Chapter 27

22.9K 697 33
                                    

Alexandrite's Pov

I breathe in a set of air then proceed on knocking Primo's room in a calm manner. Lumipas ang ilang segundo at bumukas ang pinto ng kwarto. Hindi ko maiwasang hindi magitla nang bumungad sa 'kin si Primo na nakatapis lang ng tuwalya sa pang-ibabang parte ng kaniyang katawan. Isa pang mas maliit na tuwalya ang hawak nito sa kaniyang kamay para tuyuin ang mamasa-masa nitong buhok.

"Bakit?" tanong nito sa 'kin habang patuloy pa rin sa kaniyang ginagawa. Bumaba ang mga mata ko sa mamasa-masa nitong labi at pasimpleng napalunok.

Inaakit n'ya ba 'ko? O sadyang may karupukan lang talaga ako kaya mabilis akong natutukso ng temptasyong Primitivo Cervantes ang pangalan.

"Do I need to mark you down there to be confident that I'm now yours and you're mine?"

Nang maalala ang sinabi nito sa 'kin kanina ay mabilis na namula at nag-init ang aking pisnge, sa sobrang init no'n ay parang p'wede na atang makapagprito ng itlog doon.

Sa kagustuhang iwasan ang tuksong dala ng mapupulang labi ni Primo ay nagbaba ako ng tingin na hindi ko dapat ginawa pa. Kung kanina ay nahihirapan lang akong lumunok ngayon ay hindi na talaga ako makahinga.

His chiseled chest, six pack abs and that ripping v-line in his lower abdomen made me want to surrender my soul to Lucifer for this unforgivable sin.

"Eyes up here, little one. Baka kung saan pa mapunta pa ang mga tingin mong 'yan," he said.

With a big round eyes, my innocent like gazes came back to his face, "Saan mapupunta, e sa sahig naman ako nakatingin, h'wag ka nga, Primo."

Umismid lang 'to sa 'kin at bumalik na sa loob ng kaniyang kwarto. Dapat din ba 'kong pumasok sa loob o iwan ko na lang dito sa tapat ng pinto niya 'tong mga toiletries na ipinabibigay ni Tita Nerie.

Kasi naman...

Nanghihina na ang mga tuhod, humakbang ako papasok sa loob ng kwarto nito. Wala s'ya sa apat na sulok nitong kwarto ngunit nang lingonin ko ang walk-in closet n'ya ay bahagyang nakaawang ang pinto non at nakabukas din ang mga ilaw roon.

Baka nagbibihis na s'ya, mabuti naman. Though, maganda at kahali-halina ngang pagmasdan ang katawan ng aking future husband, ay ayos na rin kung tatakpan n'ya 'yon... mahirap na.

"Primo, iiwan ko na lang 'tong mga toiletries at iba pang necessities na kailangan mo para sa conference dito sa ibabaw ng kama mo..." Nang lumingon ulit ako sa may walk-in closet nito ay halos mapatalon na 'ko sa 'king kinatatayuan dahil nasa harap ko na pala s'ya, maayos nang nakabihis, nakakaakit pa rin pero mas kaya ko nang pigilan ang sarili ko ngayon na h'wag tahasang pagnasaan ang aking asawa.

Marahan kong hinilot ang aking dibdib at nang mapatingin ito sa parteng 'yon ng katawan ko ay dali-dali kong inayos ang aking sarili. "Iyong lang naman, maaga ka aalis 'di ba? Kailangan mo nang matulog kaya." Tumingkayad ako para abutin ang pisnge ni Primo at mabilisan 'tong halikan, "G-good night. I love you." I chuckled, that supposed to sound cute and lovely but nope, I think I sound a lot like a dying goat.

What the fuck, Alex? Hindi ba't natural kang maharot pero ba't ang awkward nang dating kapag hinaharot ko na si Primo?

Isang beses pa 'kong ngumiti rito saka humakbang na hindi ko naman natuloy. Everything about his movement is smooth. Primo managed to pin me down on his bed effortlessly.

Walang kasing lakas ang kabog ng dibdib ko nang pumaibabaw 'to sa 'kin. Dahil na rin sa agwat ng katawan naming dalawa ay amoy na amoy ko ang citrus fruit ng body wash na ginamit nito nang maligo s'ya kanina.

"Do you want me to say that word back?" sa tingin ko'y ang tanong niyang 'yon ang isa sa mga tanong na naintindihan ko nang mabilis at kaagad na natugunan.

To Infinity, And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon