NAGISING si Yuki sa isang hindi pamilyar na lugar. Kulay kremang kisame ang bumungad sa kanya. Amoy gamot ang paligid. Sapat na iyon para malaman niya na nasa ospital siya.
Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang nangyari. Nawalan siya ng malay matapos ng naging engkwentro nila ng nobya ni Raver. Wala naman nangyaring pagtatalo pero talagang bumuhos ang emosyon niya kanina. Kaya siguro siya nahimatay. Ganito siya kahit noon pa nang pinagbubuntis niya pa si Eyber.
Agad na hinagilap ng kanyang kamay ang kanyang tyan. Kinain siya ng kaba nang maalala ang anghel na nasa sinapupunan niya.
"The baby's okay." Napalingon siya sa pinagmulan ng baritonong boses na iyon. Doon nakita niya si Raver na taimtim siyang pinagmamasdan. Hindi niya ito napansin kanina.
Nakahinga siya ng maluwag sa ibinalita nito. Mabuti at walang nangyaring masama sa baby niya. Kung hindi, baka nasiraan na siya ng bait. Mawawala na nga sa kanya ang panganay niya, pati ba naman ang munting nilalang sa sinapupunan niya? Hindi niya na hahayaang mangyari 'yon.
"So, you knew." Pagak na tawa ang pinakawalan ng lalaki. Saglit siyang natigilan sa uri ng pananalita nito. Parang nag aakusa sa kanya.
Ibinuka niya ang bibig para sana depensahan ang sarili nang bigla itong magsalita. "Its okay." Anito bago lumapit sa stretcher na kinalalagyan niya saka maingat na yumakap sa bewang niya.
"R-Raver." Para siyang nanghihina sa kinikilos ng lalaki. Ginugulo nito ang isip niya. Pati na rin ang puso niya.
"It doesn't matter to me. All that matters is you're here with me... and I swear I'll never let you get away from me again." Tumibok ng mabilis ang puso niya sa narinig. May umusbong na pag asa sa puso niya dahil sa mga salitang iyon. Gusto niyang umasa na parehas sila ng nararamdam ni Raver.
"Raver.. naguguluhan ako." Niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya para pagharapin ang kanilang mga mukha. Tumuon ang mga mata niya sa mga mata ni Raver na malamlam na nakatitig sa kanya.
Para siyang matutunaw dahil sa mga titig na iyon. Maingat na sinapo ng dalawang palad nito ang magkabila niyang pisngi. Nakatuon ang mga mata nila sa isa't isa.
"Saan ka ba naguguluhan?" Paos ang boses na bulong nito. Gusto niyang matunaw dahil sa init ng malambing nitong boses.
"M-may girlfriend ka na, 'di ba?" Nagsisimula na naman uminit ang mga sulok ng mata niya nang maalala kung gaano kaganda at kabait ang nobya ni Raver. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit.. ng selos.
Pakiramdam niya ay siya na ang pinaka kawawang tao sa mundo pero may mas malala pa pala sa nararamdaman niya nang mapansin ang ngisi sa labi ng binata. Nangingislap ang mga mata nito na animo'y tuwang tuwa pa sa panlulumo niya.
Inis na hinampas niya ito sa dibdib. "Ouch!" Madramang sinapo nito ang bahagi ng dibdib nito na hinampas niya. "You're being violent, honey."
Inirapan niya ito. "Honey mo mukha mo! Doon ka sa Love mo!"
Imbis na suyuin siya ay tumawa pa ang lalaki pagkuwan ay parang tangang titig na titig lang sa kanya.
"Yay! You're awake!" Nagulat siya nang biglang sumulpot ang nobya ni Raver sa kung saan. Lumapit ito sa kanya saka mahigpit siyang niyakap.
"Gosh! Sobrang kinabahan ako kanina. Buti at ayos ka lang!" Nawi-weirduhan na siya sa ikinikilos ng babae. Bakit ang bait-bait nito sa kanya?
Bumitaw na ito sa pagyakap sa kanya. "Sorry kung hindi masyadong komportable itong higaan mo. Nasa emergency room lang kasi tayo. Sabi naman ng doctor walang dapat ipag-alala. Makakauwi na rin tayo agad, hihintayin lang natin yung irereseta niya sayo tapos aalis na tayo." Tuloy tuloy na salita ng babae. Sa pagngiti nito ay hindi niya maiwasang pagmasdan ang maliit na dimple nito sa kaliwang pisngi.
BINABASA MO ANG
Lover Series#2: Queen [COMPLETED]
General FictionYuki X Raver Ito ay kwento ng isang hilaw na hapones na mahilig sa kamundohan. Yuki Saito, a sweet and caring happy-go-lucky, innocent-looking girl who hides some dirty little secrets behind her prettyy appearance. Ang mahirap na buhay ng isang tula...