HINDI alam ni Raver kung ano ang masamang espirito ang sumapi sa kanya at nagawa niyang magbitaw ng mga ganon kasakit na salita kay Yuki.
Nasapo niya ang noo. Ang Gago niya. Tsk! Ilang araw na ba siyang nagkakaganito? Akala niya kakayanin niya na mawala ang babae. Akala niya mawawala din agad ang nararamdaman niya para sa dalaga.
Ganito rin ang problema ni Zac, kaibigan niya. Pinayuhan niya ito na layuan muna ang babae at wag munang magparamdam para ma-miss ito ng babaeng gusto nito. Yon din ang ginagawa niya, pero nauubos na ang pasensya niya. Hindi na niya kayang magtiis. Lalo pa nitong mga nakaraang araw, palihim niyang tinitignan ang dalaga mula sa malayo at naiinis siya dahil tila 'di man lang ito apektado sa pagkawala niya.
Parang normal lang dito ang lahat. Walang pagbabago. Samantalang siya, napapabayaan na ang sarili niya.
Ilang araw at gabi na siyang puro inom lang ang inaatupag. Halos maging yaya na nga niya ang kaibigang si Keen dahil bantay sarado siya nito.
Pero kahapon nakakuha siya ng pagkakataong makatakas dito.
Sa black paper restaurant agad siya nagtungo. Lasing pa siya no'n. Balak niya sanang kausapin si Yuki. Magmamakaawa sana siya dito na tanggapin ulit siya nito pero kumulo lang ang dugo niya nang makitang kausap nito ang waiter na nakita niya noon na manliligaw daw ng dalaga. Lalo pa siyang nainis nang nginitian ito ng matamis ni Yuki. Fvck! Sa kanya lang dapat ngumiti ng ganon si Yuki! She's mine!
Handa na sana niyang sugurin ang lalaki nang may humarang sa daraanan niya. Walang iba kundi ang waitress na kaibigan din ni Yuki, si Hillary.
Pumameywang ito sa harap niya. "Nasaktan mo na ang kaibigan ko kaya tama na. Alis! Tsupi!" Tinaboy siya nito na parang aso.
Umiling siya. "Kakausapin ko lang siya."
Masamang tinignan siya nito. "At bakit?"
Huminga siya ng malalim. "Cause I can't live without her. Please, hayaan mo na 'kong kausapin siya. Please, hayaan mo 'kong kausapin siya."
Hindi ito umimik. Pinakatitigan lang siya ng matiim.saka walang salitang umalis sa harap niya.
Nagmamadaling tinungo niya ang mesa na kinauupuan kanina ni Yuki pero wala na doon ang dalaga. Nagpalinga linga siya sa paligid. Napangiti siya nang mahagilap ng kanyang mata si Yuki na pumasok sa locker room ng mga empleyado.
Isinantabi niya ang naramdaman niyang pagka irita kanina. Nandito siya para makuha ulit ang dalaga. Don na lang siya magfofocus.
Naiwan nitong nakabukas ang pinto kaya madali siyang nakapasok nang walang ingay. Hindi man lang nito napansin ang pag pasok niya.
Samut-saring emosyon ang bumalot sa kanya nang makita ito. Mag isa lang ito, nakatalikod sa kanya. Amoy niya mula sa kinatatayuan ang matamis na halimuyak ng pabango nito.
Nabalot ng pananabik at pangungulila ang puso niya. Mag iisang buwan pa lang niya itong hindi nakikita nang malapitan pero parang mawawala na siya sa katinuan.
Only Yuki can give her that kind of excitement. That pounding of his heart. That happiness whenever he sees her or just hear her voice. Only this woman can make him feel those extreme emotions he can't name.
Akmang lalapitan na niya ito para sana sugurin ng yakap nang marinig itong magsalita. Hindi niya inaasahan na madudurog ang puso niya sa mga oras na iyon.
"Baby!" Magiliw na bati nito sa kausap sa kabilang linya. Isang salita na nagpanginig sa sistema niya. Baby? Endearment ba nila 'yon ng kausap nito? Boyfriend?
"Maaga akong mag a-out ha. I-ready mo na yung mga gamit mo. Excited na 'kong makita ka." Mapakla siyang napangiti napakaswerte naman ng kung sinong 'baby' nito. Maagang uuwi si Yuki para lang makita ito samantalang siya, hindi man lang naisipan gawan ng ganon ng babae. Naikuyom niya ang mga kamao.
BINABASA MO ANG
Lover Series#2: Queen [COMPLETED]
General FictionYuki X Raver Ito ay kwento ng isang hilaw na hapones na mahilig sa kamundohan. Yuki Saito, a sweet and caring happy-go-lucky, innocent-looking girl who hides some dirty little secrets behind her prettyy appearance. Ang mahirap na buhay ng isang tula...