Makalipas ang sampung taon...
ELISE
Ang bilis lumipas ang panahon natutuwang pagmasdan ni Elise ang kanyang mga anak. Kasalukuyang naglalaro ang tatlo sina james,jam at jay. Habang lumalaki ang mga bata hindi mapagkakaila na anak sila ni Jacob Montecristo. Sobrang daya siya ang naghirap sa pagbubuntis wala man lang makuha sa kanya. Sila ang naging inspirasyon niya upang lagpasan ang mga nangyari sa kanya. Lahat ng klase ng trabaho basta marangal at pinasok niya. Naging labandera, katulong, tagahugas ng plato, serbedora atbp.
Hindi siya nakakatagal sa trabaho dahil sa mga manyak na nagiging amo niya. May maliliit na kompanya din ang kanyang napasukan bilang janitress dahil di nman sya nakapagtapos ng pag aaral. Ngunit biglang namatay ang may ari at naging dahilan ng pagsasara nito. Kasalukuyan siyang mag aaply bilang janitress sa isang malaking kompanya. Idinadalangin nasa ay matanggap siya.
"Mga anak aalis muna si nanay, sana matanggap si nanay para di na tayo mahirap sa gastusin. "
Lumapit ang mga anak at humalik sa kanya.
"mag pray kami nanay" wika ni james
Ngumiti si Elise sa kaniyang mga anak at nagpaalam ibilin niya sa kay lola ang mga bata. Nilakad niya hanggang sa may kanto upang makatipid ng pamasahe. Sumakay siya ng jeep patungo sa makati. Ang kaibigan niyang HR ng JMC corp. ang nagbalita na hiring ng janitress. Isa ang JMC Corp. na sikat na kompanya hindi lamang sa pinas maging sa ibang bansa.
Mahigit isang oras din bago siya nakarating sa JMC Corp.
Tumunog bigla ang lumang telepono niya. Isang basic phone na may rubber band. Sinagot niya agad ng makita ang pangalan ni bella o si abellardo."Hello bella"
" Elise san ka na bhe"? Dapat agahan mo para ka matanggap kasi walang pang aplikante"
"bhe andito na ako sa labas ng building"
" O sya bilisan mo bhe"
" Ok bhe"
Binaba na niya ang tawag lakad takbo ang ginawa para makarating sa agad.
Suot niya isang bestida na ang haba ay hanggang tuhod kulay cream na nabili lang niya sa ukay. Disente ang suot niya at bumagay sa maputi niyang balat. Kahit tatlo na ang anak niya ay maganda pa rin ang kanyang katawan. Sa edad na 27 ay mag-isang binuhay ang mga anak at kahit papano nakakaraos sa sila sa araw araw. Mabuti at lumaking malusog at matatalino ang mga anak sa kabila ng pinagdaan nya sa pagbubuntis.*********
Matapos ang interview ay tanggap na si Elise at magsisimula ng sa susunod na linggo. Pagbubutihin niya ng husto upang maging regular sa trabaho. Maraming benefits at tiyak na malaking tulong ito sa kanila.
Habang naglalakad pauwi ay may nadaanan siyang sosyal na coffee shop. Isang pamilyar na pigura ang kanyang natanaw at muling bumalik ang mapait na alaala ng nakaraan...
FLASHBACK
Natapos ng mahigit dalawang linggo na may nangyari hindi na nagpakita si Jacob kay Elise. Unang araw ni Elise bilang waitress sa coffee shop. Habang nagpupunas ng mga kubyertos at naririnig niya nag-uusap ang mga kasamahan niya na hindi matago ang kilig.
"Ang pogi ng boyfriend ni mam Divine" girl 1
"Bukod sa pogi madatong daw" girl 2
"Anong madatong? Gaga madatong yun kasi isang Jacob Montecristo ang kasama ni mam Divine. Balita ko 10 days sila nagbakasyon sa Europe kasama ang mga kaibigan na mga alta" girl 3
Parang hindi makahinga si Elise sa kaniyang narinig. Kaya pala hindi nagparamdam sa kanya si Jacob. Sobrang sakit at pinipigilan niyang umiyak.
"Elise ikaw na magdala ng snacks sa taas" girl 2
"ok po" ani ni Elise
Habang naglalakad at dala dala ang tray na may kabigatan. Naririnig na niya ang mga tawanan...
"Jacob pare talagang hindi matatalo sa pustahan ah. Biruin mo nakipag sex ka sa isang Promdi manang/pangit na anak ng isang pokpok" boy 1
"Dude ano maluwag ba"? boy 2
Tawanan ulit ang sumunod na narinig.
"Dude tama ba ako, Elise ang name nya". boy 3
"pwede ba wag na nating pag usapan ang walang kwentang bagay at baka marinig pa tayo nila Divine. Basta panalo ako sa pustahan kaya yung mga bayad nyo hindi ko pa nakukuha.". ani ni Jacob
Hindi nakapagpigil si Elise at bininagsak ang dalang tray at sinugod si Jacob. Nagulat ang lahat ng makita siya.
"Bakit mo ginawa to sakin. Minahal kita Jacob. Naging ma-----"
Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin bigla siyang sinampal ni Jacob. Halos mabali ang leeg niya sa lakas.
" You bitch get out. You fucking gold digger don't make a scene here.
Ambisyosa, Ilusyonada kahit kailan di ko sinabi na mahal kita. Lalake ako nakaramdam ng kati andun ka para magkamot. Hindi porket virgin ka ng may nangyari sa atin ay magiging bukod tangi ka. Kahit kailan di ako magseseryoso sa mga kagaya nyong galing sa putikan" Sabi ni JacobPuno ng luha ang kaniyang mga mata at labis na sakit ang kaniyang nararamdam hindi lang dahil sa tinamong sampal kundi sa mga katagang sinabi ni Jacob. Walang siyang nagawa kundi ang umalis na lang sa coffee shop.
********
Makalipas ang dalawang linggo ay nagising si Elise na hirap sa paghinga ng pagdilat ng kaniyang mata bumungad ang mukha tiyo Marco niya. Nakadagan sa kanya at hindi niya napigilan ang kanyang sarili magtitili ng malakas na itulak ito. Dahil sa kanyang ginawa at nakagawa ito ng ingay at nagising ang ibang kasama nila sa bahay.
"Elise anong ingay ba yan." Bungad sa kanya ng tiya belen
Kahit na nginginig si Elise sa sobrang takot ay nagawa niyang magsalita.
"Tiya Belen si Tiyo Marco po pinasok po ako sa kwarto" umiiyak na sabi ni Elise
"Mahal wag ka maniwala sa pamangkin mo. Nagsisinungaling siya. Mahal inaakit ako ni Elise nang tinanggihan ko ito gumawa ng ganitong eksena." Sagot ni tito Marco
Hindi napaghanda ni Elise ang pagsugod ni tiya Belen.
" Hayop ka!!! Napakalandi mong bata ka...
Sinampal at sinabunutan si Elise at dahil sa komosyon at kabigla ay nawalan ng balanse si Elise at natumba...
" Tiya tama na po, wala po akong ginawang masama. Si tiyo po ang nagsisinungaling"
"Tumigil ka, manang mana ka sa nanay mong pokpok...
Nanghihina na si Elise dahil sa ibat ibang dahilan takot, pagod at hinagpis, hindi na niya kinaya inagaw ng kadiliman ang kanyang diwa.
Nagising si Elise sa sa isang puting kwarto at may ilang nakahiga sa tabi niya. Kaya alam niya na nasa hospital siya.
" Malandi ka talaga, buntis ka at gusto mong ipaako sa tiyo mo. Lumayas ka na sa pamamahay ko. "
End of Flashback
Mabilis na lakad ang kaniyang ginawa para maka alis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Jacob Montecristo (COMPLETED/Under Editing)
Genel Kurgu"Let me remind you, your sons is my sons too. Para mas maintindihan ng mga tsismosa dito ang mga anak mo ay mga anak ko rin, Montecristo sila kaya dapat lang malaman nila kung saan sila nababagay"... Ranking # 20 famous # 13 famous # 6 famous as o...