ELISE
Naging maayos naman ang trabaho bilang admin staff tinuturuan nila ako ng mga basic sa office, kagaya ng pag fax, photocopy, typing job, filling atbp. Nakapag adjust na rin ako sa trabaho.
Simula ng magtrabaho sa office hindi na rin ganun kapagod at may time pa ako na makabonding sa kulitan ang mga anak ko.
Nitong mga nakaraan araw napapansin ko din ang mga bagong damit, laruan, satapos mg mga bata at alam ko na hindi biro ang presyo nito ang sabi ni bella naka promo daw kaya nabili niya. Madalas din ang pagbili ni Bella masasarap na pagkain para sa mga bata.
FLASHBACK
Pumunta ako ng kusina para ipagtimpla ng gatas ang mga bata. Nagtataka din dahil ilang kahon din ng gatas ang nandoon , imported can goods, junk foods at etc. Pagbukas ko ng ref nakita ko rin ang ilang box ng cakes, pastry at may ilang box din ng mga ibat ibang klase ng chocolates. Ngayon lang napuno ang ref at mas mga prutas din maging sa lamesa.
Kaninang umaga ilang delivery truck ang dumating para magdeliver ng mga gamit, sa kusina double door na ref, microwave oven, at small kitchen appliances at bagong dining sets. Sa sala bagong sofa set, 65" smart tv, complete sound system. Tuwang tuwa ang mga bata kasi yung mga uso vedio games malalaro nila.
Hindi na rin kami mahihirapan maglaba kasi may bagong automatic na washing machine. Pati bagong kutson at kumot, unan meron din ang sabi ni bella nakuha daw niya ang incentive bilang outstanding employee kaya madami blessings pa ang darating.
Last 2 days isinama ni bella ang triplets sa barber shop sa mall para sa haircut. At talagang pang artistahin ang mga ito sa new haircut nila. Si jay pinagawan din ng bagong eye glass ang bait talaga ni bella sa mga bata.
END OF FLASBACK
Naputol ang aking pagiisip ng matinig kung tumunog ang bell hudyat na uwian na. Bigla kung naalala na malapit na rin ang pasukan at kailangan mag ipon para mabilhan ng mga school supplies ang mga anak ko. Sa edad na siyam na taong gulang ay sana grade 5 na sila na sa darating na pasukan. Na accelerate sila ng isang taon. Magaling mga ito sa english at math.
Dahil likas na matalino ang mga anak ay nakakuha sila ng 100% scholarship sa isang organisasyon. Malaking bagay din ang kasi nakapasok sila private school na malapit sa amin.
Lumipas ang sampung araw na naging maayos ang araw ko sa opisina. Dumaan muna ako sa palengke para bumili ng mga sangkap para sa siomai request ng mga bata.
Nilakad ko na lang pauwi kasi sayang naman kung mag tricycle. Habang palapit na ako sa bahay napansin ng mga tatlong magagarang sasakyan at mga bodyguard.Nakita ko rin ang mga tsismosang kapit bahay na panay tingin sa bahay namen.
May bisita yata si lola at halatang mayaman.BELLA/ABELLARDO
Ito ang araw ng paghaharap talagang kabado ako sa mangyayari. Ilang araw na din akong hindi pumapasok sa office dahil may special task na ipinagagawa ng CEO. Naging dakilang Personal Assistant ako ni CEO para makasama ang mga anak niya.
FLASHBACK
Matapos namen mag-usap ni CEO Montecristo talagang na windang ako sa araw na iyon. Ipinagpaalam ko kay Elise ang triplets na pagugupitan para makuha ang specimen sa DNA test.
Naghintay ako ng ilang sandali at bumababa na rin ang tatlo na nakabihis. Tumawag si Sir Jacob at sinabing may susundo sa amin ayaw niya na mahirapan ang mga bata sa pag commute.
Makalipas ng ilang sandali at dumating din ang amin sundo.
Isang magarang sasakyan na kulay dark blue. Pagbukas ng pinto hindi ko inaasahan na kasama si sir Jacob sa pagsundo."Good morning sir"
Hindi man lang sumagot at tumango lang ito sa akin. Sabagay ganun na ganun talaga si sir.
Sabay sabay naman bumati ang tatlo sa kanya.
"Good morning po sir"
"Good morning little buddies, come get inside"
"sino po kayo?"
"Friend po kayo ni tita ninang? "
"Kilala rin po ba ninyo si nanay?"
Hay sunod sunod na ang tanong mga lumabas ang pagiging makulit nito.
"Kids siya ang boss namen ni nanay, ang pangalan niya ay sir Jacob."
"hello po sir jacob, ako si jam, ito pong nasa kanan ko si jay at kaliwa james."
"Nice to meet you po"
"Nice to meet jay, jam and james"
"Parehong letter J po start ng mga names naten. nakakatuwa po noh? "
"Oo nakakatuwa nga talaga"
Nakita ko ang kasiyahan sa mga mata si sir Jacob. Bumaba ito at inalalayan ang mga bata na umakyat sa sasakyan.
"Sir excuse lang po, ano po kasi ipinagpagpaalam ko sila na dadalhin sa barber shop para sa new haircut."
"ok good so I can have the specimen.It takes 3-5 days for the result."
"Ok sir"
"By the way im out of the country for the next three days. I need to fix some business in Europe."
Hindi na kami nagkibuan dahil busy na rin sir sa mga bata. Makalipas ang ilang minuto nakarating kami sa mall na isa sa mga pag aari ng Montecristo corp.
Sa isang sikat na barber shop ang unang destinasyon namen. Talagang sarado ang shop at kami lang ang inasikaso VIP talaga ng mga bagets. Nakuha na rin yung sample specimen para sa DNA Test. Pagkatapos sa barber shop diretso sa kami sa toy store halos mapuno ang cart ng ibat ibang mamahaling laruan at nakita kung gaano kasaya ang mga ito. Saktong lunch na rin ng makalabas sa toy store at pumunta kami sa isang mamahaling resto at naka VIP Room kami talagang akala mo fiesta sa sobrang dami ng pagkain. Bago kumain ay nanalangin muna ang mga ito.
Sunod sa department store mula sa damit, sapatos at underwear ay binilhan talaga at pati ako ay ambunan ng grasya. Talagang nakakapagod mamili pero nakita ko rin ang kasiyahan sa kanila.
Ilang araw matapos ang tagpo sa mall magulat na lang ako na may biglang dumating ng mga delivery truck para sa mga bagong gamit sa bahay.
Batid ko rin na nagtataka sina lola at Elise.END OF FLASBACK
Nasa harapan ko ngayon ang pamilyang na kilala sa lipunan lalo sa larangan ng negosyo. Nakikita ko rin ang pagtataka sa mga mukha ng mag-asawa.
Biglang nagsalita si sir Jacob at lahat kami ay natigilan lalo na ang mga magulang nito.
"Mr. Garcia this is the result of DNA test. The result 99.99 the triplets is mine, totally confirmed. They are Montecristo."
************
*_ - - - - - - - - - - - _*
Keep on voting
Kindly leave your comments
BINABASA MO ANG
Jacob Montecristo (COMPLETED/Under Editing)
Tiểu Thuyết Chung"Let me remind you, your sons is my sons too. Para mas maintindihan ng mga tsismosa dito ang mga anak mo ay mga anak ko rin, Montecristo sila kaya dapat lang malaman nila kung saan sila nababagay"... Ranking # 20 famous # 13 famous # 6 famous as o...