ELISE
Magtatatlong linggo na rin ang nakaraan matapos ang civil wedding namen. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ganap na
akong Mrs. Jacob Montecristo.
Maging mas malabing si Jacob at bawat araw na nagdaan ay hindi nito nakakalimutang magsabi ng I LOVE YOU sa akin.Habang nag-aayos ako ng mga toiletries napatingin ako sa itaas na shelves nakita ko ang ilang balot ng sanitary napkins na hindi man lang nabawasan.
Napaisip ako dahil ilang araw na rin akong nakakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka hindi ko man lang pinapansin dahil akala ko ay dahil sa puyat. Kaya naisipan ko na bumili ng pregnancy test.
Agad akong nagbihis para makababa dahil may drugstore sa baba ng Penthouse ni Jacob. Simula ng ikasal kami weekdays dito kami nag stay sa Penthouse at weekends na kami umuuwi sa Mansion.
Nais ko na makompirma ang kutob ko bago kami pumunta sa Hacienda Montecristo. Tiyak na magiging masaya ang mga bata dahil magiging kuya na sila.
"Good morning mam"
"Miss tatlong pregnancy kit"
"Mam ito na lang po ang bilhin ninyo buy one take one po na pt"
"Sige, magkano"
"180.00 po lahat mam para sa 4 pcs na pt"
"Eto ang bayad Miss"
Nang ibigay sa akin ang maliit na paper bag bag ko ito kinuha at binulsa.
"Thank you"
Pabalik na ako ng unit ng makasalubong ko si Jasmin. Halatang excited na excited ito.
"Hi cousin-in-law dala ko na ang hot steamy gift para kay cousin"
"Hi jasmin, nagabala ka pang dalhin dito pwede naman sa Hacienda na tayo magkita."
"Gusto ko na makita mo muna bago ko ibalot, you know what tiyak na hindi mapakali si Jacob kapag nakita niya ito."
"Sige Jasmin titingnan ko muna at may tiwala naman ako sayo."
"Thanks cousin-in-law for your trust in my skills in photography"
Umakyat na kami sa taas para makita at madalian lang dahil hindi pwede na maabutan ni Jacob.
Nang makaalis na si Jasmin saka ko na isipan ang gamitin na ang pt. Umihi ako at inilagay ang ilang patak sa bawat pt. Naghintay ako ng ilang minuto bago ko tiningnan. Napangiti ako sa tig-dalawang guhit na pula sa pt. Itinabi ko ang pt para sa dagdag na regalo kay Jacob.
Kinabukasan maaga kaming nagising dahil sa ingay ng doorbell. Asar na bumangon ang asawa kong gwapo. Bumangon na rin ako pwede naghilamos at ng toothbrush muna ako bago lumabas.
Nakita ko sina Mommy at Jasmin na nakangiti habang ang asawa ko nakasimangot.
"Good morning mommy, good morning jasmin"
Lumapit ako sa kanila at humalik. Naging seryoso na rin ang mukha ni mommy.
"Hija sa makalawa ang kasal dapat ay sumabay kana sa amin papunta sa Hacienda"
BINABASA MO ANG
Jacob Montecristo (COMPLETED/Under Editing)
General Fiction"Let me remind you, your sons is my sons too. Para mas maintindihan ng mga tsismosa dito ang mga anak mo ay mga anak ko rin, Montecristo sila kaya dapat lang malaman nila kung saan sila nababagay"... Ranking # 20 famous # 13 famous # 6 famous as o...