CHAPTER 6

10.9K 164 4
                                    

Hello po!
Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng reads, votes at comments na natatanggap ko ngayon sa 2 story ko! Sobrang salamat po!

Happy 30k reads sa Ex!

Grabe di ko po inexpect hahaha.

Idededicate ko po ang chapter na ito sa lahat ng mga sumusuporta sa akin.
Lalo na po kay ate Marriame19

~~

NAKATAYO silang magkapatid sa harap ng gate ng isang Lumang bahay habang papalit-palit ang kanyang tingin sa notebook kung saan nakasulat ang address na binigay ng ina at sa kabahayan na nasa harapan nila ngayon.

Kung titignan ang istilo ng bahay ay maihahalintulad iyon sa mga bahay noong panahon pa ng mga kastila. Ancestral house?

"Tama ba 'tong napuntahan natin?" Tanong niya. Bumaling naman si Cora sa kanya. Medyo nag aalangan kasi siya. Bata pa kasi sila ni Cora no'ng huling nakita niya ang mga ito. Kinakabahan din siya dahil baka hindi na sila kilala ng mga ito. Mas malala pa kung ipagtatabuyan sila nito o kaya pagkakamalan silang budol-budol at ipa-pulis.

"Oo, Ate." Tinuro nito ang malaking numero na nakasulat sa gate. Malaki talaga iyon, halos sakop ang buong gate ng mga nakasulat na number '6' sa kaliwang pinto ng gate at number '9' naman sa kabila. "Obvious naman Ate na number sixty nine itong bahay."

"Sige, katukin na natin." Lumapit siya sa gate at sinilip ang nasa loob. Tahimik.

Siya na ang mismong kumatok sa Gate habang sumisigaw naman ng 'Tao po' si Cora.

Ilang segundo lang at pinagbuksan sila ng isang matandang babae. Marahil ito na ang kanyang Lola.

"Hello p---"

"Gatas?! Tsokoleyt?! Kayo na ba 'yan?" Napasinghap silang magkapatid nang bigla silang sugurin ng matanda. Pinansalag niya pa ang mga braso dahil akala niya ay hahambalusin sila nito ng hawak nitong walis tingting. 'Yon pala ay yayakapin sila nito ng pagka-higpit-higpit.

"L-lola, ang hig-higpit p-po." Ani Cora. Halatang nasasakal sa yakap ng matanda. Dagdag pasanin pa ang malalaking bag na nakasukbit sa kapatid.

"N-nagwo-work out k-ka ba, L-lola?" Tanong niya habang pilit na kumakawala sa yakap nito.

Habol hininga silang magkapatid nang sa wakas ay bumitaw na ang kanilang Lola.

"Buti maaga kayo dumating! Aalis sana ako para mamalengke eh." Anito bago niluwagan ang pagkakabukas ng gate para makapasok sila.

"Alam niyo po na dadating kami?" Tanong ni Cora nang makapasok sila sa lumang bahay. May nakahandang apat na plato sa hapagkainan at maraming pagkain ang nakalatag.

"Syempre naman, Tsokoleyt. Nag video call kami ni Margarita kagabi." Si Margarita ang ina nila. Aba, ang sosyal ng Lola niya. Nakiki-sabay sa kanilang mga millenial!

"Doon ang kwarto mo sa pangalawang pinto sa itaas, Tsokoleyt. Sa unang kwarto ka naman, Gatas. Niliinis ko na ang mga iyon." Tinuro pa ng matanda ang hagdan. Tumango naman silang magkapatid.

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon