"BABY, huh?" Malamig na tanong nito. Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Madilim ang aura. Nakakuyom ang mga kamao kasabay ng pag igting ng panga.
"R-Raver?" Pautal niyang tawag sa pangalan nito.
Makahulugang ngumisi ito. "Miss me?"
Napalunok siya.
Shet.
Pinilit ni Yuki na umaktong normal kahit pa parang tinatambol na ang puso niya.
Ngayon lang niya ito muling nakita matapos ang tatlong linggo mula noong nakita niya ito sa mall na may kasamang magandang babae, masakit pa rin pag naaalala niya iyo pero ganon pa rin ang epekto nito sa kanya. Pinapabilis pa rin nito ang tibok ng puso niya kahit nasaktan na siya nito nang di man lang nito namamalayan.
Pasimple siyang nag iwas ng tingin. Ayaw niyang i-entertain ito. Baka masagot niya ang tinanong nito nang wala sa oras.
Tsk. Oo, namiss niya ito. Gusto niyang magalit sa sarili niya. Bakit nananabik pa rin siya sa lalaking ito kahit alam niyang wala naman siyang halaga dito.
Nagmamadaling ibinalik niya ang kanyang cellphone sa locker at isinara iyon. Dapat na siyang umalis. Baka pag sinagot niya ito ay kung ano pa ang patunguhan ng pag uusap nila. Mahirap na.
"Honey, who's this baby of yours?" Napasinghap siya nang bigla higitin ni Raver ang bewang niya gamit ang isa nitong braso. Nagdikit ang kanilang mga katawan. Tila may kuryenteng dumaloy sa mga balat niya nang dumampi iyon sa balat ng binata.
Napakunot noo siya nang maamoy ang hininga nito. "Nakainom ka ba?"
Mahinang tumawa ito. "None of your fvcking business, honey."
Nagngingitngit na itinulak niya ito palayo. Agad napalitan ng galit ang pananabik niya. Tama ang lalaki, wala siyang pakialam kung nakainom ito o hindi. Wala siyang pakialam dito at sa buhay nito kaya wala din siyang dahilan para magtanong.
Tumindig siya. "Ano pa bang ginagawa mo dito? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo?"
Nanghihinang napasandal ito sa mga nakahelerang locker bago nakayukong sumagot. "Kaya mo ba ako pinapalayo dahil may bago ka na--" tumawa at umiling iling ito. "I mean.. may boyfriend ka na?" Inililihis nito ang tanong niya.
"Its none of your fvcking business, Raver." Pagbabalik niya sa sinabi nito kanina. Humalukipkip siya. Seryoso silang nakatitig sa isa't isa.
"Marami pang ibang babae dyan, Raver. Madali ka ngang makahanap agad ng babaeng magpapainit sa kama mo, 'di ba?"
Nakakalokong ngumisi ito sa kanya. "Acting like a jealous girlfriend now, huh?"
Tinignan niya ito ng masama. Ganon ba talaga siya umakto?
Sinubukang tumayo ng tuwid ni Raver pero mukhang lasing na talaga ito dahil gumegewang ang katawan nito. Doon niya lang napansin ang medyo magulong buhok nito, nangangalumata rin. Halatang walang tulog. Hindi rin ata ito nagpalit ng damit, may mantsa kasi ng kulay dilaw na likido sa suot nitong gray na tee shirt.
"I want to talk to you." Anito.
Umingos siya. "Hindi ako makikipag usap sayo na ganyan ang kalagayan mo." Tinuro niya ito mula paa pataas sa ulo. "Nasa'an na yung tinatawag kong kuya pogi? Hindi ikaw 'yon." Nilagay niya ang mga kamay sa magkabila niyang bewang saka nakataas ang kilay na ininsulto ito. "Dugyot na lasinggero ang nakikita ko."
May dumaan na sakit sa mga mata ni Raver. Mukhang nasaktan nga ito sa sinabi niya. Hindi naman niyang intensyon na gawin 'yon pero wala na siyang choice. Kailangan niyang gumawa ng dahilan para umalis ito o para mailusot niya ang sarili at makaalis doon.
BINABASA MO ANG
Lover Series#2: Queen [COMPLETED]
General FictionYuki X Raver Ito ay kwento ng isang hilaw na hapones na mahilig sa kamundohan. Yuki Saito, a sweet and caring happy-go-lucky, innocent-looking girl who hides some dirty little secrets behind her prettyy appearance. Ang mahirap na buhay ng isang tula...