CHAPTER 18 (R+18)

7.7K 162 6
                                    

"FIRST time ko 'to." nakangiting saad ni Yuki habang nakatuon ang mga mata sa mga pagkaing dumadaan sa harap niya. Nasa sushi bar siya ngayon kasama si Raver. Marami silang katabi sa malawak na hanay ng hugis parihabang lamesa. Sa gitna ng mesa naman nakatayo ang chef kasama ng malapad na kalan. Kagiliw giliw na nagluluto na para bang naglalaro lang.

Nagulat pa nga siya nong hinagis nito ang mushroom gamit ang hawak nitong spatula, akala niya tatama sa kanya pero eksperto talaga ang chef dahil saktong sa plato niya bumagsak iyon.

Iba ibang pagkain ang dumadaan sa harap niya. umiikot iyon ng paulit ulit sa mahabang mesa. Hindi niya alam ang pangalan ng mga pagkaing nakahain doon, basta ang alam niya 'sushi' ang lahat ng iyon.

Hindi rin siya sanay gumamit ng chopstick. Pero dahil sa sobrang gutom at pagkasabik, nakalimutan niya na chopstick ang gamit niya. Natural na natural ang paggamit niya non. Sarap na sarap din siya sa mga pagkain kahit ngayon niya lang iyon natikman.

Sadyang lumalabas ang dugong hapones niya.

"Dahan dahan lang. Balak mo bang ubusin lahat ng pagkain dito?" natatawang tanong nito bago tinignan ang chef. "Tignan mo, natataranta tuloy magluto si kuya." ngumuso pa ito sa diresyon kung saan nakatayo ang chef.

Nilingon niya ang chef. Nginitian niya ito nang makitang nakatingin din ito sa kanya. "Arigato gozaimasu!" magiliw na sabi niya dito saka tumungo para mag-bow.

"Arigato." sagot nito at nag-bow rin.

Sunod niyang nilingon si Raver na manghang nakatingin sa kanya.

"Arigato, Raver-kun."

"you know how to speak japanese?" manghang tanong nito.

Mapagmalaking tumango si Yuki. "Oo!"

puno ng pagkamangha ang mga mata nito "talaga?" Binitawan nito ang hawak na chopstick. "Sige nga, mag nihonggo ka pa."

"Arigato gozaimasu!" Pagkasabi niyon ay muli siyang sumubo ng isang sushi.

Ang binata naman nakatingin lang sa kanya. Hinihintay kung may iba pa siyang sasabihin.

"Uh.. bukod sa arigato?"

Umiling siya. "Wala na."

Natatawang napatakip ito ng mukha. "'yon lang?"

Tumango siya. "Pag aaralan ko pa yung iba."

Nag usap pa sila ni Raver ng ilang sandali. Hindi niya nga alam kung pag uusap pa ba ang tawag doon dahil siya lang naman ang nagsasalita dahil panay tawa si Raver sa bawat kwento niya.

Nang sumapit ang gabi, sa isang rest house sila tumuloy ni Raver. Rest house daw ito ng ina ng binata. Matagal nang hindi napupuntahan ang lugar ng kahit na sino bukod sa mga tagapangalaga dito.

Maganda ang bahay. Parang makalumang bahay ng mga hapon. May malawak na garden at malaking fish pond. Maraming kwarto. At higit sa lahat, may sariling hot spring!

Akala niya hindi na niya maeexperience ang hot spring. Ang haba kasi ng pila sa hot spring na nadaanan nila kanina. Halos maiyak pa siya sa dismaya nang mag-aya na si Raver na umuwi. Kaya pala nagyaya na itong umuwi. May sarili pala itong hot spring.

"Magbababad ako ah!" aniya kay Raver na abala sa pag aayos ng mga pinamili nila. Namili kasi siya ng mga ipangsasalubong sa pamilya niya lalong lalo na kay Eyber. At sobrang dami non. "wag mo nang ayusin yan. Ako nang bahala dyan."

tukoy niya sa mga pinamili. Napalingon naman ito sa kanya. Biglang nag iba ang awra ng mukha. Nandilim ang mga mata habang titig na titig sa kanya.

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon