CHAPTER 2

15.9K 153 6
                                    

MAIGING nilabhan ni Yuki ang mga towel na ginamit ng mga hair dresser para tuyuin ang buhok ng kanilang mga customer. Lihim siyang nananalangin na sana ay walang kuto na naiwan dito. Nung nakaraan kasi may kung sinong customer ang nag-iwan ng remembrance, tsk! Tsk! May pang gastos sa salon! Pero walang pambili ng suyod!

Ganito ang trabaho niya sa Salon. Walong oras na taga-assist ng mga staff sa salon at customer, slash janitress na rin. Minsan siya ang nag-aalalay sa mga hair dresser pag medyo nahihirapan ang mga ito sa pag ayos ng buhok ng mga parokyano. Nandyan na tagahawak ng buhok, taga shampoo ng buhok o 'di kaya taga-walis ng mga ginupit na hibla ng buhok. Taga walis din siya at tigalaba ng mga towel na pinag-gamitan ng mga ito.

Minsan suma-sideline din siya bilang make up artist tuwing may customer na pupunta sa isang okasyon. Minsan din nagpapaturo siya sa mga hair dresser kung paano gumupit ng iba't ibang hair style. Gusto niya rin kasi na ma-promote from alalay to gupitera, mas malaki kasi ang sahod no'n.

Magkano kaya ang sasahudin niya ngayong kinsenas? Nilabas ni Yuki ang maliit niyang kwaderno saka kinuwenta ang kita niya noong mga nagdaang araw. Hmm.. nasa five thousand three hundred din. Plus yung tip ni Aling Neri na two hundred no'ng martes dahil binunutan niya ito ng uban at three hundred no'ng may estudyanteng nagpa make up para sa debut nito.

Sapat na yon para sa budget sa pagkain at sa allowance ni Cora. May matitira pa pero ipangbabayad niya lang iyon sa apartment na inuupahan nila. Dalawang buwan na silang hindi nakakabayad, gano'n din sa kuryente. Nakiki-igib lang din sila ng tubig sa katabing apartment. Saka na lang niya iisipin ang ibang gastusin sa susunod na sahod niya sa katapusan.

Pagod na nagbuga siya ng marahas na hininga bago pinunasan ang kaniyang noo na basa na ng pawis gamit ang braso. Oo, nakakapagod ang magtrabaho. Pero kakayanin niya para sa kapatid niya. Makatuntong lang ng entablado si Cora at makakuha ng diploma, masaya na siya.

Nang matapos ang nilalabhan ay agad niya itong isinampay sa sampayan na nasa mismong harap ng Salon. Wala siyang pakialam kung maraming nakatitig sa kanya na tambay. Hindi rin niya pinansin ang pagsipol at pagkantyaw ng mga ito sa kanya. Sanay na siya.

Malakas talaga ang aura ng presensya niya, dahil nga siguro sa kutis niyang mala porselana ang puti at mapupungay niyang mga mata. Kahit nga 'di na siya tanungin ay mapaghahalatang may dugong hapon siya.

Inunat-unat niya ang kanyang mga braso nang matapos ang pagsasampay.

"Yukitot, pa-help nemen ditey!" Maarteng pag sigaw ng kaibigan niyang hairdresser na si Jacinto este Jacey.

Agad siyang pumasok pabalik sa Salon at inalalayan ito sa pag aasikaso ng Customer na shashampoo-han ang buhok.

Napataas ang kilay ni Yuki nang makita ang mukha ng customer na natatakpan ng facemask na pantanggal ng blackheads, may pipino din na nakapatong sa mga mata nito.

Maingat niyang binasa ang buhok nito at akmang lalagyan na ng shampoo nang biglang inagaw iyon ni Jacey.

"Bakla, ako na dito. Ayusin mo na lang yung kilay ni Ateng." Ani Jacey habang tinatanggal ang pipino na nakapatong sa mata ng babaeng customer. Napakunot ang noo ni Yuki nang makita ang manipis na kilay nito.

Hala! Wala na ngang kilay, magpapa-ahit pa. Natatakot tuloy siyang ahitin 'yon. Baka lalong maubos ang kilay nito.

"Bakla.." mahinang tawag niya kay Jacey na hindi siya pinansin dahil abala na ito sa pagshampoo sa buhok ng babae.

"Bakla.." ngunit 'di pa rin siya nito pinansin.

"Hoy, Jacinto!" Malakas niyang tawag dito. Agad umasim ang mukha nito saka binalingan siya.

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon