~♡~
NAYAYAMOT na nag unat ng mga braso si Yuki. Halos isang linggo na si Alex sa Hongkong. Pumunta ito doon para bisitahin ang pamilya nito at pamangkin na kasalukuyang nagpapagaling doon. Kaya naman bored na bored na siya dahil wala siyang pwedeng maasar ngayon.
May tumawag sa pangalan niya at agad naman niya iyong liningon. Napangiti siya nang makita si Hillary na naglalakad palapit sa kanya. May hawak itong tray na para bang gusto nito iyong ihampas kahit saan habang hindi maipinta ang mukha.
"Oh, bakit?" Casual na tanong niya dito na para bang nakikipag-chikahan lang sila sa lansangan.
"Sinabi mo na ba kay Alex na pumunta dito si Mr. Miller?" Tanong nito habang inaayos ang sarili nitong buhok.
"Hoy, babae. Manager mo 'ko dito kaya 'di mo ako pwedeng utos-utusan! At anong 'Alex' ka dyan? Hello, ipapaalala ko lang. Ma'am or Miss boss dapat ang itawag mo sa kanya since siya lang naman ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahunan mo! Baklang 'to!" Nakapameywang na singhal niya dito. Maaga pa naman kaya wala pang masyadong customer ngayon, pwede pa silang mag eskandalo.
Inirapan lang siya ni Hillary. "Ang dami mong chukchak! So, ano? Tinatanong ko kung nasabi mo na ba?"
Napapahiya na pasimple siyang umiwas ng tingin. "Hindi pa." Mahina niyang sagot.
"Tignan mo, 'di mo pa sinasabi."
"Oo na. Pagkauwi niya PO sasabihin ko PO. Okay? Kanina lang tumawag si Alex na pauwi na daw siya. Wait ka lang dyan!" Inirapan niya ito.
Padabog na inilapag nito ang tray sa isang mesa malapit sa kinaroroonan niya. Napakunot noo naman siya sa inaasal ni Hillary. "Hoy, bakla! Anong problema mo?! Gusto mo bang sirain ang mga gamit dito?"
Inirapan lang siya ni Hillary saka pinagpatuloy nito ang pag lilinis sa mesang ginamit ng kaaalis lang na customer. May problema siguro ang gaga o kaya baka nagme-menopause na kaya mainit ang ulo.
Ganito talaga sila ni Hillary. Matagal na rin kasi itong nagtatrabaho sa Black Paper Restaurant bilang isang waitress. Simula pa noong nagsisimula palang sila ni Alex na pagandahin ang lugar. Isa si Hillary sa mga empleyado na nagsikap palaguin ang restaurant kahit pa maliit pa ang pinapasahod ni Alex noon. At dahil nga matagal na silang magkakilala ay naging malapit na rin siya dito.
Ngayon, gumagawa na ng sariling pangalan sa industriya ang Black Paper Restaurant. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa Main branch nito bilang isang Manager. Nakapagtapos siya sa kursong HRM dahil tulong ni Alex sa gastusin niya at dahil na rin mismo sa sariling pagsisikap niya na paunlarin ang online selling niya.
Napagtapos na rin niya sa pag aaral ang kapatid niyang si Cora na isa nang guro ngayon. Nakabili na rin siya ng sariling bahay at napa-renovate na rin niya ang bahay ng lolo't lola niya.
"Oh siya, sige layas ka na dito, Manager. Magtatrabaho muna ako Manager." Ani Hillary sabay irap sa kanya. Pinagdiinan pa talaga ang salitang 'Manager'. Kung hindi niya lang kilala ng lubos si Hillary, malamang kanina niya pa ito nasabunutan. Medyo sanay na siya sa ugali nitong pagtataray. Bitter kasi kaya masungit.
Napalingon siya sa Entrance ng restaurant nang may pumasok na customer. Walang waitress na available dahil abala ang lahat kaya siya muna ang sumalubong sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Lover Series#2: Queen [COMPLETED]
General FictionYuki X Raver Ito ay kwento ng isang hilaw na hapones na mahilig sa kamundohan. Yuki Saito, a sweet and caring happy-go-lucky, innocent-looking girl who hides some dirty little secrets behind her prettyy appearance. Ang mahirap na buhay ng isang tula...