CHAPTER 13

9.4K 179 0
                                    

ILANG oras na lang ay sisikat na ang araw pero hindi pa rin magawang matulog ni Raver.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay 'di pa rin siya makapaniwala na katabi na niya ngayon ang babaeng laman lang ng isip niya noon.

Napangisi siya nang makitang malalim na ang tulog ni Yuki. Hubad pa rin ito tulad niya at tanging kumot lang ang nagtatakip sa mga katawan nila.

They just had a very mind blowing sex and he must admit, he acted like a caveman fucking a sexy goddess awhile ago.

He just couldn't control himself.

Hindi na mabilang ang mga gabi na pinagpantasyahan niya ang dalaga. Tuwing naaalala niya ang mainit na sandaling namagitan sa kanila nawawala agad ang antol niya. Minsan lang may nangyari sa kanila pero tumatak na ang babae sa kanyang isip.

Hinahanap-hanap na ng katawan niya ang sensasyong hatid nito sa kanya.

Kaya nga hindi na niya napigilan ang sarili nang umakyat na ang libido niya sa utak at kumalat na ang libog niya sa katawan. Maka ilang beses niya inangkin ang dalaga. Gigil na gigil at sabik na sabik siyang maramdaman ang katawan nito. Parang iyon ang pangalawang beses na nakaranas siya ng gano'ng kasarap na sensasyon. At tanging si Yuki lang ang nagparamdam sa kanya ng ganon.

Marami na siyang naikama na babae. Hindi siya nabakante. Pero ngayon lang ulit siya nakaramdam ng pananabik na makipagtalik.

Maingat siyang tumayo at nakahubo't hubad na nagtungo sa ref na nasa loob din ng VIP room ng bar niya. Wala pa rin siyang saplot, wala rin siyang pakialam dahil silang dalawa lang naman ni Yuki ang nasa kwarto. Saglit niyang nilingon ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas kwatro na pala ng umaga.

Daig ko pa ang adik. Wala akong tulog pero buhay na buhay pa rin ang diwa ko tsk.

Hindi niya mapigilang matawa sa naisip.

That woman.. she's like a drug and he's afraid to get addicted.

Binuksan niya ang ref saka kumuha ng isang canned beer doon bago bumalik sa kama at naupo sa gilid niyon. Agad niyang tinungga ang laman ng lata na para bang soft drinks lang iniinom niya.

Kumuha siya ng isang piraso ng sigarilyo at lighter mula sa bedside table saka sinindihan iyon. Hinihithit niya ang sigarilyo habang taimtim na pinagmamasdan ang natutulog na babae sa tabi niya.

Its been a long time ever since he last saw her up close like this. At masasabi niyang mas gumanda pa ito ngayon. Mas humubog ang katawan nito at mas pumuti pa ang natural na nitong maputing kutis. Is that even possible?

Naiinis pa rin siya sa dalaga dahil iniwan siya nito matapos ng nangyari sa kanila. Kaya agad na pinuntahan niya ito sa Salon. Makailang ulit pa siyang nagpabalik balik doon pero hindi na muli pang pumasok ang dalaga sa pinagtatrabahunan nito. Tikhom naman ang bibig ng mga katrabaho nito tuwing tinatanong niya kung saan ito nakatira o kung babalik pa ba ito sa Salon. Mukhang sadyang tinataguan siya nito kaya 'di na siya umasa na makikita pa ang dalaga.

But now, she's here.

Mapaglaro nga ang tadhana, napadaan lang siya sa isang restaurant, naisipan niyang subukan ang mga pagkaing sine-serve doon. Pagkain ang ipinunta niya doon kaya 'di niya inaasahang matatagpuan niya din doon ang babae.

Patuloy lang siya sa paghithit ng sigarilyo nang biglang umubo si Yuki.

Umubo pa ito nang ubo hanggang sa magising na nga ito. "Ano ba yan?!" Umubo ulit si Yuki. "Ang usok naman!" Reklamo nito habang masamang nakatingin sa kanya.

Ngiting aso lang ang naging sagot niya dahilan para lalong mainis ang dalaga. Ewan ba niya pero sayang saya talaga siya tuwing inaasar niya si Yuki.

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon