CHAPTER 3

13.8K 166 5
                                    

ILANG minuto nang umaandar ang sasakyan. Magkasama pa rin sila ng lalaking hindi naman niya talaga kilala. Tahimik lang itong nagmamaneho habang siya naman ay parang bata kung makahagulgol sa pag iyak.

Malabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang namamalisbis sa mga mata, pero kahit gano'n ay kita niya pa rin ang mga nagkikislapang ilaw ng syudad galing sa mga establisyimentong nadadaan nila.

"Miss, 'wag ka nang umiyak." Anang baritonong boses na nagmumula sa napakagwapong estranghero. Mababa ang boses nito pero malumanay.

Teka, nasa'n na ba kami? Sa'n ba siya dadalhin ng lalaki?

Tsaka lang siya nakaramdam ng kaba nang mahimasmasan. Ang tanga niya para sumama sa taong hindi naman niya kilala.

Oo nga't niligtas siya nito mula sa kahihiyan kanina pero baka may kung anong masama pala itong balak sa kanya. Sa panahon ngayon, napakahirap nang magtiwala.

Bakit nga ba siya sumama dito?

No'ng tinitigan siya nito sa mata kanina, parang nahipnotismo siya at naging palagay na lang basta ang loob sa lalaki. Hala, ang gaga niya naman!

"Miss.. kung heart broken ka man, 'wag mong sarilihin 'yan. Share it with me. Come on." Napalingon siya sa gawi nito. Pinunasan niya ang kanyang basang mukha gamit ang palad saka suminghot-singot na parang bata.

Isang nakakatunaw na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Sheeet kuya, 'wag pooo baka ma-fall ako! Anang malanding boses sa isip niya.

"Miss, mahal mo pa ba 'yon?" Hala feeling close? Wala man lang preno sa pagtatanong ang lalaki. Napaismid siya sa tanong nito. Mahal? Tss. Kalokohan 'yon. Nakipagrelasyon lang naman siya kay Kevin dahil sa kagustuhan niyang magka-nobyo. First boyfriend niya ang gagong 'yon. Buti nga't 'di niya naisipang ibigay dito ang lahat-lahat.

Medyo tanga siya do'n sa part na sinagot niya si Kevin, sa dinami-dami ng nanliligaw sa kanya, do'n pa talaga siya bumigay sa Gago .

Umiling-iling si Yuki bilang sagot sa deretsahang tanong nito. Napakunot noo naman ito sa naging sagot niya.

"Then, why are you crying?" Sa tanong nito ay lalo siyang napahagulgol. Nataranta naman ang lalaki nang marinig ang malakas na pag ngawa niya at kaagad na itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Hey--"

"Hindi ko sila iniiyakan!" Suminghot-singot pa siya bago nagpatuloy. "Wala akong pakialam kung pinagpalit man ako ng ex ko sa kaibigan kong plastik!" Inilibot ni Yuki ang mata sa loob ng kotse, at noo'y nakakita ng tissue box na nakapatong sa dashboard ng sasakyan.

Kumuha siya ng ilang piraso ng tissue saka isininga ang sipon na namumuo sa kanyang ilong.

Wala talaga siyang nararamdaman na hiya sa katawan.

"Okay, Miss. Geezz.. easy ka lang. Baka isipin ng mga tao pinapaiyak kita." Nasa gwapong mukha nito ang pagmamakaawa pero hindi iyon gumana kay Yuki.

"Wala akong pakialam sa iisipin nila!" Pasigaw niyang sabi. "Eh sa naiiyak ako eh.." humikbi-hikbi pa siya.

Napangiwi naman ang lalaki dahil sa inasta niya. "Bakit ka ba kasi iyak ng iyak?"

"K-kasi.. baka tanggalin ako sa trabaho ni Mother Lou! Paano na kami neto? Paano ko pa mapagtatapos yung kapatid ko? 'Yong Salon na 'yon lang yung tumanggap sakin at 'di ko alam kung makakahanap pa ako ng trabaho pagkatapos nito. Yung linya ng kuryente namin malapit nang maputol kasi dalawang buwan na kaming hindi nakakabayad. Tapos baka palayasin na kami ng land lady namin kasi halos tatlong buwan na rin kaming hindi nakakabayad sa renta. Baka kung saan na kami pulutin ne'to. Tapos sumama pa ako sa'yo, eh 'di naman kita kilala. Paano kung masamang tao ka pala? Edi patay na, finish na. Lecheng buhay 'to oh!" Tuloy-tuloy na reklamo niya.

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon