Chapter 37

22.6K 551 16
                                    

Alexandrite's Pov

"2:30 ang tapos ng klase ko."

"I know." I unfastened my seatbelt and gazes at him with enough amusement. Hindi ko na lang isinasalita pa ang pagkamangha ko dahil sa narinig. Edi s'ya na talaga. Alam na alam niya ang lahat.

"Hindi mo na ako kailangang ihatid." Pigil ko nang lalabas din sana 'to mula sa kaniyang sasakyan. Tinawanan ako ni Primo. Ako lang ba o sadyang nagiging pala-ngiti at pala tawa na talaga ang future husband ko nitong mga nakaraang araw.

He didn't listen. He still went out after I closed the door. Bahagya itong lumingon sa ibang direksyon nang masilaw siya sa sikat ng araw. "Hindi naman kita ihahatid sa building niyo. Just so you know I still don't have plans to baby you so much," he uttered.

Nauna na itong lumakad paalis ng parking lot. Kung gano'n pala saan siya pupunta, tsaka ano 'yong sabi niya? He don't have plans to baby me so much? So much? Kung gano'n bini-baby niya na ako ng lagay na 'to? Ito na 'yon as in? Sagad na?

Kumilos na rin ang mga paa ko para sundan siya matapos niya akong lingonin. "Then where are you going, Hubby?" Nakagat ko ang aking labi nang mapansin na napatingin sa 'min ang ibang mga tao. Huminto si Primo at seryoso akong hinarap.

Galit ba siya? Dapat ba hindi ko siya tinatawag na Hubby kapag nasa public place kami? Ayaw niya ba na malaman ng iba ang tungkol sa 'min? That thought saddens me. Being a hopeless romantic that I am, I want him to be proud of me. Gusto ko ipangalandakan niya na girlfriend niya ako.

"May kukunin lang akong libro kay Yves." I mentally rolled my eyes. Siya na naman. Baka kaya niya ako hinatid kasi pakay niya naman talaga si Yves. Nakaramdam na ako ng selos at mabilis na nawala sa mood.

Hindi naman sa demanding pero 'di ba? Dapat iniiwasan niya na si Yves kahit papaano kasi alam niya naman na pinagseselosan ko 'yon at siya rin ang dahilan kung bakit kami nag-away nitong nakaraan.

"Nagpalipat kasi ako ng shift. Baka hindi na kami magpang-abot mamaya. Kailangan ko 'yong libro para sa isang report," he explained as if he just read my unsaid thoughts.

Ibinalik ko sa pagkakasukbit sa likod ng aking tainga ang hibla ng buhok kong nilipad sa pag-ihip ng hangin. "Ah, kaya pala 3-10 pm na ang duty mo. Bakit ka nagpalipat? May problema ba?"

Iniling nito ang kaniyang ulo. "Wala naman. I just think that it'll be better if Yves and I won't work together anymore since it upsets you a lot when we're together." Maghunos dili ka, Alexandrite.

H'wag mong ipahahalata na tunaw na tunaw ka dahil sa banat niya. Kunware wala kang pakialam. I purse my lip to hide my smile and yet I can feel my eyes sparkling. "I don't want you upset. Go, your first period will start in ten minutes."

Like a highest paid model whose walking on a runaway. Everyone is staring at Primo as he walk towards their building. Tumalikod na ko. Tinakpan ko ang aking boses at sumigaw ng walang tunog.

You're making me kilig, kilig na kilig. Shit ka Primo!

Awtomatik akong ngumiti nang makita ko si Precious. Itinuro nito sa 'kin ang bakanteng upuan sa tabi niya kaya naman doon na ako dumiretso, sa ngayon siya pa lang ang kilala ko rito sa department namin pero sana talaga magkaroon pa ako ng maraming kaibigan.

Kailangan kong maimintain ang pagiging Most friendly ko simula nang nag-elementary ako at high school.

"Kanina ka pa ba rito?" I asked. Isinarado niya ang bottled water na iniinuman niya kanina. Ipinasok niya 'to sa tote bag saka tumango sa 'kin at ngumiti. "Oo, maaga akong umalis sa 'min kasi nagko-commute lang ako. Ayoko namang ma-late sa first day lalo pa't kilalang terror si Ms. Paltrangco."

To Infinity, And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon