CHAPTER 24 (R+18)

8.5K 189 24
                                    


WARNING: Mature Content ahead. Read at your own risk.

TUMITIBOK ng mabilis ang puso ni Yuki. Hindi lang dahil sa literal na tumakbo siya palabas ng bahay ni Alex kung hindi dahil nakita niya si Raver.

Matagal na niyang hindi nakikita si Raver. Wala na nga siyang balita dito. Akala niya lugamagay na sa tahimik ang lalaki, akala niya abala ito sa sariling buhay nito kaya hindi niya inaasahan makikita niya ito sa bahay ni Alex.

Napasandal siya sa kanyang kotse. Kusang pumunta ang kamay niya sa dibdib sa tapat ng kanyang puso. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Ang hirap huminga. Para siyang sasabog sa samu't saring emosyon na nararamdaman niya.

"Saan ka pupunta?" Nagulat siya nang biglang sumulpot si Raver sa tabi niya. Nakangisi ito sa kanya. Parang mabangis na hayop na gusto siyang laplapin-- este lapain kung makatingin.

"W-wala kang pakialam!" Gusto niyang sampalin ang sarili nang mautal siya. Bakit ba siya kinakabahan? Binuksan niya ang pinto ng kotse, handa na siyang pumasok sa loob niyon pero bago pa man niya maihakbang ang paa ay may braso nang pumulupot sa bewang niya.

Parang napaso ang kanyang balat sa pagkakadikit nila ng binata. Bumilis ang tibok ng puso niya.

"Hindi pa tayo tapos mag usap." Magaspang ang boses na anito. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa bewang niya.

Napasinghap si Yuki nang maglumikot ang mga kamay nito. Gumapang paitaas ang isang kamay nito, pinisil pisil ang dibdib niya samantalang bumaba naman ang isa sa tapat ng kanyang kaselanan at marahang pinaglaruan iyon.

"Hmph... R-Raver!" Ramdam niya ang pag iinit ng kanyang mga pisngi kasabay ng pagliyab ng kanyang katawan. Nanginginig ang kabuoan niya, puno ng hesitasyon ang isip.

Iginiya ni Raver ang kanyang katawan, pinayuko siya nito. Kalahati ng katawan niya ang nakalapat sa driver seat habang nakauklo ang kanyang pang upo.

Napakagat siya sa pang ibabang labi nang ikiskis nito ang pumipintig nitong umbok sa gitna ng kanyang puwetan. Tila nag uulap na ang kanyang isipan. Unti na lang at bibigay na siya sa temptasyong ginagawa ng lalaki. Napaawang ang kanyang bibig nang bigla nitong bayohin ang pang upo niya. Kahit natatakpan ng saplot ay ramdam na ramdam pa rin niya ang masarap na sensasyong hatid ng pagsasalpukan ng kanilang mga kaselanan.

Ilang beses pa nitong kiniskis at binayo ang sarili sa kanya bago siya maingat na iginiya papasok sa kotse. Akala niya hahayaan na siya nitong umalis pero nagkakamali siya.

Pumasok ito sa kotse, sa driver's seat umupo kaya napausog siya sa passenger's seat kahit ayaw niya.

"Ano bang problema mo?" Singhal niya sa lalaki. Hindi siya nito pinansin bagkos ay pinihit ang susi ng sasakyan at binuhay ang makina.

"Saan mo balak dalhin ang kotse ko?" Hindi pa rin siya nito pinansin. Wala siya ibang nagawa kung hindi ang manahimik na lang.

May tiwala naman siya kay Raver. Hindi siya nito ipapahamak. Napahalukipkip na lang siya. Hindi niya maiwasang mairita sa kinauupuan niya. Literal na naglalawa sa panty niya dahil sa ginawa ni Raver. Nag iinit pa rin ang pakiramdam niya. Nakadagdag pa ang mabangong amoy ng pabango ni Raver na kumakalat sa buong sasakyan.

"Sorry.." biglang bulong ni Raver dahilan para mapatingin siya dito. Sumulyap ito sa kanya saka ibinalik sa daan ang mga mata. ".. sa mga sinabi ko. Sorry."

Natigilan siya. Hindi naman talaga siya nasaktan sa mga sinabi nito. Kilala naman kasi niya ang sarili niya. Hindi siya isang mababang uri ng babae katulad ng mga sinabi ni Raver sa kanya noong sumugod ito sa trabaho niya nang lasing.

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon