Kabanata 15/ Family Dinner

14.7K 375 10
                                    

ELISE

Nakakaasar na tong si Jacob hindi ko na natapos yung lunch ko. Nang makalabas na kami ng pantry at nakalayo ng kunti ay saka ko naman ito hinarap.

" Jacob saglit lang bakit ba basta ka na lang nanghihila at ano yung sinabi mo kay sir Ivan tiyak na ako na naman ang pag-uusapan. Sigurado na narinig ng katabing table ang sinabi mo."

" Ano naman kung narinig nila? Totoo naman ang sinabi ko, halika na mamaya natayo mag-usap at gutom na ako."

"Kumakain na ako dun eh tapos bigla ka na lng manghihila."

"Ano gusto mo tapusin ang pagkain mo dun pero may nasapak na ako.?"

"Sabi ko nga sasama na ako."

"Good"

"Good mo mukha mo"

" I heard you Elise"

"Sabi ko tayo na, aalis na tayo kung ano ano yang naririnig mo."

Naglakad na kami pero muling hinawakan ni Jacob ang kamay ko. Nasanay na ang mokong na to na hawakan ang kamay ko. Bawat madaanan ay napapatingin sa amin.

Mga Kinse minutos din ang bhaye namen, sa isang high end na restaurant ako dinala ni Jacob ito daw ang pinakamalapit sa office.

May sumalubong agad sa amin na staff.

"Good afternoon Sir and Maam."

Si Jacob talaga nunukan ng pagiging isnabero nakakahiya kaya ako na lang ang bumati sa kanila.

"Good afternoon din sa inyo"

"Sir and Maam table for two"

Sumagot si Jacob suplado talaga ang mokong.

"obviously yes"

Nangiti ng alanganin ang mga staff sa amin. Kung pwede ko lang batukan ginawa ko.

"This way sir and Maam".

Sumunod kami sa staff sa isang maganda spot kami dinala. Ang ng ambience ng lugar relaxing at parang hindi ka sa city gawa ng sound effects. Tunog ng parang falls at huni ng mga ibon.

May nakita akong artificial waters falls at may mini lagoon sa gitna. Nang makaupo na kami ay nag order si Jacob ng pagkain sa hirap ng basahin hirap din tigkasin. Ilang minuto din kami naghintay bago dumating ang order. Sobrang dami pakiramdam ko hindi namen mauubos.

Dahil gutom na ako agad na akong kumain. Ang sarap nito first time kung kumain nito.

"Elise careful you might choked, we are not participant in food contest.
You eat like a horse.".

Buset na to talagang di maubos ng hirit na nakaka init ng ulo.

"Wow ha, madami akong gagawin kaya natural kakain ako ng marami."

"Hindi halata na malakas kang kumain, hindi ka ba nag di diet?"

"Wala vocabulary ko ang diet, oorder ka ng marami at masarap na pagkain tapos sasabihin mo ang diet diet na yan. HUSTIYA NAMAN NOH!!!"

Loko to nagawa pang akong ngitian. Dahil sa sunod niyang sinabi bigla tuloy ako na conscious at nawala ang inis ko.

"Now i wondering even you eat like a construction worker still you have a perfect curve on your body."

"Elise lets change the topic. Hmmm I just want to inform you my whole family wants to have dinner they are really excited to meet the triplets"

"ok lang Jacob, kailan ba nila gusto?"

"tonight"

"tonight as in ngayon gabi, biglaan naman"

"Elise it's almost one month dapat lang na makilala na nila ang family ko."

"Jacob kinakabahan ako sa magiging reaction ng family mo."

"You think too much Elise, Don't worry everything will be alright, all you have to do is to attend the dinner.
Ipapasundo ko na lang ang mga bata para tayo diresto sa lang sa bahay."

"Jacob pwede bang umuwi muna ako tapos mauna ka na lang"

"Elise malalate ka kung uuwi ka pa, bibili na lang tayo ng isusuot mo."

"Jacob naman bibili pa, gastos lang yun madaming damit sa bahay".

"Look Elise lets make it easy for the both of us. Its time consuming kung uuwi ka pa ng bahay. Pumunta na lang tayo sa mall para sa isusuot mo, ikaw na rin bahala mamili ng damit kasi alam ko na ayaw mo ng mahal. Hindi tayo pwede ma late."

Para matapos na ang usapan sumang-ayon na lang ako kay Jacob. Mga" alas dos na kami nakabalik sa office at talagang agaw pansin kami. Bukod sa over break na ako, muli akong inihatid ni Jacob sa area ko. Wala sumita sa akin kasi CEO ang kasama ko. Hindi na ako nag coffee break dahil busog pa rin ako sa dami ng nakain ko.

Mga Alas tres medya nakita ko si sir Ivan sa department namen. Lumapit ito sa akin kahit na mukhang mabait si sir Ivan ewan ko ba hindi ako mapakali kapag nakatitig sa akin. Yung titig na hindi gagawa ng maganda sa kapwa.

"Hello Elise, hindi ka nag coffee break.?"

" Hindi na po sir, busog pa po ako"

"Ganun ba,Elise pwede ka ba mamaya? Yayain sana kitang mag dinner."

"Pasensya na po sir hindi po ako pwede at kailangan na makauwi ako agad para sa mga anak ko."

"Bukas na Elise, kung pwede schedule na lang naten."

Makulit din itong Ivan na to. Paano ko ba sasabihin na wala me panahon sa gusto niya. Sasagot na sana nang narinig ko ang boses ni Jacob.

"Mr. Laxamana last time I check hindi ito ang department mo. Hindi rin kita binabayaran para manligaw sa oras ng trabaho."

"Pasensya na sir" sagot ni sir Ivan

"Elise pack you things, we need to go now. Reminder Elise hindi tayo pwede ma late sa family dinner."

Letse talaga to, lumapit ako kay Jacob dahil alam ko na agaw eksena na kami at rinig nila ang sinasabi ni Jacob. Binulungan ko ito.

"Jacob maaga pa naman, kahit mga 5pm na tayo umalis. Pwede bang hinaan mo yang boses mo."

Nabigla ako ng sumigaw si Jacob halos lahat ng tao hindi na rin mapakali.

"Sisigaw ako kung kailan ko gusto!!!

" Wala akong pakialam sa mga tao dito hindi ko kawalan kung ano ang tingin nila sa akin!!!!

"At the end of the day im still the boss!!!

" For fuck sake ako!!! Ako pa ba ang mag-aadjust!!!

Nakaharap na si Jacob sa akin at talagang na windang ang lola nyo dahil sa mga binitiwang salita.

"Let me remind you, your sons is my sons too. Para mas maintindihan ng mga tsismosa dito ang mga  anak mo ay mga anak ko rin, Montecristo sila kaya dapat lang malaman nila kung saan sila nababagay"...

"Pack your thing we need to go, we should prepare for the dinner".

Jacob Montecristo (COMPLETED/Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon