ELISENakaupo na ako sa area ko at iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Napabuntong hininga na lang ako, minabuti ko na lang simulan ang aking trabaho.
Wala pang sampung minuto at lumapit ang mga kasama ko sa akin. Tiyak ako na marami silang itatanong sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila.
Staff 1
"Oy Elise bakit magkasama kayo ni sir Jacob?"Staff 2
"Holding hands pa kayo at inihatid ka pa dito sa area mo?"Staff 3
"Sige, sige dali na sagutin mo yung mga tanong."Itong grupo na ito sa department ang mahilig sa tsismis. Tiningnan ko sila at ngumiti saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Staff 2
"Ay grabe sya oh, dedma sa mga tanong naten. Hoy babaeng ambisyosa at ilusyonada. Anong akala mo? Hoy gising hindi ka seseryosohin ang isang kagaya mo na walang yaman at higit sa lahat dalang ina."Staff 3
"Ilang ba anak mo tatlo? Puro panganay ba? Ano anong lahi?"Sabay silang tumawa na akala mo wala ng bukas. Nagtitimpi ako sa mga inggetera na ito na walang ginawa dito kundi magbantay sa buhay ng may buhay. Mga walking cctv dito sa department kaya ka close din nito ang grupo ni Mica.
Nang makita nila si Mrs. Dee ang department supervisor pa simple silang naglakad pabalik sa mga area nila.
Mabilis din lumipas ang oras kung hindi pa tumayo ang mga ito hindi ko mapapansin na lunch break na. Dala ang lunch box pumunta na ako sa pantry. Hindi ko makakasabay ng lunch si Bella dahil may ka lunch meeting na new client.
Pagkabukas ko ng pinto bumungad sa atin ang maingay at medyo magulong pantry.
Nakita ko ang grupo ni Mica kasama ang cctv group.
Ito ang samahan ng mga Insecure madami ang nagreresign dahil sa ginagawa nilang pang-bubully. Nagkakasakit ang mga ito kapag walang naging biktima sa bawat araw.Dahil bakante ang katabing lamesa doon na ako naupo.
Taasan ang mga kilay na kulang nalang mawala ang itim sa mata dahil sa kakairap.
Parang mga isip bata kampi-kampihan sila akala mo sila ang mga biktima.Nang makaupo na ako. Inihanda ko ang kakainin ko, ilang minuto lang nakaramdam ako na may tao sa aking likuran ng lingunin ko si sir Ivan pala.
Ngumiti ito sa akin kaya gumanti din ako."Elise baka pwede maki share ng table sayo? Ok lang ba?"
"Ok lang po sir Ivan, maupo na po kayo"
"Thank you Elise"
Tahimik lang ako kumakain, ramdam ko din ang talim ng titig sa akin mula sa katabing table. Kahit na mukhang mabait si sir Ivan hindi din ako kampante na kasama ito.
"Elise si Abellardo hindi mo yata kasabay ngayon?"
"May ka lunch meeting po"
"Ganun ba, maiba ako may something ba sa inyo ni Jacob? I mean kay mr. CEO?"
Medyo hindi ko napaghandaan ang tanong nito kaya nakabitin din sa era ang kutsara ko na sakto susubo na ako. Dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot.
Sasagutin ko na sana ang katanungan niya ng may biglang nagsalita sa likuran ko.
" Bakit mo naman na itanong Mr. Laxamana?"
Napapikit ako ng wala sa oras.
JACOB
Pagkatapos ang pangyayari sa elevator agad akong pumunta sa board room. Nakita ko kung sino ang sa meeting nakita ko na naman si Carmi Segovia ang anak ni Marcus Segovia.
Walang ibang ginawa sa board kundi ang makipag flirt. Masyadong revealing ang sout nito at hindi ba ito nilalamig. Ang baba ng neckline nakikitaan ng cleavage. Well hindi ako interesado sa fake boobs.
Ang mga kasama sa meeting tuwang tuwa dahil sa tanawin na nakikita.
"Ok guys shall we start"
Agad na ipinakita sa powerpoint presentation ang mga data sa magdaan buwan. Lahat naman at atentibo sa pakikinig. Mahigit 45 minutes din bago natapos ang meeting.
Tumayo na sila at isa-isang lumapit sa akin at nakipagkamay bago lumabas ng board room. Dahil sinadya ni Carmi na magpahuli lumapit ito sa aking na may malanding ngiti.
"Hi Jacob how are you"
"I'm ok"
"Ang tipid naman ng sagot mo.
Did you miss me?"" Why should I?"
"Jacob, Jacob, Jacob huwag ka ng mahiya na umanim that you miss me."
"Masyado kang bilib sa sarili mo Carmi, last time I check you are the one keep on calling me. Just to keep me in peace I have to change my personal mobile phone number. And if you nothing to say regarding business I have to go."
Nakita ko biglang nagbaga ang Aura nito. Tumalikod na ako para bumalik sa office ko.
Tambak din ang mga for signature. Mabilis din lumipas ang oras at lunch break na. Kumatok ang secretary ko para itanong kung ano ang gusto kung lunch.
"I can manage sa pantry na lang ako kakain, you can take your lunch now."
After 10 minutes lumabas na ako ng office para pumunta sa pabtry. Sa pantry may cafeteria na rin kaya makakapili na rin ako ng kakainin doon.
Pagkapasok ko sa pantry bigla tumahimik ang paligid dahil nakita nila ako. Well hindi talaga ako pa nakakain sa pantry kasi may sariling pantry ako sa office ko.
Nakila ko si Ivan at kinakausap si Elise. Pumunta ako sa pwesto nila at narinig ko ang tanong ni Ivan.
May ka lunch meeting po"
"Ganun ba, maiba ako may something ba sa inyo ni Jacob? I mean kay mr. CEO?"
Namumuro na ito si Ivan talagang masyado epal,hindi nakasagot si Elise kaya agad akong sumagot.
" Bakit mo naman na itanong Mr. Laxamana?"
Napatingin ang dalawa sa akin nakita ko ang reaction ng mukha nila.
" Mr. Laxama pwede naman ako ang tanungin mo at masasagot ko."
Biglang tumayo si Elise halatang natataranda.
"Sir ano po kasi, ganito po kasi si------
Pinutol ko ang sasabihin ni Elise. Lumapit ako kay Ivan at ngayon ay face to face na kami.
" Mr. Laxamana para masagot ang tanong,ako lang naman ang tatay ng mga anak ni Elise, we have triplets Mr. Laxamana so better to fuck off if you are still willing to work for me"
"Now Mr. Laxamana are you happy with my answers"?
"How"???
"Elise Mr. Laxamana asking how? You know what im tired talking to you, hindi ko naman pwede mag story telling at magdemo kung paano."
"Elise I lost my appetite lets go, were going to lunch somewhere."
Hinila ko na siya at lumabas ng pantry.
BINABASA MO ANG
Jacob Montecristo (COMPLETED/Under Editing)
Fiction générale"Let me remind you, your sons is my sons too. Para mas maintindihan ng mga tsismosa dito ang mga anak mo ay mga anak ko rin, Montecristo sila kaya dapat lang malaman nila kung saan sila nababagay"... Ranking # 20 famous # 13 famous # 6 famous as o...