Kabanata 11/ Family Bonding

15.7K 367 13
                                    

ELISE

Habang nasa sasakyan kami talagang sobrang nakaka ilang ang sa pagitan namin ni Jacob. Habang ang mga bata sa likod ay masayang nagkukulitan. Mahigit isang oras din ang lumipas bago kami nakarating sa amusement park.

Excited na bumababa ang mga bata, maghintay kami ng sandali dahil bumili muna ng ticket si Jacob. Ride all you can ang biniling ticket nito, pumila na rin kami para makapasok at nalagyan kami ng risk band.

Pagkapasok pa lng namen talagang hindi na mapigilan ng mga bata magtakbuhan.
Una namen pinuntahan ay ang bump car, sumunod sa carousels, roller coaster,
Viking rides atbp.

Nakaramdam na kami ng gutom, kaya naghanap muna kami ng restaurant. Pawisan na rin kaming lahat gawa ng mga activities na ginawa kanina may nadaanan kaming souvenir shop. Bibili muna si jacob ng T-shirt na pamalit namen.

"Ma'am, Sir good morning po, ay good afternoon na pala welcome po sa FS shop." masayang bati ng staff samen

"Pamalit po ba sir, sir maganda po ito" staff 1

"Sir itong color black, sir may kaunting print lng po" staff 2

"Okey, how much"

"Sir ask ko po muna mga sizes ninyo? Cashier

" 1 pc XXL, 1 pc medium and 3 pcs. Small"

"Copy po sir total price po 2850.00" cashier

Binayaran ni Jacob gamit ang black card.

"Excuse me Ma'am and Sir may restroom po kami dito pwede po kayo magpalit  at mag refresh dito" staff 1

"Thank you" ako na lang ang sumagot kasi likas kay Jacob ang pagiging isnabero.

Kasama ni Jacob ang mga bata magbihis.

Maganda yung fitting ng t-shirt at print na korona at at may nakasulat na Queen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maganda yung fitting ng t-shirt at print na korona at at may nakasulat na Queen. Ang cute naman nito paglabas ko ng restroom nakita ko ang Mag-Ama na nag pipicture habang nakatalikod sa akin.

"Ayan na si nanay" sabi ni James

Nang humarap sa aking ang mga bata nakita ko ang nakasulat sa t-shirt nila ang salitang prince at may korona din, halos ayoko kong tingnan si Jacob parang alam ko na ang nakasulat. Ngayon ko lang napagtanto na naka family shirt kami.

"Wow ang ganda po ninyong tingnan happy family" staff 1

"Ma'am, Sir pwede po bang kayo makunan ng picture? Para promotion lang po sa store namen" staff 2

Hindi ako agad nakasagot at tumingin muna ako kay Jacob.

"Yes sure, but after that kindly take a picture using my phone" sagot ni Jacob

"Thank you, sige po sir akin na po yung phone ninyo" staff 2

Ilang minuto din kami nagtagal gawa ng picture taking. Binigyan din kami ng kopya at talagang natuwa ang mga bata. Medyo naiyak pa ako ng sinabi nila na " nanay, tatay ito po ang unang beses na complete family picture ".

Habang naglalakad kami may ilang mga tao din ang nakatingin sa amin. Ibat-ibang reaksyon ang makikita mo sa kanila.

Pumasok kami sa isang fine dining restaurant. Halatang mahal ang menu dahil na rin sa sobrang elegante ng ambience.

Si Jacob ang nag order ng pagkain kasi hindi ko alam kung ano ang masarap sa menu puro bago sa pandinig ko ang menu. Ilang minuto din kami naghintay at dumating na rin ang pagkain.

Tahimik lang kami ni Jacob habang kumain at nakikinig sa mga kwento ng mga anak namen.

JACOB

Ibang saya ang nararamdaman ko habang kapiling ang mga anak ko. Talagang sulit ang rides at walang pinaglagpas.
Pawis na pawis na rin kami at nakaramdam na din ako ng gutom at tiyak ko gutom na rin ang mga ito. May nadaanan kami souvenir shop naisipan kong bumili ng T-shirt pamalit namen.

Matapos kung bayaran at isinama ko ang triplets para magpalit. Hinubaran ko muna ang mga ito, napangiti ako ng makita ko ang print sa t-shirt na binili ko. Prince ang nakalagay sa mga t-shirt ng mga anak ko habang sa akin ay King at sigurado akong Queen ang nakasulat sa t-shirt ni Elise.

Habang naghihintay ay naisipan kong mag groupie kami ng mga anak ko. Nakailang picture din kami bago lumabas si Elise sa restroom.

Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti sa reaksyon ni Elise at buti na lang may sout akong shades para hindi mahalata ni Elise na natingin ako sa kanya.

"Wow ang ganda po ninyong tingnan happy family" staff 1

"Ma'am, Sir pwede po bang kayo makunan ng picture? Para promotion lang po sa store namen" staff 2

Hindi agad nakasagot si Elise at tumingin sa akin, kaya ako na lang sumagot.

"Yes sure, but after that kindly take a pictures using my phone" sagot ko

"Thank you sir" staff 2

Ilang minuto din kami nagtagal gawa ng picture taking. Binigyan din kami ng kopya at talagang natuwa ang mga bata. Nakita ko ang pagpipigil ni Elise na huwag maiyak dahil sa sinabi ng mga anak namen " nanay, tatay ito po ang unang beses na complete family picture ".

Naisip ko ang mga panahon na hindi ko nakasama ang mga ito. Yung hirap ni Elise para itaguyod ang mga bata. Sa simple picture na makasama nila ako talagang malaking bagay sa kanila.

Habang naglalakad kami papunta sa restaurant, nagpipigil ako dahil sa asar sa mga lalaking nakatingin kay Elise, nakikita ko ang paghanga at pagnanasa nila. Batid kong hindi naman pansin ni Elise pero gusto kong manuntok. Ayoko maging bayolente sa harap ng mga anak ko.

Habang naghihintay ng order, nakita kong tumayo ang dalawang lalaki panay ang tingin kay Elis.

"Excuse me may tatawagan lang muna si tatay ha" paalam ko sa mga ito.

Agad kung sinundan ang dalawa mas lalo uminit ang ulo ko dahil sa usapan ng mga ito.

"Pre ang ganda ng bebot, kahit may mga anak na" boy 1

"Oo nga pre, sobrang ganda din ng katawan, nag iinit nga ako habang nakatingin sa kanya" boy 2

"Pre nakunan mo ba ng picture?" boy 1

Lumapit ako sa kaniya at pinag umpog ko ang mga ulo nito. Hindi na sila nakakilos kaya pinagsusuntok ko pareho dahil sa kamanyakan. Kinuha ko ang cellphone at binura ko ang mga picture ni Elise.

Ipinasok ko ang dalawang walang malay sa isang out of order na cubicle. Naghugas ako ng kamay at nagmadaling bumalik sa table namen.

"Tatay ang tagal nyo po, gutom na po kami"

"Sorry buddy may tinapos lang si tatay"

"tatay sana po, walang work kapag family bonding"

"sorry buddy hindi na po. mauulit, sige kain na tayo"

Kumain na kami habang walang tigil sa kadaldalan ang mga anak ko...

***********

Jacob Montecristo (COMPLETED/Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon