EliseMaaga kami nakarating
ni Bella 7:30am nasa office. Nauna na ako pumasok sa lobby kasi naghahanap pa ng parking si Bella.Nakita ko si Sir Ivan Laxamana ang head ng maintenance department. Gwapo din ito at galing sa mayamang pamilya. Pang boy next door nga at maraming nagkakagusto bukod sa pasado sa looks ay napaka approachable din ito.
Mas ninais nitong mamasukan sa ibang company kaysa sa company ng pamilya nito.Nakangiti ito sa akin kaya gumanti din ako ng tipid na ngiti.
"Good morning Elise"
"Good morning din po sir Ivan"
Medyo alanganin na ngumiti sa akin dahil sa pagtawag ko na sir. Marami na rin mga empleyado sa lobby, pumila na kami para makasakay sa elevator.
Nakita ko ang grupo ni Mica sa sobrang talim ng mga mata sa akin. Kilala ang grupo nila na bully dahil ang mga ito ay galing sa may kaya na pamilya na konektado sa mga board of directors. Alam ng marami dito na malaki ang paghanga si Mica kay sir Ivan.
Magkatabi kami ni sir Ivan sa pila. Tiyak na matatagalan kami dahil ang tatlo sa limang elevator ay out of order. Lunes na lunes nakita ko ang inis at asat ng mga empleyado. Isa lang ang pwede gamitin na elevator kasi ang elevator ay para sa VIP exclusive sa mga Montecristo clan.
Habang ang grupo ni Mica at nagsimula na rin magparinig at alam ko na ako ang pinapatungkulan. Sinadya nilang lakasan ang mga boses nila sa kanilsng usapan.
GIRL 1
"Hay naku ang hirap talaga noh girls, dumadami yung simple na malalandi, yung pa virgen ba."GIRL 2
"Tama ka jan girl. Hindi lahat ng simple ay virgen pa"GIRL 3
"Yung iba jan disgrasyada"Sabay na tawa ng mga grupo.
MICA
"Girls behave na kayo, bakit may negative reaction yung iba jan"Sabay irap sa akin ni Mica. Muli silang nagtawanan naputol lang ang kanilang tawanan at biglang tumahimik ang paligid akala mo may dumaan na anghel.
Agad kung nakita si Jacob na naglalakad papunta sa elevator bawat madaanan nito at bumati ng good morning pero wala man lang response.
Nang tumapat na si Jacob sa akin pwesto nagulat ako ng kinuha niya ang bag at hinawakan ang kanang kamay ko.
"Lets go Elise"
Sumunod na lang ako sa kanya habang naka holding hands. Nakita ko ang hindi makapaniwalang reaction nila.
Parang gusto ko maghalo sa mga oras na yun.JACOB
Habang nag papark ako nakita ko ang sasakyan ni Bella. Lumabas ako at kinawayan para senyasan na pwede siyang magpark sa katabing slot ko.
"Sir good morning po"
" Morning bella, si Elise?"
"Nauna na pong pumasok sir kaya magpapark pa ako ng sasakyan"
"Ok bella I'll go ahead"
"Ok po sir ayusin ko lang po muna ang parada ng kotse"
Naiwan ko na si bella need ko muna i check ang presentation para sa monthly director meeting. Habang naglalakad sa lobby nakita ko si Elise. Bigla kumunot ang noo ko ng mapansin ko kung sino ang katabi. Si Ivan Laxamana isa sa family friend namen. Hindi ko naman ka close ito civil lang kami sa tuwing magkikita.
Nag-init ang ulo ko at nasira ang magandang mood ko dahil may naalaala ako.
FLASHBACK
Habang nasa coffee shop ako at hinintay ang college friend ko. Nakita ko papasok ang grupo ni Ivan sa coffee shop. Nang makita nila ako at lumapit sila at bumati sa akin tumango na lang ako sa kanina.
Umupo sila sa katabing lamesa ko. Wala akong pakialam sa topic nila kasi usapang babae. Pero hindi nakaligtas sa akin ng marinig ko ang pangalan ni Elise.
BOY 1
"Pareng Ivan mukhang badtrip ka na naman"BOY 2
"Hulaan ko si Elise na naman noh"IVAN
"Hindi ako makalapit kasi lagi kasama ang baklang si Abellardo"BOY 1
"Sabagay pre madali ng makuha yun kasi disgrasyada at may mga anak na yun, at mukhang game na game sa sex kasi madami na ang anak nito"BOY 2
"tatlo yata ang anak niya, Kahit sino tatamaan ng Libog sa babaeng yun sobrang ganda ng katawan at hindi halata na may anak na"IVAN
"Hayaan ninyo pre kapag tapos na ako sa kanya pwede din ninyong matikman"Sabay tawanan ng mga ito. Pigil ko ang aking sarili na hindi mabugbog ang mga ito tinext ko na lang sa cancel na lang ang meet up namen. Mabilis akong umalis sa lugar na yun. Pagbalik ko ng office agad ko tinawagan ang HR Department para kunin ang files ng mga kasama ni Ivan.
Sa araw na iyon yun na rin ang huling duty nila sa main branch kasi pinatapon ko sila sa malayong branch.END OF FLASHBACK
Binilisan ko ang lakad ko may mga bumati sa akin pero hindi ko na pinansin. Nang makalapit na ako kay Elise kinuha ko ang bag nito at hinawakan ang kanang kamay nito.
"Lets go Elise"
Alam kung nabigla ni Elise hindi ko na rin hiyaan na makapag-react ito. Hinila ko na siya at holding hands kami naglakad papunta sa VIP elevator. Hindi ko pinansin ang mga reaction ng mga emplayado sa lobby.
Pasimple kung pinagmasdan si Ivan nakita ko ang pagdilim ng mukha nito. Hindi ko hahayaan na may gawing masama ang kumag na ito kay Elise.
Pagbukas ng elevator agad kaming sumakay ilang minuto din ang lumipas bago kami makarating sa floor kung saan naka asign si Elise. Nang marinig ang tunog ng elevator agad din kami lumabas inihatid ko siya mismo sa table niya. Hindi ko na pinansin ang mga tao doon.
"Elise have a nice day, need to go"
"ok po" lang ang naisagot ni Elise. Umalis na ako at iniwanan si Elise na hindi parin makapaniwala sa nangyari.
ELISE
Pinagmasdan ko ang likod ni Jacob habang naglalakad papuntang elevator hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Naku po naman ayoko ng ganitong pakiramdam.
Halos lahat ng tao nasa akin ang mga mata nila. Ako tuloy ang sentro ng usapan hindi ko gusto ang maging instant celebrity sa office.
BINABASA MO ANG
Jacob Montecristo (COMPLETED/Under Editing)
General Fiction"Let me remind you, your sons is my sons too. Para mas maintindihan ng mga tsismosa dito ang mga anak mo ay mga anak ko rin, Montecristo sila kaya dapat lang malaman nila kung saan sila nababagay"... Ranking # 20 famous # 13 famous # 6 famous as o...