CHAPTER 19

7.2K 155 13
                                    

Hi guys! Sa mga hindi pa nakakabasa ng IPS 1: Ex (story ni Alex at Zac) unahin nyo pong basahin yon dahil baka ma spoil po kayo sa mga next chap na ia-update ko.

Please vote po sa mga chapters, makakatulong ng malaki po 'yon sa story ko.

~~

 
PUNO ng hindi mapangalanang pakiramdam ang dibdib ni Yuki. Nakaupo siya sa hapagkainan kasama si Raver at ang mga 'Saito'.

Katabi niya sa kaliwa si Raver, katabi naman nito ang dalagang anak ng mag asawa na si Yuna na kasing edad lang ni Cora, nasa kabilang dulo naman ng mesa nakaupo ang bunsong anak ng mga ito na si Yuushin na labing pitong taong gulang na. Habang sa kanan niya naman nakaupo ang mag asawa. Ang tunay niyang ama na si Taishi Saito at ang asawa nitong si Mei.

Kapatid niya sa ama sina Yuna at Yuushin. Mababait ang mga ito, lalong lalo na si Yuna na panay puri sa itsura niya.

Nakangiti silang lahat sa kanya habang siya ay di pa rin makapaniwala sa nangyayari. Sa nakikita niya, mukhang maayos naman ang buhay ng ama niya. Masaya ito kapiling ng bagong pamilya. Pero wala naman iyong isyu sa kanya. Para pa nga siyang nabunutan ng tinik nang makita ang mga ito.

Ang luwag sa dibdib. Sa wakas, natuldukan na ang tanong na matagal nang kumekwestyon sa pagkatao niya. Kaharap na niya ang unang lalaking naging parte ng buhay niya.

Maputi at singkit, partikular na katangian ng mga hapon. May kaunting punting buhok na ito sa ulo. Malinis ang mukha, walang balbas o bigote. May kaunting kulubot sa mukha pero hindi naman nagmumukhang matanda. May katabaan din ito. Malaki ang katawan. May katangkaran rin.

"How are you? Are you married? Do you have kids? Ohh, I would love to have grandchildren! How's your mother, Margie?" Tuloy tuloy na pagtatanong ng kanyang ama. Sabik na sabik ito. Kanina pa nga siya tinatadtad nito ng mga tanong na walang sawa naman niyang sinasagot.

"I'm very well, sir. And no, I'm not married yet. My mother, Margie. She's.. she's fine." Iniwasan niya ang tanong nito kung may anak na siya dahil katabi niya si Raver. Hindi rin niya binanggit na nakakulong pa ang ina niya.

"Well.. do you have kids?" Tanong ng ama.

Natahimik siya. Ayaw niyang magsinungaling pero hindi rin naman niya gustong ipaalam kay Raver ang totoo.

Magpapalusot sana siya nang pabirong siniko ni Mei ang ama niya. "She's not married. How suppose can she have a child?"

Realization dawn on his father's face. "Oh, right. Sorry." Makulit na paghingi nito ng tawad. Parang bata kung kumilos at magsalita ang ama niya.

"It's okay, sir." Nakangiting sagot niya dito.

Nagulat siya nang hawakan ng  kanyang ama ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "Please, call me oto-sama or daddy or perhaps papa." Nagkibit balikat ito. "Which ever you like. Just don't call me sir." Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Puno ng pangungulila ang mga mata.

"O-oto-sama." Ngumiti siya. "I've missed you all my life, oto-sama."

Pasimpleng nagpunas ng luha ang kanyang ama. "I missed you too." Umiiyak na humagikgik ito. "So much! Because you're my first child." Walang salita na muli niyang niyakap ang ama.

Kahit ngayon niya pa lang ito nakita naging palagay na ang loob niya dito. Ganito pala ang pakiramdam ng may ama. Ganito pala kainit ang yakap. Parang tumatagos sa puso.

Mahinang tumawa si Mei. "Your father wanted to name our daughter 'Yuki' cause he said he misses you so much. But I decline, we can't have two Yuki Saito in our family." Matamis na ngumiti ito. "So we decided to name them after you. Yuna and Yuushin."

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon