Kabanata 10/ Adjustment

16.3K 418 35
                                    

ElISE

Matapos ang madramang eksena ay kakaibang tuwa ang nakita ko sa mga bata. Napagdesisyonan nila na dito na rin mag dinner.

Nag order na lang pagkain sa isang sikat at mamahaling resto. Dahil nakasanayan din mga bata ang manalangin bago kumain kaya nakita ko ang paghanga sa tingin nila sa mga anak ko.Pagkatapos ng dinner at umalis na rin sina tita at tito. At nangako na dadalawin ang mga bata sa ibang araw.

Naiwan si Jacob at nakipaglaro sa mga bata.
Talagang hindi mapag kakaila na mag ama ang mga ito.

Ang bilis ng oras at inabot na ng alas onse ng gabi gising na gising pa ang mga bata.

"Anak matulog na kayo, masama sa bata ang magpupuyat."

"Nay ngayon lang kami nakipaglaro kay tatay baka pwede mamayang konti pa."

"Hindi pwede kailangan din magpahinga ng tatay ninyo"

"Its ok kids, lets go to bed tommorow we will played again. Listen to nanay ok."

"Opo tatay" sabay sabay na sagot ng mga bata.

"Tay dito na po kayo matulog."

Nagkatinginan kami ni Jacob at medyo natigilan ako sa sinabi ng anak ko. Huminga muna ako bago magsalita.

"Mga anak hindi pwede matulog ang tatay dito." Kasi hin---

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita upang putulin ang sasabihin ko sa mga bata.

"Its ok Elise, I can sleep here."

Abat ang mokong sagot ng sagot hindi man lang makaramdam na gusto ko na siyang umuwi. Tiningnan ko siya ng masama at ang loko di man lang ako pinansin.

Wala akong magawa kundi pumayag hindi ko naman pwedeng sirain ang magandang moments nila. Nagtatalon sa tuwa ang mga anak ko. Dahil wala na akong magawa kundi kumuha ng extrang kumot,
unan at comforter para ilagay sa lapag.

" Mga bata maglinis na kayo ng katawan para fresh na fresh kayo bago matulog."

Agad naman sunod ang mga ito. Nilapitan ko si Jacob para ibigay yung damit na pwede niyang magamit pantulog.

"Sir ito na po pala bagong sando at boxer short ni bella para may magamit kayong pantulog."

"JACOB Elise, hindi sir at wala tayo sa trabaho."

Hindi na ako kumibo at ipinagpatuloy ang pag aayos ng higaan. Inihanda ko rin ang pajama ng mga bata. Nag uunahan ang mga ito na makalapit at masuot agad ang pajama at hindi maalis ang saya sa mga mukha ng anak ko talagang sinusulit nila na makasama ang tatay nila.
Nang makapag ayos na ang mga bata humalik sila sa akin at kay Jacob bago matulog.

"Kids matulog na kayo bukas pupunta tayo sa amusement park".

"Talaga tatay" sabay nilang tanong kay Jacob.

"Yes kids, kaya matulog na."

"ok po tatay".

"Mga anak mag pray muna bago kayo matulog"

"opo nanay"

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan.

"Goodnight nanay, goodnight tatay"

Muling humalik ang mga bata sa akin at kay Jacob.

"Goodnight Elise"

Medyo mabigla ako, pero hindi na lang ako kumibo. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.

**********

Kinabukasan nagising ako sa ingay ng radyo ni Lola. Ang bilis ng oras pakiramdam ko gusto ko pang matulog.
Bumangon na ako dahil ipaghahanda ko sila ng almusal. Nagsipilyo, naghilamos at nagpalit muna ako ng damit bago bumaba sa kusina.

Nagprito ako ng hotdog, itlog at tuyo. Nag saing na rin ako sa rice cooker. Sanay kasi kami kumain ng heavy breakfast. Habang inihahanda ko ang mga pagkain ay bumaba na rin si bella. Nagkape muna kami habang mga ilang minuto lang ay narinig ko nang pababa ang mag ama ko.

Natatawa akong naiinis sa reaksyon ni bella ng makita ni si Jacob. Bakit kasi sobrang gwapo at hot nito sa umaga.

"Good morning nanay, good morning tita ninang" bati sa amin at humalik.

"Good morning mga anak"

"Good morning sir, kain po" alok ni bella halatang nagpapa cute.

"Good morning" ganting bati sa amin

"Sir kape po? Ano gusto ninyo may cream, sugar or pure black coffee lang?" tanong ni bella.

"Black coffee" ganting sagot kay bella

" Elise bebe, ipagtimpla mo nga si sir ng black coffee" sabi ni bella

"sir maupo po kayo, kain po tayo nakapagluto na si Elise"

Tahimik lang din si Jacob na umupo para makasalo namen sa pagkain. Ipinagtimpla ko na siya ng kape at nakikinig sa kanilang usapan.

JACOB

Maaga akong nagising dahil sa maririnig kung ingay. Pagkamulat nakita ko ang mga anak ko gising na at halata na hinihintay nila ako.

"Good morning tatay" naka-ngiting bati nila sa akin.

"Good morning buddies"

"Tay baba na tayo, sigurado nakahanda na yung pagkain"

"Gutom na kami tatay"

"Tay excited na kami mamaya"

"Ganun ba, Ok boys baba na tayo"

"Yehey" sabay-sabay nilang sigaw.

Excited na bumaba ang mga bata at sumunod na lang ako sa kanila. Nasa kusina na si Abelardo at Elise, nakahanda na rin ang pagkain. Nararamdaman ko na iwas talaga siya sa akin at alam kung malaking adjustment pareho sa amin ito. Para sa mga bata ginagawa namen na maging civil sa isat isa.

Hindi ko maiwasan tingnan si Elise. Talagang maganda at hindi halata na nanay na ito. Nakita ko rin na talagang mabuting ina sa mga anak ko. Hindi mapili sa trabaho para maitaguyod ang mga bata.

Matapos ng ilang sandali pagkain at dumating ang driver ko para ihatid sa sakin yung extrang damit ipapasyal ko ang mga bata sa amusement park.

Madali lang ang ginawa kung paligo dahil panay katok ng mga bata. Nasa sala silang mag iina at nakabihis na rin.

"Yan na si tatay aalis na tayo"

Pa simple kung tiningnan si Elise simple lang ang sout nito pero mapapalingon kahit sino. Kita ang magandang kurba ng katawan nito. Kahit hindi maglagay ng make up makikita ang ganda talaga nito.

"Sir ipagmamaneho ko po kayo"

"Huwag na Dado umuwi kana dalhin mo na lang yung kotse ko. Gagamitin ko na lang itong hilux para hindi masikip para sa amin"

"Sige po sir"

Kinuha ko na ang susi at binuksan ang sasakyan inalalayan ko muna ang mga bata at sunod ay si Elise naamoy ko yung pabango niya. Simple cologne lang ang gamit nito pero iba ang epekto sa akin.

****************

Sana po ay nakapag Comment kayo para po ma improve ko po
yung pagsusulat ko.. 😘😘😘

Jacob Montecristo (COMPLETED/Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon