EPILOGUE

8.8K 223 27
                                    

    "HON, wake up.. Mom's waiting for us." Malambing na bulong ng kanyang asawa. Nakahiga ito sa tabi niya habang masuyong nakapatong ang isang palad sa kanyang dibdib. Isang ngiti ang umalpas sa labi ni Raver habang pikit matang ninanamnam ang paglalambing ng asawa.

It feels so good.

Hindi niya akalaing mararanasan niya ang ganitong buhay. Hindi niya kailanman inasam na magkaroon ng ganitong buhay. Kaya naman abot langit ang pasasalamat niya ngayon.

Meeting Yuki is the best thing that happend to him. He's damn lucky to encounter such a wonderful woman.

Naramdaman niya ang magaang na pagdampi ng labi ni Yuki sa kanyang labi. Idinilat niya ang mga mata para masilayan ang magandang mukha nito. His heart thumps crazily as Yuki's captivating eyes met his. Her lips were formed into a sweet smile. The kind of smile that can melt all of his hesitations and problems in an instant.

He's been living for two years with Yuki waking him up every morning. His wife never fails to steal his breath away. Paganda ito nang paganda sa paningin niya habang tumatagal. Yuki gets more gorgeous as time goes by. Maybe because he's falling deeper with this woman everyday, again and again.

"Halika na. Kanina pa gising si Yui. Baka mangulit na naman 'yon pag nabugnot." Nakangiting saad ng asawa. Hindi niya mapigilang mapangiti nang dumapo sa isip niya ang imahe ng pangalawang anak nila ni Yuki. His cute one year old daughter, Yui Saito De Guzman. A total carbon copy of his wife. Bukod sa ilong ng bata ay wala na itong namana sa kanya. And that's just fair, Eyber resembles him perfectly anyway.

Malambing na niyakap niya si Yuki. "Just give me few couple of minutes, honey." Bulong niya dito. Hindi naman ito sumagot bagkos ay ginantihan lamang siya ng yakap.

Habang yakap-yakap pa rin ang asawa ay biglang dumaloy sa kanyang isipan ang mga alaala. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Kumakain siya sa isang fastfood chain restaurant kasama ang ka-fling niya noong Collage siya. Nakikipag landian siya sa babaeng kasama nang bigla siyang mapatingin sa entrada ng resto. Isang may katangkaran at balingkinitang babae ang pumasok. Padabog itong naglakad palapit sa counter. Nakanguso itong humalukipkip habang umoorder ng pagkain. Hindi maipinta ang mukha nito habang hinihintay ang pagkain. Pinanood niya ang babae hanggang sa iabot dito ng cashier ang tray kung saan nakalagay ang order nito na dinala naman nito sa isang bakanteng table malapit sa table na inaakupa nilang dalawa ng kasama niya.

Napakunot noo si Raver nang pabagsak na inilapag ng babae sa mesa ang tray na naglalaman ng pagkain nito saka parang bata na nagdadabog itong umupo. Gumawa iyon ng malakas na ingay dahilan para mapatingin dito ang mga taong nakapaligid dito. Kabilang na ang babaeng kasama niya.

Napansin agad niya ang pag-asim ng mukha ng ka-date niya. Halatang naiirita na ito sa inaasta ng babaeng bagong dating. Kabaliktaran naman sa kanya, dahil tila mas naeengganyo pa siyang panoorin ito.

Out of curiousity, he shamelessly ask her. "Miss? May problema ka ba?" Napapitlag pa ito nang marinig ang boses niya. Natigilan si Raver nang lumingon ito sa direksyon niya.

Beautiful..

'Yon na lang ang naisambit niya sa isip. Sa isang tingin pa lang ay nahuli na agad ng babae ang interes niya.

Lumipat ang tingin nito sa babaeng kasama niya. Parang wala lang na nagkibit balikat ito saka mataray na tumaas ang kilay sa kanila.

"Oo, pogi kang lalaking ka at talaga namang nakakalaglag ng panty ang titig mo pero 'di mo pa rin maalis ang pagka-bwisit ko!" Nanggigigil na bulong nito sa hangin.

Lover Series#2: Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon