CHAPTER 16 (R+18)

8.8K 167 12
                                    

Whooohoooh guys! Nangangalahati pa lang si Yuki! Kapit lang kayo matatapos ko rin to! Hakhak.
Thank you po sa mga silent readers na sumusubaybay! I love you guys!

~~

NAKAYAKAP ang braso ni Yuki sa malapad na katawan ni Raver. Magkalapat ang kanilang mga dibdib. Habang hubo't hubad na nakahiga sa malawak na kama. Katatapos lang nila makipaglaro sa apoy ng pagnanasa.

10:57 pm. Malalim na ang gabi pero maaga pa ito para sa kanila ni Raver. Kaya laking pagtataka niya kung bakit parang wala ata itong balak na puyatin siya. Para kasing kulang pa ang mga ginawa nila ngayong gabi. Wo! Kulang pa 'yon? Malandi ka, Yuki!

"Tulog na." Mahina at malambing na untag nito bago siya hinalikan sa noo.

Kumunot ang kanyang noo. Nagtatakang iniangat niya ang tingin sa lalaki. "Sigurado ka?"

Mahina itong tumawa. Ghad, ang gwapo nito tumawa, lalaking lalaki. Gustong kastiguhin ni Yuki ang sarili dahil sa kaharutan. "As much as I want to have you 'til you pass out, I'm sorry but I just can't. Hindi tayo pwedeng magpuyat dahil may pupuntahan tayo. And you need a lot of energy in order to enjoy that place, honey." Mahabang litanya nito. Tumango tango na lamang siya. Saan kaya sila pupunta? Hindi naman siguro siya ipapahamak ni Raver kaya sasama na lang siya.

Tatahimik na lang sana siya pero muling nagsalita ang binata. "Bukas mo na ulit gamitin ang katawan ko." Anito habang pinipisil-pisil ang kanyang braso. Kinagat pa nito ang pang ibabang labi saka kinindatan siya.

Hinampas niya ito sa dibdib. "Manyak!" Tumawa lang ng malakas ang lalaki. Nabaliw na ata sa sobrang kamanyakan.

"Yuki." Napatingin siya dito nang tawagin nito ang kanyang pangalan. Seryoso din itong nakatingin sa kanya. "Did you know that your name means 'snow'?" Tanong nito nang nakangiti.

Tumawa siya. "Oo, pero.." umiling iling siya. "Hindi pa ako nakakakita ng snow."

Tumango-tango ito. "Did you know that you're beautiful, just like the snow?"

Natawa siya sa ka-corny-han nito. "Alam kong maganda ako pero hindi ko alam na magkamukha pala kami ng snow." Tumawa pa siya nang sumimangot at ngumuso ang binata. "Okay, sorry na. Wag ka nang mag inarte." Humagikgik pa siya. "Pero ang corny mo, sagad."

"Ha? Gusto mo ng sagad?" Nakangising tanong nito. Awtomatikong natigil sa pagtawa si Yuki. Namula ang mga pisngi.

"Bastos!" Tumawa lang ang lalaki.

"Did you know that I'm filthy rich and so damn downright handsome?" Buong pagmamalaki nito. Napaatras ang kanyang leeg dito.

"Naka bukas ba 'yung bintana? Baka may bagyo, signal number one, ang hangin eh!" Aniya na ikinatawa ni Raver.

"Its true."

"Oo na." Tinarayan niya ito.

"Did you know that I live here.. alone." Nakangiti ito pero malungkot ang mga mata. Parang may kung ano itong pinagdadaanan.

Sandaling nag isip si Yuki para ibahin ang topic. Tumikhim siya saka bahagyang iniangat ang kalahati ng katawan.

"Raver."

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon