"May sunog ba o artistang dumating?" I look up to her and shook my head for answer.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero base sa reaksyon at bilang ng mga estudyanteng puro babae na mas mabilis pa ata sa mga bullet train ang takbo papunta sa main gate ng school, malaki ang tyansa na isang artista—lalaking artista ang dahilan ng kaguluhan na 'to.
"Tingnan natin," she said and pulled me towards the way where everyone else is rushing themselves. Nang marating na namin ang gate ay bumagal na ang ikot ng sarili kong mundo. Tanging ang pagtibok lang ng puso ko ang mabilis. Mas dumoble pa ang bilis non nang makita ko na ang lalaking pinalilibutan ng mga babaeng unti-unti nang nawawala sa kanilang tamang pag-iisip.
Primo. Primitivo Alcaraz Cervantes, ang aking prince charming!
He stands up straight as soon as his eyes landed on me. Like a prince who sees the damsel in distress that he must rescue. He waved his hand and smile.
Pakiramdam ko ay may nakikita akong liwanag ng araw mula sa mapupula at maninispis niyang labi.
Everyone gasped and squealed out of disappointment, jealousy as the prominent Primitivo Cervantes of Imperial College School of Medicine amble near me. Rinig na rinig ko ang bulong-bulungan ng iba. Hindi ko na 'yon pinansin pa.
"P-Primo... sabi ko naman sa 'yo, ayos lang k-kahit hindi mo na 'ko sunduin," I stuttered that made me blushed profusely.
Mas lalong rumahas ang pagprotesta ng mga estudyanteng nakapalibot sa 'min nang unti-unti nitong inilapit sa 'kin ang mukha niya pagkatapos niyang ikulong ang mukha ko sa kaniyang palad.
Our lips is on the verge of meeting when he open his mouth to say something that sounds odd.
"Gumising ka na, Alexandrite! Narito na tayo," anito. My eyes widened and my brows met as my forehead crinkled.
"Primo? B-bakit kaboses mo si Lolo?" I said confusedly.
"Alexandrite Mersiles!" napabalikwas ako nang bangon sa 'king kinaupuan at napapikit na lamang matapos tumama ng ulo ko sa bubungan ng kotse na siyang nagpaupo ulit sa 'kin.
I heard Lolo Vero's laughed that made me look at his direction and pout.
Nakabukas na ang pinto sa may gilid niya at nakababa na rin 'to.
Nasa loob ako ng van. Wala sa school at mas lalong walang Primo. Nakatulog ako at nanaginip. Iyon na 'yon. Nakakapanghinayang na panaginip lang 'yon. H-hindi ako sinundo ni Primo sa school. H-hindi niya 'ko hahalikan.
W-walang Primitivo Cervantes.
Argh!
Ito ang bangungot!
"Alex baba ka ba r'yan o ipabubuhat na rin kita sa driver pababa ng sasakyan?" untag nito habang dinuduro ako gamit ang kaniyang tungkod.
"Baba na po," saad ko sa mababang boses.
"Istorbo naman. Hindi man lang pinatapos 'yong panaginip ko. Kahit man lang sana sa panaginip nahalikan ko na si Primo," I whispered to myself.
I sighed and gawked at the window. It took me seconds to appreciate the Cervantes residence. Their house or mansion rather is surrounded by a tranquil garden, with various flowers, that I'm not really familiar with except for roses. Napaka-femenine ng ambiance ng bahay na 'to mula rito sa labas. Siguro ay babae rin ang anak ng mag-asawang Cervantes.
Ipinagpatuloy ko pa ang pagpasada ng tingin sa iba't ibang sulok ng malawak nilang bakuran. Nagkalat ang mga puno at iba't iba pang landscape ng mga halaman na naayon sa kanilang klase.