CHAPTER 10 (R+18)

9.9K 160 2
                                    

Warning SPG




BUONG araw na mainit ang ulo ni Yuki. Bukod kasi sa sinermunan niya ang mga empleyado na nag-scartion nang walang paalam ay panay buntot pa ni Raver sa kanya.

Todo iwas naman ang ginagawa niya. Nagkukunwari siyang hindi niya ito naaalala pero mukhang hindi umuubra ang pagpapanggap niya sa binata.

Panay titig ito sa kanya. Pag nagtatama ang paningin nila ay kinikindatan siya ng loko. Hindi niya alam kung maiinis siya o kikiligin sa mga ginagawa nito basta klaro sa isip niya na dapat niya itong iwasan.

Ayaw na niyang magkaroon pa sila ng ugnayan ni Raver. Oo, malaki ang utang na loob niya dito dahil nakatulong sa kanya ng husto ang perang binigay nito noon pero kahit na gaano man kalaki ang utang na loob niya, hindi niya magagawang isugal ang pwedeng kahinatnan ng bata.

Paano kung malaman nito na may anak ito sa kanya?
Paano kung di nito tanggapin si Eyber? Masasaktan ang anak niya. At kung tanggapin man nito si Eyber, natatakot siya na baka kunin ito ng ama nito.

Hindi niya kakayaning mawala ang anak.

"Mama?" Tawag sa kanya ng anak.

"Baby!" Agad niya itong sinalubong ng yakap nang tuluyan na itong makalabas sa gate ng bahay ng lolo at lola niya. Hinihiram kasi ito ng mga lolo't lola niya tuwing byernes ng hapon hanggang linggo ng gabi.

"Mama, shhhh! Baka marinig ka po ng kapitbahay natin." Saway nito sa kanya. Tinapat pa nito ang hintuturo sa bibig, sinesenyasan siyang tumahimik.

"Ano naman kung marimnig nila?"

"Eh baka ma-turn off po yung may crush sakin dyan sa tapat." Tinuro pa nito ang bahay sa tapat ng bahay ng lolo at lola niya.

"Pati ba naman dito may nagkaka-crush sayo?" Ginulo niya ang light brown nitong buhok dahilan para mapapikit ito at mapangiti. Lumabas tuloy ang pares ng malalalim nitong dimple sa pisngi.

Kamukhang kamukha ni Raver.

"Mama, madilim na po umuwi na tayo." Hindi pa man siya nakakasagot ay pumasok na ito sa loob ng kotse niya.

"Nagmamadali?" Tatawa tawang tanong niya sa hangin.

"Hay nako, gatas. 'Yang anak mo napaka pilyo." Napalingon siya sa lola niya na kalalabas lang ng kabahayan. "'Yong batang babae sa tapat binuhusan ba naman ni Eyber ng tubig na galing sa pinaglabhan ko. Ayon nagalit 'yong nanay buti nga't napakiusapan ko ng maayos. Muntikan na kong mapaaway."

Tinaasan niya ng kilay ang anak na nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Nakangiti ito pero halatang pilit.

"Kaya pala nagmamadali." Aniya bago inirapan ang anak. "La, aalis na po kami. Pagsasabihan ko na lang si Eyber."

Nginitian siya ng matanda. "Sige, mag iingat kayo ha."

Nakangiting tinanguan niya lang ito bago naglakad palapit sa sasakyan at sumakay.




"SORRY po, Mama." Nakayukong ani Eyber.

Agad namang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Yuki. Buong byahe kasi niyang 'di pinapansin ang anak hanggang sa makauwi at makakain sila ng hapunan.

Ito kasi ang lagi niyang parusa kay Eyber. Ang silent treatment.

Hindi niya ito papansinin hangga't di ito nagsosorry at umaamin sa kasalanan. Ayaw niya kasing pagalitan o paluin ang anak.

Matalinong bata si Eyber kaya alam niyang makakaintindi ito kahit 'di na niya ito sermunan at saktan.

Hindi niya kakayaning saktan ang anak. Mas masasaktan siya kung makikita niya itong umiiyak o nahihirapan.

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon