SINAMAHAN siya ni Hillary sa children's library para balikan si Eyber. Kasalukuyan silang nasa harap ng counter kung saan pumirma siya sa log na nagpapatunay na sinundo na niya ang anak. Pinakita rin niya ang ID bilang kompirmasyon na siya ang magulang nito. Patakaran na iyon ng library kaya sanay na siyang gawin 'yon pero ang lokaret niyang kaibigan hindi. Atat na atat na itong umalis. Parang sinisilihan ang puwet at di mapakali. Tawa lang ng tawa ang mga staff sa inaasta ng kaibigan niya. Samantalang stress na stress naman ang anak niya sa pagpapaliwanag dito na patakaran iyon ng library.
"Ano, bakla? Matagal pa ba 'yan?" Nagtataray na tanong ni Hillary sa kanya. Nakapameywang pa. Inungusan niya ito. Hindi naman talaga ito naiinip, sadyang inaasar lang nito ang anak niya. Tulad niya, nagpapanggap din itong 'ignorante' para asarin si Eyber.
"Tita Hillary.." kalmadong tawag nito sa kaibigan niya saka naglalambing na niyakap ang babae sa bewang nito. "Mabilis na lang po 'yan. Hintayin lang po natin ng kaunti." Pigil niya ang tawanan ang anak. Mukhang frustrated na ito dahil kay Hillary.
Mapakla siyang napangiti sa sarili habang inaabot pabalik sa kanya ng staff ang ID niya. May bigla lang siyang na-realize.
Hinawakan niya ang kamay ng anak saka nakangiting tinanguan ito na sinuklian naman nito ng napakatamis na ngiti.
"Oh, tama na, lokaret. Wag mo nang pahirapan ang anak ko. Alis na tayo." Tumawa naman ang babae pati na rin ang mga staff na nanonood pala sa kanila.
Nagsimula na silang maglakad paalis sa lugar. Hindi maiwasan ni Yuki na pakatitigan ang kamay ni Eyber na nakahawak sa kamay niya.
This little man sure is a blessing. He's her happiness. She just got broken a while ago when she saw Raver with a woman other than her but in a split second, right at the momment she saw her son's face... pain automatically went at ease. Like a remote control, it shut down her insecurities.
Nasa bahay na sila. Kasama pa rin si Hillary. Ayaw daw siya nitong iwan na ganon ang kalagayan. Baka daw bigla siyang mag break down pag tulog na ang anak niya. Natutuwa siya sa pag aalala nito pero hindi naman ata kailangan na bantayan pa siya. Hindi naman siya suicidal o ano pa man. Oo, nasaktan siya. Nag assume kasi siya na 'baka' may gusto sa kanya ang binata.
Masama nga sigurong maging Fil-Am. Hapon siya eh. Half japanese. Kaya mali na magpaka Fil-Am siya. Feelingera at Assumera.
Kakatapos lang nilang kumain. Gusto nang palakpakan ni Yuki ang sarili dahil nakaya niyang kumain kahit wala siyang kagana-gana. Paano, para siyang sasaksakin ng mga tingin ni Hillary. Para bang nagsasabi ng 'kakain ka o papatayin kita?' ang mga tingin nito kaya pinilit niya ang sarili.
Nasa kwarto na nito si Eyber. Nagwa-wash up. Naghahanda na sa pagtulog. Habang sila ni Hillary, nasa sala nanonood ng Netflix. Biglaang movie marathon ata ang mangyayari ngayong gabi. Sa gulo ng isip niya ngayon, nunkang makakatulog siya ng payapa.
Narinig niyang bumuntong hininga si Hillary kaya napalingon siya dito. May hawak itong Isang mangkok na may lamang pinaghalong Cheetos at Piatos. Nangangalumata na, halatang inaantok. "Friend, inuman na lang kaya tayo?"
Natawa siya sa pag aaya nito bago umiling iling. "Hindi pwede. May pasok pa tayo bukas."
Kumunot ang noo nito. "Bakit ganyan ka?!" Nagngitngit ang mga ngipin nito saka pabirong sinipa ang hita niya na nakapatong sa center table sa tapat ng sofa na kinauupuan nila.
"Bakit ganito ako? Ano ba ko?" Takang tanong niya.
Nakita niyang parang naiiyak na kaibigan niya. "Bakit ka nagpapanggap na okay ka lang?" Tuluyan na itong naiyak na mabilis naman niyong pinunasan. "Gaga ka talaga! Wag ka nang magtapang tapangan dyan!"
![](https://img.wattpad.com/cover/178852097-288-k473375.jpg)
BINABASA MO ANG
Lover Series#2: Queen [COMPLETED]
General FictionYuki X Raver Ito ay kwento ng isang hilaw na hapones na mahilig sa kamundohan. Yuki Saito, a sweet and caring happy-go-lucky, innocent-looking girl who hides some dirty little secrets behind her prettyy appearance. Ang mahirap na buhay ng isang tula...