***Dedicated this chapter to JormaTanay5 and EvelynSinoy thank you so much guys kayo yung dahilan kung bakit itinuloy ko ang pagsusulat
😘😘😘 dahil sa (update pls comment) ninyo.At sa lahat ng followers at silent readers thanks po sa support ninyo. Masaya ako at nagustuhan ninyo ang isinulat ko. Sana sa mga susunod sa story ko ay mabigyan po ninyo ulit ng oras na basahin.😭😭😭
************
ELISE
Isang buwan mula ngayon ay nakatakda ang aming kasal. Isang simple church wedding lang ang gusto ko. Mga malalapit na kaibigan at pamilya lang ang nais kong maging saksi sa aming kasal. Ilang beses ko rin kinumbinsi na simple lang para hindi na gumastos ng malaki ang mahalaga ay may basbas na ang aming pagsasama. Nagdrama pa ito sa akin na kesyo kinahihiya ko raw siya, at sinabi niya kaya gusto na madaming bisita para ipakita kung gaano niya ako kamahal. Sa bandang huli ay pumayag na rin si Jacob sa gusto ko kahit ang nais talaga ay engrande.
Abala kaming mag-anak dahil mamayang gabi gaganapin ang ika-sampung taon anibesaryo ng kompanya at nais ni Jacob na pormal kaming ipakilala sa madla. Ang gwapo ng mga anak ko sa sout nilang formal attire.

Habang ako suot ko ang isang mermaid dress na may floral design at may floral headdress.

Nauna sa Hotel si Jacob para ma monitor ang press at security sa area. Nakaramdam ako ng kaba kasi hindi ako sanay sa atensyon ng madla gaya rin ng mga anak ko. Mga kalahating oras din bago dumating ang service na maghahatid sa amin.
Talagang napanganga ako sa service namen isang hummer limo lang naman. Inalalayan kami ng mga body pumasok sa limo at may dalawang babae bodyguard pa kami kasama sa loob. Sobrang ganda sa loob parang hindi kami sa loob ng sasakyan.

Mahigit isang oras din tinagal ang byahe. Nang makarating kami sa hotel nakita ko sa labas ang daming carema at reporters. Kaya mas lalong dumoble na ang kaba ko sa mga oras na ito. Kumapit din ang mga bata sa akin gaya ko ay kabado din sila.Bababa na kami ng limo ramdam ko ang pagiging alerto ng mga bodyguard upang makapasok kami ng maayos talagang todo harang ang mga ito. Bawst hakbang namen ang ingay at kislap ng kamera. Halos wala akong makita dahil sa liwanag ng mga flash ng camera.
Nang makapasok kami sa loob ay may nag-assist sa amin kung saan kami uupo. Kumpleto ang buong pamilya lahat ay nakangiti sa amin mag-ina.
Hindi ko mapigilan tingnan ang paligid ang ganda ng pagkaka-ayos halatang pinaghandaan. Purple at cyan blue ang motif.

Ito ang unang pagkakataon na ginanap ang anibesaryo ng kompanya sa labas. Sa isang sikat na Five Star hotel zng venue. Ito din ang unang pagkakataon na may mga taga-media tv reporters, newpapers writer and editor, showbiz host na dadalo. Halos lahat ng Network sa bansa ay mag-co-cover ng event.
May mga kilala at pulitiko ding dadalo. Sobrang laki ng pagdadaos at tiyak ilang milyon din ang nagastos dito.Nakapwesto kami sa isang presidential table na executive pars sa mga Montecristo. Sa katabing table sila lola at bella. Magsisimula na ang programa. Katabi ko si Jacob habang abala naman ang mga kamay nito sa paghawak ng kanang kamay ko at nilalaro ang mga daliri ko.
"Good evening everyone, this night was a memorable night for each and everyone. We celebrate the tenth year anniversary of JMC Corp. Lets hear the inspiring message from the our CEO, Mr. Jacob Montecristo."
Masigabong palakpakan ang tugon ng mga bisita. Tumayo si Jacob para umakyat sa stage. Ang gwapo nito sa sout na three piece suit with purple necktie.

Nakatutok lahat ng mata kay Jacob, naka standby ang reporter at cameraman ng bawat network. Ito ang once in a life opportunity nila para makapasok sa isang executive event ng Montecristo Corp. Lahat ay tahimik para makinig sa speech ni Jacob.
" Good evening ladies and gentlemen, Tonight we celebrated the tenth year anniversary of JMC Corp. I would like to share my happiness and successful year to all of you."
"Behind every successful CEO is a hardworking and efficient employees, to all my employees, board directors and shareholders this is our sucess."
"Tonight I want to introduce my three bundle of joy. Lets welcome Jam Elizer Montecristo, James Eli Montecristo and Jay Elliot Montecristo."
Tumayo ang mga anak at isa isang umakyat sa stage. Umugong ang bulungan maging ang flash ng camera at walang tigil sa paligid.
"Before I finish my speech,
There a saying behind every successful man is a woman I proudly introduce My woman, My beloved, My betterhalf and only mother of my children.
The future Mrs. Jacob Montecristo, Elise Dela Vega."Talagang nakapanghihina ng tuhod ang mga sinabi ni Jacob. Hindi ko mapigilang maluha habang paakyat sa stage. Sinalubong ako ni Jacob para alalayan sa paglakad. Naging mas malakas ang ingay walang tigil ang flash ng camera.
Akala ko tapos na at babalik na kami sa aming mga upuan ngunit hindi pa pala. Hinawakan ako ng mahigpit ni Jacob habang ang tatlong makukulit ay nagtatakbuhan ay may kinuha kay bella. Tumulong ang mga pinsan ni Jacob para ayusin ito. Nagulat na lang ako isang malaking wedding proposal banner.

Napatingin ako kay Jacob ngumiti ito sa akin at makakagulat ay biglang lumuhod siya sa aking harapan. Lahat ng nakasaksi ay kinilig, nagulat sa ginawa ni Jacob." Hey Sweetie will you change your last name by mine?"
"Yes"
"Will you marry me anytime and anywhere?"
"Yes"
Pagkasabi ko ng yes at agad na tumayo si Jacob at yumakap sa akin ng mahigpit. Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga nakasaksi. Biglang kumalas si Jacob at nagtatakbo sa kabilang dulo. Medyo naguluhan ang mga nakakita maging ako, ilang minuto din ang nakalipas at umakyat si Jasmin sa stage para ikabit sa akin ang belo.
Sa kabilang dulo binuksan ang malaking kurtina na up to ceiling at nagulat ang lahat sa nakita. Isang wedding arch.

Nakatayo si Jacob sa kanang bahagi. At may isang lalaki sa gitna. Pinatugtug ang kantang beautiful in white pero hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan.
"Hey cousin in law naglakad ka na, naghihintay ang groom mo. Tonight your civil wedding, go lumakad ka na sa forever mo"Niyakap at hinalikan ako ni Jasmin. Lumakad ako papalapit kay Jacob at sa sobrang saya hindi ko mapigilan maluha.
Nang tumapat na ako kay Jacob.Hinawakan niya ako at inalalayan para makaupo ng maayos. Bago matapos ang gabing ito ay magiging ganap na Mrs. Jacob Montecristo.
******
Keep on voting😊😊😊
Kindly keep on comment 😘😘😘Last one chapter
BINABASA MO ANG
Jacob Montecristo (COMPLETED/Under Editing)
General Fiction"Let me remind you, your sons is my sons too. Para mas maintindihan ng mga tsismosa dito ang mga anak mo ay mga anak ko rin, Montecristo sila kaya dapat lang malaman nila kung saan sila nababagay"... Ranking # 20 famous # 13 famous # 6 famous as o...