JACOB
Natagalan ako sa ibang bansa dahil sa sunod sunod na problema ng kompanya. Minadaling kung ayusin para makabalik sa Pilipinas. Kahit pagod sa bhaye ay pagkadating ko sa Penthouse agad kong hinanap ang importanteng file. Nasa akin na rin ang resulta ng DNA test binuksan ko ito para makita ang resulta. Napangiti ako sa resulta at balak kong puntahan ang mga anak ko.
Agad ako bumababa sa lobby ngunit nakasalubong ko sina mommy at daddy. Agad akong humalik sa kanila.
"Hi mom, dad ano ginagawa ninyo rito."
"Anak na miss lang kita kaya pumunta ako dito. Kaya nagpasama ako sa daddy mo."
"Mom may kailangan lang akong puntahan ngayon, sa ibang araw na lang tayo magbonding mom."
"Matitiis mo ba ako anak?"
Napahinga ako ng malalim kahit kailan hindi ko matitiis si mommy. Naloko man ako sa ibang bagay pero pagdating sa mommy ko hindi ko siya binibigyan ng bagay na ikasasama ng loob niya.
"Ok mom, kung gusto ninyo sumama kayo ni dad sa pupuntahan ko."
"ok anak, thank you and I love you"
"I love you too mom."
Hinawakan ko ang kamay ni mommy para sabay na kami maglakad. Sumakay kami sa sasakyan ko at nakasunod na lang ang mga bodyguard sa amin.
Isang oras din ang itinagal ng bhaye namen. Nakarating din kami sa bahay ni Abellardo. Nag park muna ako ng maayos nakita ko rin ang mga kapitbahay na nakatingin sa gawi namen.
"Anak anong ginagawa naten dito?"
"Mom may kailangan lang akong kausapin para maayos ang lahat. Mom sana kahit anong mangyari mamaya sana huwag kayong magagalit sa akin. Siguro mas tama na ngayong araw po ninyo malaman."
Pinisil ni mommy ang kamay ko at niyakap ako, biglang gumaan at nabawasan ang kaba na nararamdaman ko.
Bumaba kami sa sasakyan at nag doorbell sa gate. Wala pang limang minuto ay lumabas si Abellardo nakita ko rin sa reaksyon ng kaniyang mukha ang pagkabigla.
Nang makabawi ay ngumiti ito ng alanganin sa amin.
"Good afternoon ay este good evening po pala ma'am at sir. Pasok po kayo ma'am at sir"
Ngumiti si mommy at sumunod na rin kami sa loob naiwan ang mga bodyguard sa labas.
"Maupo po kayo ma'am at sir. Ano po gusto ninyong inumin juice, water or softdrinks?"
"Tubig na lang hijo."
"Sige po ma'am ikukuha ko po kayo."
"Thank you."
Tagalang nakararamdam ako ng sobrang kaba na ngayon ko lang naramdaman. Makalipas ng ilang minuto sa bumalik si Abellardo na may dalang tray.
Inilapag niya ang tubig at may kasamang mangkok na may lamang pagkain.Ma'am, sir kain po kayo. Ginataang mais po yan"
"thank you"
Ilang minuto pa ang lumipas at ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Mr. Garcia this is the result of DNA test. The result 99.99 the triplets is mine, totally confirmed. They are Montecristo."
"Sir baka pwede hintayin po ninyo si Elise para po makapag usapan po ninyo ang mga bagay tungkol sa mga bata."
Magsasalita na sana ako ng makarinig akong ng tawanan at takbuhan pababa ng hagdan. Lahat kami ay napatingin sa gawi ng hagdan.
"Malapit na si nanay magluluto ng soimai."
BINABASA MO ANG
Jacob Montecristo (COMPLETED/Under Editing)
Algemene fictie"Let me remind you, your sons is my sons too. Para mas maintindihan ng mga tsismosa dito ang mga anak mo ay mga anak ko rin, Montecristo sila kaya dapat lang malaman nila kung saan sila nababagay"... Ranking # 20 famous # 13 famous # 6 famous as o...