CHAPTER 8

9.3K 178 4
                                    

Medyo sinipag po ako.

Kung nabasa nyo na po yung Ex (Story ni Zac at Alex) Medyo may pagkakahawig yung chapter na 'to doon. Please basahin nyo pa rin kahit may pagkakapareho sila.

Sa mga hindi pa nababasa yung Ex,
Kindly check my works po.

Follow nyo na rin po ako hehe.

And please don't forget to drop a VOTE!

~¤~

KANINA pa hindi mapakali si Yuki. Hindi niya matyempohan si Alex. May malaking problema kasi ngayon sa Main branch. Saktong nandito naman si Alex para tumambay, gusto niya sanang humingi dito ng tulong kaso ang bakla tulala na nga iyak tawa pa.

No choice. Kailangan na talaga niya ng tulong.

"Aray!" Reklamo nito. Binatukan niya kasi ang Gaga. Effective naman dahil sa wakas ay napansin na siya nito.

“Hoy bakla! Anong nangyayari sayo?“ tanong niya dito. Pumameywang siya sa harap nito.

“Bakit ba?” tinitigan niya ang kaibigan na parang nanunuya. Baliw na ba 'tong kaibigan niya. Ganito ba ang epekto ng pagiging tigang since birth?

Bumuntong-hininga si Yuki bago umupo sa katapat nitong upuan. “Alex, try mo kaya magpa-check up sa psychiatrist? Payong kaibigan lang, baks.”

Napakunot-noo naman ito sa sinabi niya.“Why would I do that? Ikaw na lang, bakla.”

Bumuntong-hininga ulit siya bago nagsalita.“I’ve been staring at you for...” tumingin siya sa relong pambisig na suot bago muling magsalita. “...exact twenty-five minutes.“

“Yeah, so?” mataray nitong tanong.

“Sa loob ng twenty-fives minutes na ‘yon para kang baliw na ngumingiti bigla tapos sisimangot tapos ngingiti ulit. Maya-maya bigla kang tatawa tapos ngayon-ngayon lang parang naiiyak ka na! Unti na lang ay tutulo na yung luha mo. Do you have a problem? I could help you find a psychiatrist.” seryoso niyang sabi. Nagkunwari siyang awang-awa sa kalagayan nito. Well, kawawa naman talaga ito kung tutuusin. Tigang since birth na nga tapos mababaliw pa. Tsk tsk.

“Gaga! Natutuwa lang ako.” Anito bago uminom ng kape sa tasang hawak nito.

“Ganyan ka pala pagnatutuwa. Parang baliw lang.” sabi niya na sinundan pa niya ng malulutong na tawa.

“Naalala ko lang kasi yung mga pinagdaanan ko bago ako napunta dito.”

“You mean, sa Cubao? Oo nakakatuwa nga kasi walang traffic." Pamimilosopo niya dito.

Inis na napabuntong-hininga ito bago tumayo. “Dyan ka na nga! Ang labo mong kausap.”

“Wait bakla! I need your help.” Ito na ang chance niya para humimgi ng tulong sa kaibigan.

“What kind of help?” tanong nito habang pinagmamasdan ang siya. Nagbaba siya ng tingin habang pinaikot-ikot niya sa daliri ang ilang hibla ng kanyang buhok.

“Umm.. Kinulang ako sa waiter eh.” tumingin siya ng diretso sa kaibigan. Sana tulungan siya nito. “Tutal nandito na ka rin lang naman at nakatunganga ka lang, tulungan mo na ako para may magawa ka naman.” nakangiting sabi niya dito.

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon