber.

Humugot ng hininga si Yuki saka ibinuga iyon ng marahas kapagkuwan ay napagdesisyunan na niyang bumangon.

Walang mangyayari kung iisipin niya ng iisipin si Raver. Marami pa siyang gustong magawa at makamit sa buhay. Hindi siya pwedeng huminto. Lalong lalo na dahil hindi lang para sa sarili niya ang mga pangarap na gusto niyang tuparin, kung hindi para na rin sa anak niya.

Marami pa rin siyang dapat asikasuhin. May mga prayoridad siyang dapat unahin. At wala sa listahan niya ang pangalan ng lalaki.

Tumayo na siya at nag umpisa nang maglinis. Day off naman niya. Kaya maglilinis na lang siya ng bahay. Inuna niya ang mga labahan. Pinaghiwalay niya ang puti sa de color saka isinalang iyon sa washing machine. Sinamantala niya ang oras para maglinis ng kwarto niya. Isa isa niyang tiniklop at isinalsan ang mga damit sa aparador. Tinanggal niya rin ang mga naipong alikabok sa bawat sulok ng kanyang kwarto. Saka niya binabalikan ang labahan para kusutin iyon.

Abala siya sa pag aayos sa vanity mirror niya nang aksidente niyang nailaglag ang bag pack niya. Dinampot niya iyon. Ito yung bag na dinala niya sa bahay ni Raver noon. Pero wala na dito ang mga damit niya, naiwan niya.

Dahil sa pag aakala na wala nang laman iyon ay napagdesisyunan niyang isabay na iyon sa labahan. Palabas na siya ng kwarto nang may makapa siyang medyo matigas sa loob ng bag.

Dinukot niya iyon sa loob.

Kusang kumurba ang mga labi niya nang makita kung ano iyon. Isang maliit na notebook. Nandito lang pala ito sa bag niya. Matagal na niyang hinahanap ito eh.

Listahan niya kasi ito ng kung ano ano. Dito niya rin nililista ang mga bayarin at utang niya.

"Hmmm.. matignan nga kung may pending utang pa ako." Pagkausap niya sa sarili bago binuklat ang kwaderno.

Mabilis niyang binuklat ang mga pahina. Napangiti siya nang makita ang dulo ng listahan niya.

'Eyber's 8th Birthday'

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon