"ISA lang naman yung naging ex mo 'di ba? Yung kinukwento mo sakin dati noong college tayo. I've witnessed how miserable you are that time. Having no one by your side in times you need help the most, i understand that.
Pinaghirapan kong pasayahin ka kahit sa mga simpleng bagay lang gaya ng pagpapasaya mo sakin noong lugmok din ako sa kalungkutan. Naaalala mo tinuruan pa nga kita magpaganda maka-move on ka lang?
At nagtagumpay naman ako 'di ba? Look how successful you are! Napag-aral mo pa nga ako eh. I know that you are a strong woman, you can handle this. Alam kong para akong takas sa mental minsan pero maaasahan mo pa rin ako sa oras na kailanganin mo ng tulong. Isang tawag lang ako, promise." Matamis na nginitian ni Yuki ang kaibigang si Alex.
Nakauwi na ito galing Hongkong para bisitahin ang pamilya nito doon. Tinulungan siya nito nong nakaraang nagkulang sila sa tao dahil nag scartion ng walang paalam ang mga empleyado niya. Matapos ang ilang araw ay ngayon lang ulit siya dinalaw ng kaibigan. At tulad ng nakagawian nito tuwing may libre itong oras, tumatambay ito sa Main branch ng Black Paper restaurant kung saan siya nagtatrabaho.
May problema ito ngayon sa Ex jowa nito na muling nagpakita matapos ng ilang taon. Tss.
Dahil sa lalaking 'yon naging miserable ang kaibigan niya. Nasaksihan niya kung paano naghinagpis si Alex dahil sa Ex niyang iyon.
Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Alex dahil sa sinabi niya. Hindi sanay si Yuki na puro kadramahan ang pinaguusapan nila ni Alex pero kailangang niyang intindihin ito.
"Oh. 'Wag kang umiyak baka pagtinginan tayo ng mga customer dito." Natawa naman bigla si Alex sa sinabi niya. Anong nakakatawa don? May hiya na siya ngayon hindi tulad dati na masyadong makapal ang mukha niya para mag eskandalo kung saan saan.
"Ay! Ano, iyak tawa? Baliw ka na?" Dagdag niya pa para pasiyahin ang kaibigan kahit papaano. At umubra naman iyon dahil lalong lumakas ang tawa ni Alex.
"Ikaw pa ang may lakas ng loob na magtanong nyan ha? Ikaw nga 'tong takas sa mental eh." Aba! Nagsalita ang hindi takas sa mental.
"Atleast, maganda!" Pinag-krus niya pa ang mga braso sa dibdib kasabay ng pabirong pagirap sa kaibigan.
Ganito talaga sila magkulitan ni Alex. Parang mga siraulo lang.
They were both laughing hard but Alex suddenly stop.
Kunot noong tinignan niya ito. Bakit bigla itong natigil sa pagtawa? Magtatanong sana siya pero nauna na itong magsalita sa kanya.
"Yuki, 'wag kang lilingon." Napakunot-noo lalo siya sa kaniyang kaibigan. Ang weird ni Alex ngayon. Wag daw lilingon?
"Ano 'to, horror movie? Bawal lumingon, mamamatay." Akmang lilingon si Yuki pero bago pa man ay hinawakan na ni Alex ang kamay niya at pinisil iyon.
"Sabi na ngang 'wag lilingon, lilingon ka pa rin!" Pasigaw nitong bulong. Hala nabuang na?
"Eh ano ba kasi 'yon? Bakit bawal lumingon?"
"There's someone staring at you." She whispered which made her frown.
"Di ka pa nasanay? Ganon talaga pag maganda." Bumungisngis pa siya matapos sabihin iyon. "Ganito na lang. Picture-an mo ko tapos isama mo siya sa background ko." Rekominda niya sa kaibigan.
"Para saan pa?" Napakunot ang noo nito. May hinala na siya kung sino ang tinutukoy ni Alex na tumititig sa kanya pero gusto niya pa rin iyon makumperma.
"I want to see my secret admirer." She giggled as she handed her phone to Alex.
Inirapan pa siya ni Alex bago tinanggap iyon at itinutok sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/178852097-288-k473375.jpg)
BINABASA MO ANG
Lover Series#2: Queen [COMPLETED]
General FictionYuki X Raver Ito ay kwento ng isang hilaw na hapones na mahilig sa kamundohan. Yuki Saito, a sweet and caring happy-go-lucky, innocent-looking girl who hides some dirty little secrets behind her prettyy appearance. Ang mahirap na buhay ng isang tula...