Chapter 11

23.3K 567 25
                                    

Alexandrite's Pov

"Why did you cut my hair this short?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahikbi habang tinitingnan ko mula sa vanity mirror ng salon ang left side ng buhok ko na nabawasan na nila.

Ang sabi nila kaonti lang ang ibabawas nila pero kinalahati kaya nila.

"Pero Ms. Alex, gan'to po 'yong hairstyle at haircut na ininstruct sa 'kin ni Ms. Alissa na igupit ko raw sa inyo...bagay naman sa inyo mas lalo kayong gumanda," pang-aalo pa nito sa 'kin. Pumatak ulit ang panibagong butil ng luha mula sa 'king mga mata habang masama ko siyang tinitingnan.

I turned at her and shove her hand as she tried to reach for my hair again to cut it.

"H'wag mo na ngang bawasan eh! Anong maganda? Anong bagay eh ang ikli-ikli nga baka gusto mo ring lagyan ng bangs para maging kamukha ko na si Dora. H'wag ka na kayang mahiya!" I yelled irritably. Bahagya kong niluwagan ang telang nakabalot sa 'king pang-itaas na katawan para hindi ako malagyan ng mga ginupit na buhok sa katawan.

Another unfamiliar woman approached the hairstylish. Mula sa kaharap na salamin ay nakita ko silang nagbubulungan.

Tumango sa hairstylish iyong babaeng kakalapit lang na sa tingin ko'y manager ata ng salon na 'to. Kinuha nito ang gunting at suklay na hawak ng hairstylish bago n'ya 'to pinaalis.

"Hi, I'm Ruby may I know what is it that you don't like about your haircut?" She asked softly. Nilingon ko s'ya para mas makita ko ng maayos ang maganda niyang mukha. Her neck-length with a big curl hair and  side bangs matches her heart-shaped very well.

She looks a lot like the ulzzang I get to see in instagram and tumblr. Iyon nga lang ay hindi naman talaga siya mukhang koreana.

"I look hideous with this hair. Hindi bagay sa 'kin," reklamo ko. Ruby chuckled. Hinawakan niya ang balikat ko at pinihit niya ako paharap sa salamin.

Sporting a calming smile, somehow her presence eases my fear and anxiety that after this I would look horrible.

She lean her face closer to my ear. "You gotta trust us with this. Tingin mo ba papayag si Ms. Storm na magmukha kang pangit at nakakatawa?" Tanong nito sa 'kin. I looked at the mirror again. I heave a sigh and shook my head slightly.

Alam ko naman na hindi papayag sina Ms. Stormie na magmukha akong nakakatawa pero kasi ito ang unang beses sa loob ng 19 years na nabuhay ako rito sa mundong ibabaw na nagpagupit ako ng ganito kaikli.

Nakangiting inayos niya ang manipis at kulay itim na telang nakabalot sa 'kin. Marahan niyang sinuklay ang buhok ko at ng maramdaman ko na kumakagat na naman ang talim ng gunting sa 'king bibig ay mariin ko na lamang naipikit ang aking sarili.

I grasped on the arm of chair for support. Halos hindi ako makahinga ng maayos sa bawat paggupit sa 'king buhok na nararamdaman ko.

"Dye her hair with a platinum silver after this," rinig kong anas ni Ruby sa taong kausap na hindi ko naman makita dahila nakapikit pa rin ako hanggang ngayon.

Minutes passed and I end up napping in my chair as I waited for them to be done with my hair.

Siguraduhin lang talaga nila na hindi ako magmumukhang pambansang short hair kung hindi ay magwawala talaga ako rito.

"Alex...Alexandrite," unti-unti kong iminulat ang aking mata na kaagad ko rin namang naipikit pagkatapos kong masilaw sa chandelier ng salon na unang bumungad sa 'king mata.

I opened my eyes again and let it adjust on the lightings. My eyes roamed around the salon and nothing really changes except that they have more celebrity costumer inside of the salon.

To Infinity, And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon